Part 4

0 0 0
                                    

**

Zy's POV

Alas diyes na ng gabi pero hindi parin ako makatulog, kaya naman ay napagdesisyonan ko na pumunta sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas at pinaresan ko ito ng biskwit.

Sa di malamang dahilan ay bigla ko nalang naramdaman na para bang may nagmamasid sa akin kaya naman ay lumingon-lingon ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita sa isang sulok ang isang babae na duguan ang mukha. Pinikit ko ang mata ko at pagdilat ko, wala na sa sulok ang babae. Binalot ng kaba ang puso ko at dali daling inubos ang gatas na tinimpla ko. Habang ako ay pabalik sa kwarto ay napatigil ako dahil tila may tumatawag sa pangalan ko

"Zy"

I froze on my track and didn't dare to look back. Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang mga yapak na papalapit sa akin. Tatakbo na sana ako nang biglang may  kamay na humawak sa balikat ko, paglingon ko, nakita ko ang babaeng duguan ang mukha na nakangising nakatingin sakin. Dahil sa takot ay napaupo ako sa sahig.  Atras ako nang atras habang sya ay papalapit nang papalapit sakin. Nakakatakot siya, nakakatakot ang mukha niya, nakakatakot ang ngiti niya.

"No! No, please don't hurt me!" Pakiusap ko sakanya pero ngumisi lamang sya.

"Papatayin ko kayong lahat!!" Malakas na sigaw niya. Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ko. Narinig ko pa ang malakas niyang pagtawa na nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko. Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad ko itong nilock at kinuha ang phone ko.

"Zy"

"Nica, please answer my call" saad ko sa aking sarili habang sinusubukang tawagan si nica.

Bigla kong nabitawan ang phone ko dahil sa malakas na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Agad kong kinuha ang phone ko at paulit-ulit na dinial ang number ni nica.

Hindi ko namalayan ang mga luha na pumapatak sa mukha ko. Sa sobrang takot ay hindi ko na napigilan pang umiyak. Natatakot ako, natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin. Nagbalik sya, at nagsisimula na ang paghihiganti niya.

"Hello? Zy? Napatawag ka?"

Para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang sagutin ni nica ang tawag ko.

"N-nica, please help me." Mahinang saad ko.

"Zy? Anong nangyari? Nasaan ka?" Sunod-sunod na tanong ni nica. Mas lalong dumoble ang kaba ko nang mas lumakas nang lumakas ang pagkatok niya sa pinto ko.

"Nica, please p-puntahan mo ko. Tulungan mo ko, nic.." - Zy

Magsasalita pa sana ako nang biglang namatay ang call at pagtingin ko, na lowbat ang phone ko.

"Zy! Zyrex!"

"Please stop! Umalis kana! Umalis kana...please.. Matagal ka ng patay! Bakit mo parin ako ginugulo!"

Isang malakas na tawa ang narinig ko bago biglang tumahimik ang paligid. Bigla na lamang bumukas ang pinto at para bang may kumukontrol sa 'kin dahil hindi ako makagalaw. Kahit anong pilit kong kumilos, hindi ko magawa, kahit ang pagsigaw ay hindi ko rin magawa.
Ilang segundo pa ay bigla siyang tumakbo papunta sa 'kin.

"AAAAHHHHHHH!!"

***

Nica's POV.

Nang biglang naputol ang tawag ay dali dali kong tinawagan sina Anna at sinabing pumunta sa bahay ni Zyrex. Pagdating sa bahay ni Zyrex ay nakasalubong ko sila Anna na saktong papasok na ng bahay. Habang papasok ng bahay ay bigla naming narinig ang isang malakas na sigaw. It was zy's voice. Dali-dali kaming tumakbo papunta sa kwarto ni zy at natagpuan namin siya sa isang sulok. Umiiyak siya at tila takot na takot.
Agad namin syang nilapitan para pakalmahin.

"Zy, kami to, mga kaibigan mo." Pagtawag ko sakanya pero nanatili siyang nakayuko habang tinatakpan ang tenga niya.

"Zy, it's us. Kami to, look at us zy." Pagtawag ko ulit sakanya pero nagpumiglas sya.

"Zyrex!" Sigaw ko at dahil doon ay natauhan siya.

"Nica..." Mahinang saad niya.

"What happened, zy?" Tanong ko pero hindi siya sumagot at tulalang nakatingin lang sya sakin.

"Wait, kukuha lang ako ng tubig" pagpapaalam ko at agad na pumunta sa kusina.

Zy's POV

Nang makaalis si nica ay agad akong nagsalita.

"She's back. Nagparamdam siya sakin. She told me, papatayin niya tayong lahat." Saad ko at naging seryoso ang mukha nila.

"That's not a good joke, zy. She's dead. Matagal na syang patay." Saad ni Mariane pero lumingo-lingo ako.

"No, I saw her. Nagbalik sya para maghiganti. Papatayin niya tayo. Iisa-isahin na niya tayo!" - zy

"Zy, you need to calm down, okay? Maybe you're just hallucinating." Saad naman ni Anna.

'No, I wasn't hallucinating. Totoong nagbalik siya. She came back to haunt and kill us.'

"Sinubukan niya kong patayin, Anna! She was holding a knife nung nagpakita sya. She came back, to haunt us. Bumalik siya para pagbayarin tayo sa ginawa natin sakanya!"

"Zyrex! Don't you dare, bring that up, again. Naiintindihan mo?" - Anna

"Pero—"

"Stop! Stop it. Tumigil ka na. Patay na sya, so stop bringing her up. Kung ano man ang nangyari noon, leave in the past. Wag nyo ng halungkatin pa. Listen, all of you. Walang kahit na sino sainyo ang magsasalita tungkol sakanya, at tungkol sa nangyari ngayon." - Anna

"Paano si nica? Paniguradong magtataka sya sa nangyari. Paano kung malaman niya ang totoo?" - Yesha

"Hindi niya malalaman, kung hindi niyo sasabihin. Now all of you, shut your mouth. Walang dapat makaalam nito. Do you understand?" - Anna

At nagsimula na silang magtalo tungkol sa nangyari sa nakaraan at ang nangyari ngayong gabi.

"Magsisinungaling na naman ba tayo sakanya? Hanggang kailan natin isesekreto ang bagay na yun? Dadating din ang araw na malalaman niya ang lahat ng to, why not tell it now? Maiintindihan niya naman siguro." - Mariane

"No, walang magsasabi sakanya. Do you guys understand?" - Anna

"Pero Anna—"

"Mariane? Do you, understand?"

"Fine."

Hindi ko na narinig pa ang iba nilang pinag-usapan dahil tuluyang dumilim ang paligid ko.

***

DILIM

(yo_oncerin)

DILIM Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin