Part 11

2 0 0
                                    

**

- Mag-ingat ka, nakamasid sya -

DAY 1

Yesha's POV.

Naalimpungatan ako nang biglang may mahinang tumapik sa pisnge ko. Pagdilat ko, mukha ni Nica ang bumungad sakin.

"Nandito na tayo" saad niya.

Hindi ko namalayan na dumating na pala kami dahil nakatulog ako sa byahe. Lumabas ako at nanlaki ang mga mata ko dahil sa tumambad sa akin. Isang bahay na animoy parang mansyon sa sobrang laki. Parang mas malaki pato kaysa sa bahay nila Anna sa syudad.

Nandito kami ngayon sa Province of Batangas. Bago kami pumunta rito ay isinearch ko muna ang lugar kung nasaan ang bahay nila Anna at napag-alaman ko na may city din pala ang Batangas. Tinatawag itong City of Batangas. Pareho itong probinsya at syudad. Ang bahay o tawagin na nating mansyon ay nakalocate sa Sitio Calumpang. Dalawang oras ang naging byahe namin mula sa Manila papuntang Batangas. Maganda ang lugar dahil tahimik, malayo sa syudad na sobrang polluted ang hangin at sobrang ingay. Dito ay sariwa ang hangin, at malayo sa bayan. Ang bahay nila Anna ay sobrang laki, dapat nga hindi bahay ang tawag dito, dapat mansyon na dahil sa sobrang laki. Iilan lang din ang mga bahay na nandito dahil nga medyo malayo ang lugar na to. Ang sabi ni Anna, tanging mga kasambahay daw nila ang nakatira dito para panatilihing malinis ang mansyon. Sabi pa nya ay dito raw madalas tumutuloy ang lola nya, kaya nga lang ay nasa Cavite ngayon ang lola niya na tumutuloy daw sa bahay ng tito nya. Inilabas ko ang phone ko para sana picturan at isend kay mama para iupdate sya, kaso nakita ko sa taas ng screen na wala palang signal. Oo nga pala, namention ni Anna na mahina ang signal pero sa labas lang naman daw dahil may signal naman sila sa loob. Naka wifi kasi sila. Yayamanin talaga ang pamilya ni Anna. May dalawa pa nga raw silang bahay sa Cavite kung saan nakatira ngayon ang tito Alvin niya, at ang isa naman ay nakatira doon ang kanyang Tita Neri.

Labing dalawa kami na nandito ngayon. Bakit labing dalawa? Kasi sinama lang naman ni Anna ang lima naming kaklase na sina Yuri, Jessie, Sam, Josh, at Kit. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak nya at sinama nya ang limang kaklase namin. Tinanong namin sya pero ang sabi niya ay mamaya nya sasabihin pagdating namin sa Mansyon. Hindi ako natutuwa na sinama niya ang limang kaklase namin dahil baka pati ang mga ito ay madamay. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung sakaling may mangyaring masama sakanila, dahil kami ang may kasalanan kung nagkataon. Nadamay na namin sila. Hindi na sila makakawala pa. Hindi na sila makakaligtas pa.

Hindi pa ako nakakapasok sa loob nang may biglang nagtext sa akin na unknown number. Bigla akong kinabahan at nagdadalawang isip kung babasahin ko ba ito o babalewalain lang. Pero sa huli, nanaig ang kuriosidad ko at binasa ang text.

"Mag-ingat ka"
-Unknown

Nagtaka naman ako sa nabasa. Mag-ingat ako? Anong ibig sabihin neto? Mag-ingat saan?

Ilang saglit lang ay tumunog ulit ang phone ko. Nagtext na naman yung unknown number, at sa pagkakataong ito, tuluyang sinakop ng kaba ang puso ko.

"Nakamasid sya"
-Unknown

Nagsimulang bumilis ang pagtibok ng puso ko at luminga-linga ako sa paligid para hanapin kung sino ang tinutukoy nyang nakamasid.

Sino ang nakamasid? Nasundan nya ba kami? Paano?

"Yesh!"

Nabaling ang atensyon ko kay Nica na tinawag pala ako. Huminga ako ng malalim at tuluyang pumasok sa loob ng mansyon. Nakapagtataka, wala naman akong nararamdamang kakaiba. Hindi ko nararamdaman na parang may nagmamasid sakin. Normal lang ang pakiramdam ko sa mansyong to, hindi mabigat, magaan pa nga. Ibig sabihin, baka tinatakot lang ako nung nagtext.

DILIM Where stories live. Discover now