Part 3

0 0 0
                                    


**

Nica's s POV

"Tulong! Tulong!"

Ang dilim, bakit ang dilim?

"Tulong!"

Sino yun?

"Danica"

Isang babae? Teka, sya yung nakita ko kanina. Yung babaeng duguan na nakatingin sa akin.

"Sino ka?"

"Tulungan mo ko, danica, tulungan mo ko!"

Bigla nalang napuno ng dugo ang mukha niya at unti-unti siyang lumapit sakin. Pinipilit kong gumalaw para tumakbo pero para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Maya-maya pa ay may inilabas siyang kutsilyo habang papalapit nang papalapit sa akin. Sinubukan kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

'Hindi, hindi! Wag!'

"Wag!!"

"Nica!"

Lumingon ako sa kung saan nanggagaling ang boses at nakita ang nakatatanda kong kapatid na si ate Sheena.

"Okay ka lang? Bakit ka sumisigaw?" Tanong niya.

Para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng mapagtanto na panaginip lang pala iyon. Mukhang nakatulog ata ako kakabasa nung libro.

"Nanaginip ka ba?" - Sheena

"Oo ate, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dito sa sala."

"Mukhang masama ata panaginip mo, nagsisisigaw ka kasi" saad niya at napabuntong hininga na lamang ako.

"Alam mo nic, sabi ni lola na kapag masama daw yung panaginip mo, may posibilidad daw na mangyari yan sa totoong buhay." Biglang saad niya.

"Ate naman."

"Hahahahaha joke lang, eto naman di mabiro. Tungkol sa mga multo na naman ba yang napanaginipan mo?" -Sheena

"Oo, sanay naman na 'ko" saad ko. Pero ang totoo, ito ang unang beses na natakot ako sa ganitong klaseng panaginip. Kasi kakaiba yung napanaginipan ko. Yung babaeng nakita ko sa school ang napanaginipan ko at alam niya ang pangalan ko. Kilala niya ba ako?

"Yan kasi, kakabasa mo ng mga horror books, nanaginip ka tuloy ng nakakatakot. Hindi ka ba natatakot nic?"

"Buhay dapat ang katakutan at hindi ang patay, dahil ang buhay ang may kakayahan na manakit."

"Pero nic, may kakayahan din ang mga multo na pahirapan ka. Kaya kung maaari, wag na wag mo silang gagambalahin. Dahil kapag nagambala mo sila, susundan at susundan ka nila kahit saan ka magpunta." 

"Alam ko ate. "

— KINABUKASAN —

Walang klase ngayon dahil on-going parin ang investigation patungkol sa insidente sa school. Sinuspend nila ang klase dahil para narin sa kapakanan ng mga estudyante. Kaya ngayon ay napag desisyonan ng mga kaibigan ko na tumambay sa bahay namin.

"Guys, sa tingin niyo, si Ella ba talaga ang pumatay kay Lea?" Biglang tanong ni Mariane sa kalagitnaan ng paglalaro namin ng uno.

"Oo, wala namang ibang papatay kay Lea kundi si Ella, eh isa si Lea sa nanakit sakanya." Sagot naman ni Zy

"Sa tingin niyo magagawa talaga yan ng isang multo? Yung ganon ka brutal na pagpatay?" Tanong ulit ni Mariane. Dahil sa sinabi niya ay napaisip din ako.

DILIM जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें