Part 6

4 0 0
                                    

**

Nica's POV

"Zy! Wag ka ngang galaw nang galaw!"

"Dem! Pakikuha ng phone ko dyan sa side table."

"Anna, pano nga ulit gawin to?"

"Daisy! Ang daya mo!"

Mga boses na naririnig ko na nagpagising sa akin. Nang iminulat ko ang mata ko, dumapo ang tingin ko kay Yesha na hawak ang phone nya at katabi si Daisy. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid at puro puti ang nakikita ko.

"Nica? Nica! Finally, you're awake!" Saad ni Anna na nasa tabi ko pala. Agad namang lumapit sila zyrex nang marinig ang sinabi ni Anna.

"W-what happened? Nasaan ako?" Mahinang saad ko.

"Nasa clinic ka, you passed out a while ago nung pagbalik mo sa room." - Anna

"Nagpakita ba sainyo ang lalaking naka maskara?" Tanong ko sakanila, pero nagtatakang tiningnan lamang nila ako.

"Huh? Anong lalaking nakamaskara?" - Yesha

"Yung humahabol sakin. Gusto nya tayong patayin." - nica

"Nic, walang humahabol sayo, what are you talking about?" - Anna

'What? Hindi totoo yun?'

Nang dumapo ang tingin ko kay Mariane ay biglang bumalik sa isip ko ang nangyari na hindi ko alam kung totoo o panaginip lang. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko si Mariane.

"Thank God it wasn't real. Akala ko...akala ko totoo yun. I thought you were dead." Mahinang saad ko.

It felt so real, parang totoo. Naramdaman ko yung sakit ng pagkasaksak ng lalaking naka maskara. I can still feel it right now, kahit ang ulo ko ay sumasakit parin. I thought I will lose a friend. But I'm glad, I'm glad Mariane's alive. I'm glad panaginip lang ang lahat.

— KINAGABIHAN —

Someone's POV

Alas syete na ng gabi na pero nandito parin kami sa school. Tinatapos kasi namin ang aming project na next week na ang pasahan. Meron naman sa amin na tapos na kaya naisipan nilang tulungan kaming hindi pa natatapos. Masyado kasing hectic ang schedule namin kaya nahihirapan kaming gawin ang mga activities ng sabay sabay.

"Guys, cr muna ako" pagpapaalam ko sakanila nang maramdaman na parang naiihi na ako. Agad akong tumakbo papunta sa cr.

Habang nag-ccr ay bigla akong may narinig na parang bumubulong. Binubulong nito ang pangalan ko. Naalala ko naman ang sinabi noon ni Yesha na may kung ano daw na bumubulong dito sa cr. Hindi ko nalang ito pinansin. Maya maya pa ay bigla nalang may lumitaw na pares ng paa. Ilang segundo itong nandoon at agad na nawala. Nakaramdam ako ng takot pero binalewala ko na lamang ito dahil yun ang sinabi ni Yesha, na dapat ay hindi ko ito pansinin kaya yun ang ginawa ko. Nang matapos ako ay dali dali akong lumabas. Habang pabalik sa faculty ay nadaanan ko ang isang room na hindi masyado ginagamit. Para syang abandonadong room, pero hindi talaga sya abandoned. Ginagamit din naman sya pero minsan lang.

Nakita ko itong nakabukas kaya naman ay nilapitan ko ito. Dapat kasi ay nakasarado ito. Pumasok ako at binuksan ang ilaw. Iginala ko ang tingin sa buong silid at nang makumpirmang walang tao ay pinatay ko na ang ilaw. Nang humarap ako ay para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang isang matulis na bagay na bumaon sa tyan ko. Tila nawalan ako ng lakas at tuluyang napaluhod.

Hindi ko makita ang taong nasa harap ko ngayon dahil madilim at walang ilaw sa labas kaya walang liwanag na pumapasok sa room.

"Balak mong umamin diba? Balak mong aminin ang totoo sa mga pulis." Saad nito at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makilala ang boses ng taong nasa harap ko ngayon.

'Hindi...bakit? Bakit sya...'

"Why are you doing this? Kaibigan mo ko, pano mo to nagawa sakin to!"

Hindi ko na napigilan pang umiyak dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

"Matagal kana dapat sanang patay, kaso, naawa ako sayo. Kaya hinayaan kitang mabuhay pa. But now, you need to die."

"Hayop ka! Mamamatay tao! Sana hindi nalang kita naging kaibigan!"

Hindi ko nakikita ang mukha niya pero alam kong nakangiti sya. Hindi ko inaasahan, na kaibigan ko pa ang magtataksil sa akin.

"Don't worry, hindi ka pa pala mamamatay. This, is just a warning. Alam kong may balak ka na sumuko sa mga pulis at aminin ang naging kasalanan natin, and I won't, let you do that. Kung gusto mo pang mabuhay, shut your mouth. Kilala mo ko, kapag sinabi ko, gagawin ko. Mamili ka. You'll follow what I said and live, or do what you want and die."

"You only have two choices, think, and do the best thing." Huling saad niya at tuluyan syang umalis.

Ginamit ko ang natitirang lakas para tumayo at lumabas ng room. Pinipilit ko ang sarili ko na makalakad kahit na masakit at mahirap dahil sa saksak na natamo ko. Kailangan kong makaalis dito. Hindi nila ako pwedeng makitang ganito, baka pati sila ay saktan din nya.

***

DILIM

(yo_oncerin)

DILIM Where stories live. Discover now