Chapter Fifty-seven

Magsimula sa umpisa
                                    

I thought giving him up would make me feel better. Mali pala iyon. Hindi pala talaga magiging madali ang lahat para sa akin.

Kung kanina ay kaya ko pa ang kirot ng puso ko, ngayon ay hindi na. Mas domoble pa ang sakit at sobrang bigat ng dibdib ko. Malalim ang paghinga ko habang yapos-yapos ko ng mahigpit ang puso ko upang mapawi kahit papaano ang nararamdaman kong sakit.

I watch him kissed her forehead before locking her in his embrace.

Bago pa man maguna-unahan sa pagtulo ang luha ko ay tumalikod na ako sa kanila at mabilis na naglakad papalayo.

I was walking away from there at first until it turns out into a full run dahil gusto ko ng umalis doon. I can't watch them anymore. Nawalan na ako ng lakas ng loob na sabihin kay Seven ang pag-alis ko.

Para saan pa? He has her now. Hindi na niya ako kailangan dahil may girlfriend na siya. Tapos na ang papel ko. Sumuko naman na din ako sa kaniya, e. Hindi mas ayos na ang ganito?

"B-bakit... ganito?" hagulgol na tanong ko sa sarili ko at napa-upo na lang sa bakanteng upuan na nadanan ko.

No'ng makita ko kung paano titigan ni Seven si Nadia, naalala ko kung paano niya ako titigan dati. Halos pareho ang tingin na ibinigay niya kay Nadia sa tingin na ibinibigay niya sa akin noon.

The way he kissed her forehead feels nostalgic. Paulit-ulit na nag-flash sa isip ko yung mga pagkakataon na hinalikan niya ako sa noo ko. Mas lalo lang naninikip ang dibdib ko kapag naalala ko ang mga mixed signal na 'yon.

Nagseselos ako. Gusto kong magalit kay Nadia dahil kung hindi siya dumating siguro ay may pag-asa ako kay Seven pero hindi ko magagawnag magalit sa kaniya o kay Seven. Hindi lang dahil sa ayaw ko, wala lang talaga akong karapatang magalit o magselos sa kaniya. Gustuhin ko mang magalit wala naman akong karapatan. Bestfriend lang ako, siya ang mahal. Siya ang inalok maging nobya at hindi ako.

"Ang gandang parting gift naman nito, Seven." natatawang bulalas ko bago mapangiti ng mapait sa sarili ko.

Nakakaawa ka amethyst. Naaawang sermon ko sa sarili ko dahil wala pa ring humpay ang sariwang luha na lumalabas sa mga mata ko. Parang wala yata silang balak huminto sa ngayon.

Sh*t! Sobrang sakit pala nito. My first love turns out to be a failure. Inaasahan ko na ang ganito pero nakaka overwhelm pa rin talaga yung sakit. Kahit pala bumitaw ka na masasaktan ka ap rin pala talaga.

And now I know that it was one sided love all along. Ako lang pala talaga yung nagmamahal sa aming dalawa. His love for me is not a romantic type. It's more on platonic. T*nga-t*nga talaga amethyst!

"Amethyst, iha?" tawag ng isang boses galing sa likuran ko kaya naman mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at hinarap ang taong 'yon.

It's Tita hope, ang kapatid ni mama na magpapa-aral sa akin sa France.

"Tita?" takang tawag ko sa kaniya ng makatayo ako sa bench at lapitan siya.

"Mabuti naman at nahanap kaagad kita, anak." puno ng pagkaginhawa ang boses niya habang sinasabi 'yon na ikina-kunot naman ng noo ko.

"Po?" naguguluhang usla ko. "Bakit po, may problema po ba?" kunot noong tanong ko pa na kaagad namang ikina-iling nito.

"Nothing too big. May misunderstanding lang na nangyari sa company at kailangan na nating lumipad papuntang France ngayon din mismo." sagot nito na ikinalaki ng mata ko.

"N-ngayon na po mismo? As in, now na po?" hindi makapaniwala at gulat na tanong ko kay tita upang makasigurado na tama ang natinig ko.

She look at me apologetically bago niya marahang kunin ang kamay ko at marahang hinaplos-haplos 'yon upang pakalmahin ako.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon