Part 2

2 0 0
                                    

— MAKALIPAS ANG DALAWANG ARAW —

**

Nica's POV

"Nica, natapos mo na ba yung project na pinapagawa ni ma'am fernandez?" Tanong ni Anna sa'kin. Naglalakad kami ngayon papunta sa faculty dahil pinatawag kami ng aming adviser at kailangan naming pumunta sa faculty.

"Yung article ba kamo? Tapos ko na, naipasa ko na nga kay ma'am kahapon." Sagot ko naman.

"Buti ka pa, may di pa kasi ako natatapos."

Nang dumating kami sa faculty ay sinalubong kami ni ma'am lopez na naghihintay sa amin sa labas ng faculty.

"Di ako makakapasok mamaya, kaya kayong dalawa ang incharge sa room nyo sa time ko. May ipapagawa lang akong activity, tell your classmates na wag labas nang labas dahil baka masita kayo ng ibang teachers, and also tell them to answer quitely." Pag-iinstruct sa amin ni ma'am lopez.

"After nyo matapos ang activity, ipasa niyong dalawa sakin sa faculty. If may hindi pa natapos, icontinue natin tomorrow, okay?"

"Yes po ma'am" sagot naming dalawa ni Anna. Pagkatapos ay bumalik na kami sa room. Habang naglalakad kami pabalik ay bigla naming narinig ang isang malakas na sigaw na mukhang nanggagaling sa girl's cr. Dahil sa lakas ng sigaw ay nagtingininan ang mga estudyante at agad silang tumakbo para tingnan kung ano ang nangyari.

Dahil nacucurious ako ay hinila ko si Anna at sumabay sa mga estudyanteng tumatakbo papunta sa cr. Nang makadating kami sa cr ay nakita namin ang katawan ng isang babae na duguan at tila brutal ang pagpatay sakanya dahil ang katawan niya ay may mga pasa, ang babae din ay ginilitan sa leeg. Ang mga kamay niya ay nagdurugo dahil mukhang tinanggal ang mga kuko nito.

"Kawawa naman siya."

"Grabe beh, ang brutal ng pagkapatay sakanya, parang walang awa ang gumawa sakanya nito."

"Di kaya kagagawan to ng kaluluwa ni Ella? Kasi yang babae is balita ko nambubully daw yan kay Ella dati."

Mga bulong-bulungan na aming narinig.

Maya-maya pa ay may dumating na mga teachers at pinabalik na kami sa aming room.

"Mukhang inisa-isa na ni Ella yung mga nanakit sakanya" saad ni Anna habang naglalakad kami pabalik sa room.

"Danica"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko na naman ang isang boses na tumatawag sa pangalan ko. Sa di malamang dahilan ay napadapo ang tingin ko sa may cr at nakita ang isang babaeng duguan ang mukha na nakatingin saakin.

"Nica, huy nica!"

Napabaling ang tingin ko kay Anna dahil sa pagtawag niya sakin.

"Okay ka lang?" Tanong niya at tumango lang ako.

Pagdating namin sa room ay agad na lumapit sa amin sina Yesha.

"Nica, totoo ba? May natagpuan daw na patay sa cr?" Tanong ni yesha. Hindi ako nakasagot dahil iniisip ko parin yung babaeng nakita ko kanina, kaya si Anna na ang sumagot.

"Oo, sa pagkakatanda ko, Lea ang pangalan nung babaeng natagpuan sa cr. Isa sya sa mga nanakit kay Ella noon. Kung nakita nyo lang talaga yung katawan niya, napaka brutal ng pagpatay."

"Grabe, parang ayoko na dito. Bakit pa kasi dito pinatay eh pwede namang sa labas ng school, baka multuhin pa tayo nung Lea." Saad naman ni Zyrex kaya agad siyang binatukan ni Demerey

"Siraulo ka talaga zy" - Dem

"Inamo dem, pag ikaw minulto ni Ella o di kaya ni Lea, wag ka talagang hihingi ng tulong sakin." -Zy

"Sinong nagsabing sa'yo ako hihingi ng tulong?" -Dem

Hindi ko magawang tumawa sa pagbabangayan nila dahil hindi parin mawala sa utak ko yung babaeng duguan na nakita ko kanina. Okay lang sana kung nakatalikod sya, pero nakaharap at nakatingin siya sakin. Hindi naman ako natatakot sa mga ganitong bagay pero yung ngiti niya, yung duguan niyang mukha, nakakakilabot. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"Danica"

"Huh?" Saad ko habang nakatingin kay Anna. Bigla niya kasi akong tinawag.

"Ha? Okay ka lang ba talaga Nica? Kanina ka pa tulala ah." Nag-aalalang saad niya.

"Hindi mo ba 'ko tinawag?" Tanong ko sakanya pero binigyan niya lang ako ng nagtatakang tingin.

"Hindi, nakikinig lang ako sakanila." - Anna

Imposible, boses ni Anna yung narinig kong tumawag sakin.

"Nica, okay ka lang? Napansin ko lang na kanina ka pa parang malalim ang iniisip, nung pagbalik mo dito sa room." Tanong naman ni Yesha. Napalitan ng seryosong ekspresyon ang mukha niya. Marahil ay nag-aalala siya sa kinikilos ko.

"Pagod lang siguro ako" mahinang saad ko."

"Attention to all students, as we all know, something unfortunate happened today, and for your safety, the classes are suspended. We will do an investigation about this matter to find out what really happened, and who did such a horrendous crime inside the school. Sisiguraduhin ng school na hindi na ito mauulit pa. Thank you."

Pagkatapos ng announcement ay timing naman na pumasok ang adviser namin.

"Okay everyone, please settle down first." Saad niya kaya naman ay nag-siupuan ang mga kaklase ko.

"Dahil nga sa nangyari ngayong araw, hindi na muna natin gagawin ang activity and we will continue it, maybe next week. If there's a further announcement, I will inform you sa gc. Everyone, please be careful. If may napapansin or nae-experience kayo na kakaiba, please inform me immediately. That's all, you may go home now."

Pagkatapos nun ay nagsiuwian na kami. Ang mga kaibigan ko naman ay gumala pa, inaya nila ako pero hindi ako sumama dahil hindi rin naman ako mag-eenjoy dahil sa nangyari kanina.

Hanggang sa makauwi ako ay bumabagabag pa rin sa isipan ko ang babae kanina. Hindi ko alam kung may pinapahiwatig ba ang pangyayaring yun. Pakiramdam ko ay meron, hindi magpapakita ang babaeng iyon kung wala siyang pinapahiwatig.

'Sana walang masamang mangyari sa amin.' saad ko sa aking isipan.

Para mawala sa isipan ko ang pangyayari kanina, nagbasa na lamang ako ng libro.

***

DILIM

(yo_oncerin)

DILIM Where stories live. Discover now