Part 12 (2)

0 0 0
                                    

**

- He's Dead -


Yesha's POV

Naabutan ko si Daisy sa likod ng kusina na umiiyak. Agad ko syang nilapitan at hinaplos ang likod nya.

"Shhh tahan na, mahahanap din natin ang killer ni Mariane, Daisy." Saad ko sakanya.

"Sinabi ko sakanya noon... Poprotektahan ko sya. Sabi ko sakanya... Hindi ko sya hahayaang mapahamak. I failed yesh... I wasn't able protect her... Hindi ko sya nailigtas..." Mahinang saad niya at mas lalo syang umiyak. Hindi ko na rin napigilang umiyak. Niyakap ko sya at pareho kaming umiyak.

'I'm sorry yan, I'm sorry I was too late... I'm sorry for doing that. Pinagsisihan ko ang bagay na yon. Hindi ko dapat ginawa yon. I was so stupid, yan. Pinahamak kita. Kung hindi ko ginawa yon, siguro.. buhay ka pa sana ngayon... kasama ka pa rin namin ngayon. Siguro... Kaasaran kita ngayon, nagbabangayan tayo.. I'm so sorry, Yan... sana mapatawad mo ko sa ginawa ko...'

Tangina! Ang tanga tanga ko! Ang gago ko! Dahil sakin namatay sya.. dahil sa ginawa ko... Namatay sya. Nawalan ako ng kaibigan dahil sa katangahang ginawa ko.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko kay Daisy. Labis kong pinagsisihan iyon, dahil sa ginawa ko ay nawalan ng matalik na kaibigan si Daisy. Ang kaibigan nya simula nong bata pa sya.

Ilang minuto kaming nanatili sa pwesto namin hanggang sa napadesisyonan naming bumalik na. Nang bumalik kami ay wala na sila sa dining area kaya naman ay pumunta kami sa kusina. Malamang ay nandoon sila dahil nga gustong magpaturo ni Yuri kay tita criselle na magluto. Gusto niya raw matutunang lutuin yung niluto ni tita dahil mukhang paborito nya na raw ito. Pagdating namin sa kusina ay nadatnan namin sila doon na nagluluto. Una kaming napansin ni Nica at agad syang lumapit sa gawi namin. Pagkalapit niya ay mahigpit niyang niyakap si Daisy. Saglit lang iyon at bumitaw kaagad si Nica. Hinila ni Nica si Daisy papunta sa pwesto nila tita criselle.

'Kailangan ko syang kausapin. Kailangan kong malaman kung hindi nga ba talaga sya ang pumatay kay Mariane. Sya lang naman ang sinabihan ko, sya lang naman ang maaaring pumatay kay Mariane. Sya nga lang ba? O may iba pang gustong pumatay kay Mariane?'


***

Nica's POV

Alas sais na ng gabi nang makauwi kami galing sa mga lugar na pinuntahan namin. Sa sobrang aliw namin ay hindi na namin namalayan ang oras. Maging si Daisy ay naaliw din. Nawala ang pagkabalisa nya at madalas na syang tumawa at makipag-asaran.

Pagpasok namin sa loob ng mansyon ay napatakip ako sa aking ilong dahil sa masangsang na amoy.

'Bakit ang baho? Parang amoy patay.'

"Anong amoy yon? Bakit ang baho? Tangina parang amoy patay" Saad ni Josh. Lahat kami ay napatakip sa mga ilong namin. Sobrang baho talaga, ang sakit sa ilong.

Napansin namin ang mga kasambahay na tila may hinahanap.

"Manang? Anong nangyayari dito?" Tanong ni Anna kay Manang Helen.

"Nakauwi na pala kayo ija, napansin kasi namin kaninang hapon na bigla nalang kaming nakaamoy ng masangsang, akala namin ay sa basura galing iyon. Pero nung gumabi, mas lumala ang amoy, mas naging masangsang. Iniisip namin na baka may namatay na daga kaya hinahanap namin ngayon." Pagpapaliwanag ni Manang.

"Sa sobrang baho po nung amoy manang, parang imposibleng daga pa rin po yon." - Josh

Pinauna na namin sila Kit, Josh, Sam at Yuri sa kwarto at tinulungan namin sila manang na mahanap ang kung ano mang masangsang na aming naaamoy. Napadaan kami sa parang isang kwarto. Ang sabi ni Anna ay basement daw nila ito. Napamura ako at halos masuka dahil sa nakakasulasok na amoy na tila nanggagaling sa basement.

DILIM Kde žijí příběhy. Začni objevovat