Chapter Fourty-Five

Start from the beginning
                                    

Para akong binuhusan ng isang timba ng malamig na tubig sa narinig. Namutla ang muka ko at napa-awang bahagya ang labi habang hindi makapaniwalang nakatingin sa lupa.

"I-I'm sorry. H-hindi ko sinasadya, Amethyst." nakayuko at yumuyugyog ang balikat na paghingi niya ng tawad sa akin matapos kong nag-angat ng tingin upang tingnan siya.

Nanatili lang akong parang robot na nakatayo sa harapan niya habang kuyom ang kamao at pinipigilan ang sariling mapaluha.

I was already expecting something like this pero mas nakakamanhid pala at mas masakit yung kirot ngayong nangyayari na.

T*ngina! Kaibigan ko siya, e. Alam niya na gusto ko si Seven no'ng una palang. P-paano niya nagawa sa akin 'to?

"H-hindi mo sinasadya?" mahina ang boses na usal ko kasunod ng mapait kong pagtawa.

Napa-angat siya ng tingin sa akin unti-unti at sinalubong ang maluha-luha kong mata ng umiiyak niyang muka.

"H-hindi ko naman alam na mahuhulog ako sa kaniya, e. I'm really sorry, Amethyst. Napakasama kong kaibigan para sa'yo." humihikbing ani nito at humakbang papalapit sa akin.

Sinubukan niyang kuhanin ang kamay ko pero tinavig ko 'yon at umatras ako papalayo sa kaniya bago ako napatawa ng sarkastiko.

"Simula pa lang alam mo ng may gusto ako kay Seven, 'di ba?" mapait na tanong ko sa kaniya na ikinayuko lang nito at hindi nakasagot. "'di ba!" napatawa na ang boses na ni ko na kita kong ikina-igtad naman niya bago mapatango.

"Alam mo na gustong-gusto ko siya simula pa lang pero hindi ka pa rinumiwas. T*ngina, Nadia! Kaibigan kita, e! Pinagkatiwalaan kita! Akala ko ba gusto mo lang din kaibiganin si Seven? Bakit naman nauwi sa ganito?" Napasigaw na ako dahil sa halo-halong emosiyon na lumukob sa aking dibdib.

Nagragasaan ang luha ko mula sa aking mata habang hinahabol ko ang hininga sa sobrang galit.

Kaya ba dumadalang na lang siyang sumama sa akin dahil lumalayo na siya upang makuha ang loob ni Seven. She purposely doing those things kasi mahulog na rin siya sa taong mahal ko? Dahil mahal na niya rin si Seven?

"S-sorry. H-hindi ko napigilan ang sarili ko, amethyst. H-he was kind. S-sigurado naman ako na gusto niya rin ako, e." sambit niya habang nagmamaka-awa ang tingin sa akin.

Napatigagal ako dahil sa huling sinabi niya. Parang nabingi ako at iyon lang ang narinig. G-gusto rin siya ni Seven?

Para akong tinarakan ng libo-libong kutsilyo sa dibdib dahil sa narinig.

Sadness, pain, betrayal and anger. Naghalo-halo ang mga iyon sa loob ko na tila mo bomba. I know any moment from now on, sasabog na ako dahil sa mga nalalaman ko ngayon.

Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. She was fidling with the hem of her shirt.

"G-give up on him, please? Kaya ko namang pasayahin siya, e. I love him, amethyst. At alam kong gusto niya rin naman ako. He stop spending much time with you isn't he? Ako ang kasama niya sa mga oras na iyon kaya nakiki-usap ako. Give up on him and I'll love him instead in your place." nahmamaka-awang usal niya na ikina-awang ng labi ko dahil sa hiwaga.

Is she really begging at me to give up on Seven just so she can have him and love him as she pleases? Seryoso ba siya?

"Y-you want me to give him up to you? Alam mo naman kung gaano ko na siya katagal gusto, hindi ba? Ano bang nangyayari sayo? Anong ginawa ko para ganituhin mo ako, ha?!" pagalit na sigaw ko sa kaniya na ikinahagulgol naman nito ng iyak.

"I'm sorry. I-I... I just love him so much and hibdi ko siya kayang ipaubaya kaya naman ikaw na lang ang gumawa non. Y-you want him to be happy right? I can make him happy. H-hindi mo naman kayang ibigay iyon sa kaniy-

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now