Chapter 37 : Nonchalant Guitarist (Tristan x Jessie)

Comincia dall'inizio
                                    

"Meron na po kayo nitong hand banner? Fan project po natin for Manila."

"Ako wala pa pati po itong kasama ko." Sabay turo ko kay Tristan na nagtataka kung ano yung sinasabi ni ate na sa tingin ko isa sa mga volunteer.

"Thank you ate."

"Enjoy the concert."

"Kayo din." Sabi ko sa kanya at tinuon ulit ang atensyon ko kay Tristan.

"Para saan daw to?"

"Mamaya itataas natin to para mabasa nung artist na nasa stage. Every city kasi na pinupuntahan nila merong tinatawag na fan project. Ito yung way ng mga fans para magthank you and makipagcommunicate sa artist para iparating na we appreciate everything they do for us."

"Hawakan mo yung banner." Utos ko sa kanya.

"Hawakan mo ng magkabila mong kamay." Buti na lang sinunod niya ako bago pa kami magtalo na dalawa. Kinuhanan ko siya ng picture para naman may remembrance din siya kahit paano dahil alam kong siya yung tipo ng taong hindi mahilig magpapicture unless pilitin mo.

Nagnod lang siya sa akin bilang sagot.

Post ko nga din to sa story ko.

Stolen shot na ako lang ang nakatingin at kasama siya.

Bigla na lang namatay ang ilaw at sumunod ko ng nadinig ang hiyawan ng mga fans kasabay noon ang tunog na galing sa speaker.




TRISTAN

"Grabe..."

"..."

"Wala na akong boses."

"..."

"Ang galing nilang lahat." Nadidinig kong nagsasalita si Jessie sa tabi ko at halatang walang tigil ang sigaw at tili niya kanina dahil ngayon paos na siya.

Seryoso, siya yung isa sa malakas na tumitili kanina na halos mabasag na ang eardrums ko sa tinis.

Nabingi ako hindi lang sa ingay ng Araneta kundi dahil sa kagagawan ng katabi ko.

Ang sakit din ng kaliwang braso ko dahil ginawa niya lang naman akong punching bag. Sa bawat tili niya may kasabay na hampas sa braso ko at panggigigil sa damit na suot ko. Makailang beses niya rin na hinila-hila akala ko nga mapupunit niya at wala na akong saplot pangitaas.

Kinuha ko yung tira niyang tubig.

Nakalahati niya to kanina bago magsimula magperform ang mga idol niya. Totoo nga ang sabi niya magaling naman talaga sila. Hindi na ako magtataka kung bakit madami silang fans dito sa Pilipinas.

Binuksan ko na yung bote at inabot sa kanya.

"Tubig mo uminom ka muna."

"Tristan, ang galing nila..."

Tumango ako agad.

"Ang tatangkad nila para silang hindi tao. Nakita mo kanina kumikinang sila."

"Inumin mo muna yang tubig mo paos ka na." Sabi ko sa kanya bago siya magsalita ng magsalita kasi ako na ang naaawa sa kanya ngayon.

"Ang ganda ng boses nila..."

"Mamaya ka na magsalita." Saway ko.

"Yung totoo? Ikaw ba yung nagconcert o sila?" Tanong ko at tinignan niya lang ako ng masama sabay inom ng tubig.

Binalik niya sa akin yung walang laman na bote.

"Gusto mo pa ba?"

"Oo."

A Night with The FrontmanDove le storie prendono vita. Scoprilo ora