Chapter Fourty-eight

Magsimula sa umpisa
                                    

Siguro nga deserve ko ang suntok ni Hiro para gisingin ako dahil sa katarant*duhan kong iyon.

I was stuck better secretly loving my Bestfriend and having this weird feelings because of Nadia.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. I'm in love with Amethyst, right? Pero bakit kapag nasasaktan si Nadia ay parang sinasakal ang puso ko?

Ini-iling ko ang ulo ko dahil sa naisip. I don't have time for that. Ang kailangan kong gawin ngayon ay puntahan si Ami para Malaman kung okay lang ba siya.

Nabuhayan ako ng loob ng mahagilap ng mata ko ang room 318 pero ng makalapit ako roon ay sakto namang pagbukas ng pinto ng silid na iyon kasunod niyon ay ang paglabas ng pigura ni Tita Thalia, ang mama ni Ami.

Nagpupunas siya ng luha ng makalabas siya sa silid na iyon at ng magtama ang paningin naming dalawa ay maliit niya akong nginitian.

"T-tita..." nauutal na tawag ko sa kaniya sa kabila ng pagkabigla ng makita siya rito.

Kung narito siya at imbis na nasa maynila ay isa lang naman ang ibig sabihin non. Iyong mga sugat na natamo ni Amethyst ay hindi lang minor injuries. Her injuries were major kung pati si Tita Thalia ay napauwi nila galing maynila.

Tinanguan ako ni Tita Thalia bago siya maupo sa upuan sa labas lang mismo ng kwarto ni Amethyst dito sa ospital.

"Halika rito at maupo, Seven. Gusto kitang kausapin." malumanay na sambit niya na ikinatango ko naman.

Her voice is soft pero taliwas ang boses na ginamit niya sa emosiyong nasa mata niya ngayon. She seems warry about me. Na para bang may nagawa ako na hindi niya nagustuhan.

Iyon ang kauna-unahang beses na makita ko siyang tingnan ako ng ganon and trust me when I say, it wasn't pleasant to see.

Sanay kasi ako na lagi siyang nakangiti at parang isang una kung tingnan ako.

Dahan-dahanin akong naglakad papalapit sa kaniya at naupo sa upuan na malapit sa tabi niya. I leave one seat space between us dahil biglang sumeryoso ang awra niya ng maka-upo ako.

"Ngayon ka pa lang bibisita sa kaniya?" sambit nito pero imbis na maging patanong ay naging kaswal lang iyon na lumabas mula sa bibig niya.

It wasn't a question but a statement. Na parang alam niya na ngayon lang talaga ako dadalaw.

"O-opo, Hindi ko po kasi alam na nandito pala siya." nauutal na sagot ko at napayuko na lang upang hindi makita ang malungkot niyang muka.

"Ganoon ba?" tanong nito na ikinatango ko lang naman. "Kaya pala noong hinanap kita sa kaniya kanina ay hindi siya nakasagot." dagdag pa nito na ikinalaki naman ng mata ko bago mapa-angat ng tingin sa kaniya.

Hilam ng luha ang mga mata niya na ams ikinalaki ng mata ko bago niya ako maliit na ngitian.

"Hinahanap ka niya. " usal pa nito na ikina-awang ng labi ko sa gulat. "Umiiyak siya kanina at ayaw sabihin sa akin bakit wala ka sa tabi niya ng mangyari iyon. " dagdag pa niya na ikipinanlabi ko naman.

Hindi ako nakaimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Amethyst is waiting for me while I'm there doing my best to make sure Nadia was alright.

F*ck! I felt like sh*t right now.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa pagitan niyo para humagulgol siya ng iyak pagkarinig pa lang niya sa pangalan mo."

Pagkarinig ko non ay napamira na lang ako sa aking isipan. I felt shitty enough for abandoning her pero habang naririnig ko ang mga sinasabi ni Tita ay parang mas sinasakal ako.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon