Part 15

0 0 0
                                    

**

— Sa madilim na sulok —

Zy's POV

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa matagpuan ko sila anna na nasa kusina. Kumakain sila at nagkekwentuhan.

"Oh zy, nasan sila Kit? Akala ko ba pupuntahan mo sila?" Nagtatakang tanong ni Yesha.

"We need to leave. Nandito sya at pinatay nya sila Kit. Wala na sila, patay na sila." Saad ko. Nakita ko naman ang takot na sumilay sa kanilang mukha.

Agad naman silang tumayo at nagsimula kaming tumakbo.

"Wait!" Biglang sigaw ni Nica kaya napatigil kami sa pagtakbo. Malapit na sana kami sa may pinto, pero tumigil kami dahil sa sigaw niya.

"Ano Nica? May problema ba?" Tanong naman ni Yesha kay Nica.

"Nasan sya?" Tanong niya. Hindi naman namin maintindihan ang sinasabi niya.

"Huh? Sinong sya?" Tanong naman ni Yesha.

"Si Daisy, nasan si Daisy?" Tanong ulit nya. Nang banggitin niya si Daisy ay para akong naestatwa.

"Nasan sya? Nakita nyo ba sya?" - Nica

Lumapit si Nica sa akin at hinawakan nya ko sa balikat. "Zy, did you see her? Nasan si Daisy?" Tanong nya sakin.

Hindi ko sya sinagot at nanatili akong nakayuko.

"Zy! Sagutin mo ko please... Nasan sya? Nasaan si Daisy?!"

Sa pagkakataong ito ay tiningala ko sya. Naramdaman ko ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata ko.

"Zy... Why are you crying?" Nagtatakang tanong nya.

"No... Don't tell me..."

Umiling-iling ako.

"No... No! Hindi pwede... Nasaan sya? Where is she?!" Napasigaw na sya habang umaatras.

"Nica..." Pagtawag ko sakanya.

"Nasaan sya?! Sabihin mo sakin zy! Nasaan si Daisy?!"

"Wala na sya... Wala na si Daisy... S-she... S-she's dead..." Mahinang saad ko.

Bigla nalang lumapit si Nica at hinawakan ang damit ko.

"What did you say?" - Nica

"Wala na sya Nic! Wala na si Daisy! Pinatay na sya.... Pinatay sya..." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tuluyan ng bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Nica sa damit ko.

"No! She's not dead! Hindi pa patay si Daisy!" Sigaw nya. Napabitaw sya sa apagkakahawak sakin at dahan-dahang umatras.

"No... No! This can't be happening... Hindi siya patay. Hindi sya patay!" - Nica

Napaluhod sya at nagsimulang umiyak. Agad naman namin syang nilapitan.

"No... Hindi pwede..."

Parang tinusok ng libo-libong kutsilyo ang puso ko nang malakas niyang isinigaw ang pangalan ni Daisy. Maya maya pa ay bigla nya akong hinawakan sa braso.

"Nasan sya? Where is Daisy? Kailangan ko syang mailabas dito." mahinang saad niya.

"No, nica, hindi pwede. Mapapahamak ka. We need to leave. Kailangan na nating umalis." Saad ko naman. Umiling-iling sya.

DILIM Where stories live. Discover now