Part 1

6 0 0
                                    

(DISCLAIMER)

This is a work of fiction.
Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of my imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.

(CONTENT AND TRIGGER
WARNING)

This story contains content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, sexual assault, strong language and more.

READ AT YOUR OWN RISK.

All rights reserved.

***

Nica's POV

Thursday ngayon at kasalukuyang wala ang subject teacher namin dahil nasa faculty ito at may pinagmemeetingan. Dahil nga wala ang teacher namin ay sobrang ingay ng aming classroom, at ang mga kaklase ko ay may kanya kanyang ginagawa. Habang ako ay nagbabasa lamang ng libro at nakasuot ng earphones.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na biglang may humugot ng earphones sa tenga ko kaya agad akong lumingon.

"Tawag ka ni Yesha" saad ni Daisy at itinuro si Yesha na nakikipag-usap kina Zyrex, Arvie, Demerey, Anna, at Mariane.

Sila ay mga kaibigan ko.

"Bakit daw?" Tanong ko sakanya pero nagkibit-balikat lang siya. Napadapo naman ang tingin niya sa librong binabasa ko.

"Ano yan?" Tanong ni Daisy at umupo siya sa tabi ko. "Libro, yung binigay sakin ni Arvie. Yung librong kinwento ko sainyo." Saad ko naman

"Ay yun, binabasa mo talaga yung librong yan? Eh napaka creepy at nakakatakot yan. Feeling ko nga babangungutin ako kapag binasa ko yan."

Natawa naman ako dahil sa naging ekspresyon ni Daisy. Ang tinutukoy niyang libro ay "The Blooded Veil", Isa itong horror book na binigay sa akin ni Arvie. Mahilig kasi ako sa mga horror books kaya naisipan daw ni Arvie na bilhan ako kasi alam niya kung gaano ako kainteresado sa mga ganitong bagay. Sa lahat ng librong nabasa ko, ito na ata ang pinakapaborito ko, dahil talagang nakakatakot at tatayo talaga ang mga balahibo mo kapag nabasa mo yung libro.

"Nica!"

Natigil ang pag-uusap namin ni Daisy patungkol sa katatakutan dahil biglang sumigaw si Yesha. Natawa nalang ako dahil sa lakas ng boses ni Yesha, yung sigaw niya parang umabot ata sa kabilang room.

"Ano?" Tanong ko sakanya nang makalapit ako sa pwesto nila.

"Meron akong chika" saad niya.

Kahit kailan talaga, hindi to nauubusan ng chika.

"Ano na naman ba yang chika mo?" Natatawang tanong ko.

"So eto na nga, may nasagap akong chismis kanina na itong school daw natin, marami daw gumagala na ligaw na kaluluwa. Kasali na raw yung mga estudyante na nagpakamatay dito sa school." - Yesha

"Weh? Di nga? Baka naman chismis lang yan, hindi naman ata totoo yan" pagkokontra ni Daisy.

"Totoo nga, may kaibigan kasi ako sa kabilang section. Ang sabi niya sakin, sa tuwing mag c-cr raw sya, parang pakiramdam niya may nakatingin sakanya. Minsan nga may nakikita siyang paa kapag nagc-cr siya tapos paglabas niya, wala namang tao." - Yesha

"Alam mo yesh, tinatakot ka lang niyan." -Mariane

"Hindi nga, yung taga ibang section din naexperience din daw nila yung pagpaparamdam ng multo. Ang sabi nila, yung multo daw na nagpaparamdam is yung babae na nagsuicide sa loob ng cr." - Yesha

Hindi ako nagsalita at hinayaan sila dahil nacucurious din ako sa sinasabi ni Yesha. Basta sa mga ganitong bagay ay nagiging interesado ako, kaya naman ay seryoso akong nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"Si Ella? Yung nabalitaan na nagpakamatay daw sa cr? Yung pinagkaguluhan natin last month?" Sunod sunod na tanong ni Anna. Tumango-tango naman si Yesha.

"Oo! Siya nga! Pero balita ko din na hindi lang daw siya yung ligaw na kaluluwa na nandito, marami daw. May mga teacher na naaksidente, may mga pinatay, at iba pa. Nakakatakot nga eh."

Magsasalita pa sana si Yesha nang bigla siyang hampasin ni Mariane, at saglit na nawala ang tensyon at napalitan ng tawa.

"Aray! Isa pang hampas Yan, lilipad ka talaga sa kabilang room." inis na saad ni Yesha at natawa nalang kami sakanya.

"Ay sorry Yesh, sorry" paghingi ng tawad ni Mariane habang tumatawa.

"Panira ka talaga Yan! Pero eto nga, balik tayo sa chika. Sabi nila, kapag may narinig ka daw na parang may tumatawag sa'yo, o di kaya may nakita kang pares ng paa, wag mo lang daw pansinin, kasi ang sabi nila, kapag daw natakot ka at pinansin mo, susundan ka daw niya at hindi ka daw niya pipigilan hanggang sa mangyari sayo ang nangyari sakanya." - Yesha

"Inaneto, parang ayaw ko na tuloy mag-cr. Kasalanan mo to Yesh!" - Zyrex

"Hindi zy, feeling ko yung multo pa yung matatakot sayo" - Yesha

Napuno kami ng tawanan dahil sa pagbabangayan ni Yesha at Zyrex. Walang araw talaga na hindi to nagbabangayan, at syempre matatawa ka na lang talaga kapag pinanuod mo sila.

Bigla ko namang naalala ang narinig ko tungkol kay Ella mula sa babaeng nakasalubong ko sa cr. Ang sabi nung babae, si Ella daw ay palaging binubully at sinasaktan kay hindi na niya nakayanan pa at tinuluyan niya ang kanyang buhay. Kaya ang kaluluwa niya ngayon ay naghahanap ng hustisya. Ang sabi nila ay naghihiganti siya sa mga nanakit sakanya, hindi niya ito titigilan hanggang sa makita niyang nahihirapan ang mga nanakit sakanya. May parte sa akin na hindi naniniwala, at may parte din sakin na naniniwala. Sana, sana hindi kami madamay sa galit niya.

"Danica"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa boses na tila tumatawag sakin. Tiningnan ko ang mga kaibigan dahil nagbabakasakali ako na baka sila ang tumawag sa akin, pero imposible dahil nagtatawanan sila. Bukod pa don, hindi boses ng mga kaibigan ko ang narinig ko, boses ng isang babae na ngayon ko lamang narinig.

***

DILIM

(yo_oncerin)

DILIM Where stories live. Discover now