Part 14

0 0 0
                                    

**

— The Plan —

DAY 3

Yuri's POV

Dalawang araw na kaming nandito sa bahay nila tita criselle. Hindi ko alam kung magtatagal pa kami rito. Pagsikat ng araw ay agad kong kinausap sila Kit. Matapos ko syang kausapin kahapon ay nag-isip agad ako ng plano kung paano ko ba sila maililigtas.

"What now Yuri? Kakausapin mo na naman ba kami tungkol sa napag-usapan natin kahapon?" Saad ni Kit at walang emosyong nakatingin sakin.

"Oo, kakausapin ko kayo hindi para pilitin ulit kayo, kundi para sabihin sainyo ang plano ko. Nakausap ko sya kahapon, pinakausapan ko syang bigyan pa ako ng isa pang araw na mapilit kayo. But I lied, I did that para mabigyan pa ako ng isang araw na makapag-isip ng plano kung paano tayo makakatakas lahat dito." Saad ko.

"And what's your plan?" - Kit

"Mamayang gabi, tatakas tayo. Sasabihan ko sya na magkikita kami mamayang gabi doon sa isang kwarto nila tita criselle na hindi na ginagamit. Kapag sinabi niyang nandoon na sya, we'll grab that opportunity na masabihan sila Anna at makatakas." - Yuri

"Paano kung matunugan niya ang plano mo?" - Kit

"Ilolock ko yung kwarto, hihingiin ko kay tita ang susi para malock natin sya." - Yuri

"Paano ka makakasigurado na magtatagumpay ang plano mo? Paano kung pumalya?" Tanong ni Kit. Ngumiti naman ako.

"That's why I have plan B." Saad ko.

I know this will be so risky, at handa akong gawin ang lahat mailigtas lang sila, kahit kapalit pa non ang buhay ko.

***

Pagsapit ng gabi ay agad ko syang tinext. Nagreply naman sya na nandoon na daw sya sa kwarto. Agad ko syang pinuntahan at nilock ang kwarto. Nagtaka ako dahil wala man lang akong narinig na sigaw. Pero sigurado naman ako na nandoon sya sa loob.

Pagkatapos kong ginawa ang plano namin ay agad kong binalikan sila Kit.

"Nakuha nyo na ba ang mga importanteng gamit nyo?" Tanong ko sakanila at tumango naman sila.

"Let's go" saad ko. Nauna si Josh at sya ang nagbukas ng pinto. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa bumungad samin.

'Fudge...Nandito na sya...'

Lahat kami ay napaatras. Napahawak naman si Sam sakin na nasa likuran ko.

"Sa tingin niyo makakatakas kayo? No, you will never escape" saad niya. Hindi ko man makita ang mukha niya dahil sa maskarang suot nya, alam kong nakangiti siya.

Napuno ng takot ang puso ko dahil biglang namatay ang ilaw at bigla syang nawala sa may pinto. Nakita kong nakaluhod si Josh habang hawak hawak ang braso niya. Naramdaman ko naman ang presensya nya sa likod kaya naman ay hindi ako nakagalaw. Lilingon ba ko? Lilingon ako. Kailangan ko syang harapin.

Isa

'tangina lilingon ba talaga ako?'

Dalawa

'Ito na ata ang huling araw ko'

Tatlo

Hinarap ko sya at sakto namang itinaas nya ang kamay nya at aambahan na sana ako ng saksak nang mahawakan ko ang kamay nya.

DILIM Where stories live. Discover now