1: Welcome

7 1 0
                                    

"You really bring trouble eh? Good thing we came on time, kung hindi, you'll be held responsible kung na coma ang babaeng 'yan." Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng bunganga ng isang babae.

"But damn. What a strong bearer we got here." Voice of a man.

"She's dangerous." A cold voice of a girl.

Iminulat ko ang mga mata ko, only to find out I was caged in a floating bubble that follows these five as they walk.

A girl with a red hair has a fire floating in her hand to serve as the light. No one seems to notice that I am already awake kaya ipinagkrus ko nalang ang braso ko at binaybay ang sariling pag-iisip sa mga bagay-bagay.

I wonder how long was I asleep. That's a good sleep there. Sa mga nagdaang araw kasi ay wala akong maayos na tulog dahil sa 'di komportableng nararamdaman ko kada gabi. It's like someone's calling me, or something is calling for me.

Though I know na may kapangyarihan ako, doesn't mean that I know more than that. May kapangyarihan ako at hanggang doon lang ang alam ko.

Pero alam ko na darating ang araw na mapapabalik ako sa kung saang lugar ako nararapat. Hindi ko lang inasahan na sa ganitong paraan agad ako madadala doon. I still have a grandma left in the house and a favor that wasn't returned as I promised to myself. How disappointing.

Padilim na at nasa gubat pa kami naglalakad. It's dangerous here. Alam ko ang gubat na 'to. Malayo na 'to sa bayan pero napunta ako dito one time nung may sinundan ako. This forest is where the wild bears reside. I came here many times already pero hindi sa gabi.

Ang ganda pala dito kapag gabi. Dahil sa madilim na ang kalangitan ay nakikita ko ang mga maliliit na ilaw sa paligid na parang alitaptap, iyon nga lang, imbes na kulay yellow ang ilaw, ito ay kulay asul.

At iyon nga. Dahil nga sa mapanganib ang lugar na 'to, ramdam kong pinapalibutan na kami ng mga wild bears. Hindi naman gaanong malayo sa'min pero parang ako lang ang nakaramdam. I can feel more than fifty harsh breaths. Sabagay, iisa ako at ang hangin kaya nakakaramdam ako sa paligid.

They continued talking, not minding the danger around. Ayoko naman na hayaan lang sila mamatay dito. Konsensya ko pa kung may mamatay man ang isa sa kanila dahil hindi ko sila sinabihan.

'As if I have conscience.'

Hmm. Madilim pa naman ang paligid.

"Brace yourselves, we're surrounded by wild bears." Tanging sabi ko lang saka sila napahinto sa pagsasalita at paglalakad. Para lang lingunin ako? Psh! "What?" I asked them with a cold voice. I can see their hairs but not their faces.

"O.. kay..?" Ani ng babaeng apoy.

Mukhang hindi naman sila naniniwala at nagpatuloy lang sa paglalakad. Damn. Are they really powerful beings? Parang hindi naman yata. Hindi nakikiramdam sa paligid. Well, it's up to them. Basta ako dito lang, manonood sa susunod na mangyayari.

"Wait." A girl with green hair said that made them stopped.

"Bakit?" A guy with white hair said. Yung Felix na tinapunan ako ng boltaheng kuryente kanina.

"The nature is scared. The flower sensed danger." With that statement, I knew already that, the girl with green hair is a nature holder. "Mystical bears." She fearfully said.

Mystical bears pala yun, hindi pala wild bears. Well, I guess this is the place where small magic resides.

"Mystical bears?" I asked. Hindi naman siguro yon magkaiba sa mga normal na bears.

"They're immune to magic. More bigger and stronger than the normal one's." The nature girl answered. Oof. Scary. "We better hurry. Gagapusin ko muna sila for the meantime. Enough for us to move and go to the portal." She added.

Dahil doon ay lumiwanag ang kanyang mga mata at itinaas ang dalawang kamay na parang may hinihila galing sa lupa. Habang ginagawa niya iyon ay dali-dali silang naglakad habang ako ay palutang-lutang parin.

"Run!"

At dahil sa sigaw na iyon ay tumakbo kami--sila.

I can hear howls and the breaking of roots. I can feel those mystical bear's approaching us. Mabuti nalang at mabilis silang tumakbo kaya we arrived at the.. edge of a cliff?

"Damn! Tatalon kayo?!" I panicked. Fuck! Mamamatay ako 'tatalon kami d'yan! Ang taas ng babagsakan namin!

Pero mukhang walang choice kasi papalapit na ang mga mystical bears sa direksyon namin.

"This is the portal." Blue haired girl answered.

"Tek-- Ahhhh!" Napapikit ako dahil sa biglaang pagtalon nila.

Bigla akong nahilo sa di-malamang dahilan at para akong maduduwal dahil sa paghila ng kung anong malakas na enerhiya sa'kin. And before I knew it, I landed in the arms of someone. Felix.

Bumaba kaagad ako sa pagkakabuhat n'ya at saka tumayo ng maayos. And what the hell? Gabi lang kanina ah, tapos dito ay papataas pa lamang ang araw.

"Carte ecum so Fantasia, Vishra Aero." (Welcome to Fantasia, Bearer of Air.)

§§§

VILEVEIL

Bearers Of The Elements Onde histórias criam vida. Descubra agora