Chapter Fourty-nine

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero... Bakit nga kaya palagi akong bumibisita ng isang to? Is he really friendly or naawa siya sa akin?

“It's nothing like that, Mrs. Esquivel. Ginagalang ko po ang anak niyo. I know her goals and I don't intend to interfere with her journey on achieving that. Kaibigan lang po niya ako. Wala rin po akong masamang motibo sa kaniya, Ma'am.” mahinahon at sinserong ang boses na sagot naman ni Hiro na bahagya kong ikinagulat.

Napatingin tuloy ako sa kaniya dahil sa surpresa. I thought he would be offended dahil sa tanong ni mama pero he surprisingly didn't. He was composed and calm now, kumpara sa kanina na kinakabahan siya.

“Kaibigan ko po si Hiro 'ma. Siya ang tumulong sa mga teacher upang dalhin ako sa ospital.” dagdag suporta ko sa paliwanag ni Hiro ng makita medyo nagdadalawang isip pa si mama na paniwalaan siya.

Napatingin naman sa akin si mama bago nabalik ulit ang tingin kay Hiro kasunod ng pagbuntonghinga niya.

“Pasensiya na sa inasal ko, iho. Ayoko lang kasing may umaaligid na lalaki sa anak ko dahil ayokong masaktan itong Unica hija ko.” napapabuntong hiningang sambit ni mama na inilingan naman ni Hiro bago ito ngumiti kay mama at sa akin.

“Wala po iyon. Naiintindihan ko naman po kung saan kayo nanggagaling. Malinis po ang intensiyon ko sa anak niyo, Ma'am. Pwede niyo po akong mapagkatiwalaan.” malumanay na sambit naman ni Hiro na ikinangiti ni mama.

“Mabuti naman kung ganoon. ” tila nabunutan ng tinik na ani mama na ikinangiti ko naman.

“Salamat sa pagtulong upang dalhin sa ospital ang anak ko, Hiro. Kay buti mong bata.” pasalamat naman ni mama kay Hiro na ikinangiti naman nito.

“Wala pong anuman iyon. Ginawa ako lang po ang gagawin ng kahit sino sa sitwasiyon na iyon.” sagot naman ni Hiro na ikinangiti ni mama.

“A-ano pa lang sadiya mo rito?” singit ko sa usapan nila na ikina-baling sa akin ni Hiro.

Napakurap-kurap siya sa akin saglit bago bahagyang napa-igtad sa upuan at i-abot sa akin ang paper bag na dala niya.

“Here, muntik ko ng makalimutan.” ngiti nito sabay abot sa akin ng paper bag na dala niya kanina.

Napakunot ang noo ko habang nakatingin roon.  Rinig ko naman na napatawa si Hiro dahil siguro nakita niya ang ekspresyon ko sa muka.

“Mga activities niyo iyan this week. I know you value your education so much kaya naman pinaki-usapan ko yung mga  subject teacher mo na mag-iwan ng activities for you at ako na lang ang magdadala sa iyo. ” ngiti nito sa akin na ikinalaki ng mata ko. “In that way kase, Hindi ka mahuhuli sa mga ganap ngayong last quarter. Ilang linggo na lang naman ay graduation na. I figured it'll be easy this way if you can do whatever activities they're doing kahit na nasa bahay ka lang at naka bed rest.” dagdag pa nito na ikinalumanag ng mata ko sa kaniya.

I felt my eyes sting kaya anamn napayuko ako bago mahinang mapatawa.

“Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Naabala ka pa tuloy.” mahinang anas ko na kita kong ikina-iling niya naman matapos kong nag-angat ng tingin.

Ramdam ko naman ang marahang pag-pisil ni mama sa kamay ko upang pakalmahin siguro ako.

“It's nothing. Maliit na bagay lang naman iyon. Wendy help me get them too. Sa kaniya ka dapat magpasalamat.” ngiti nito na ikinangiti ko rin naman.

“Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan dahil sa mga nagawa amo sa anak ko.” singit ni mama habang malumanay na nakatingin kay Hiro na ikina-iling naman ng huli.

“Amethyst is nothing but kind to me, ma'am. Ibinabalik ko lang po ang kabaitang iyon.” samabit naman ni Hiro na ikinabagsak na ng luha ko pero mabilis ko iyong pinunasan para hindi nila makita.

“Tawagin mo na lang akong Tita Thalia, iho. nagtutunog maganda ako sa ma'am, e.” biro ni mama na ikinatawa naman ni Hiro.

“Sige po, Tita Thalia. Hiro na lang din po ang itawag ninyo sa akin.” ngiti naman pabalik ni Hiro kay mama na ibinalik naman din nito.

I watch them converse happily. Parang kanina lang ay awkward pa sila s aisa't-isa ero ngayon ay nagkasundo na na animo'y magtropa lang sila.

Napatingin ako kay mama na Amy ngiti sa labi habang nakikipag-usap kay Hiro. Her shoulder is relax. Hindi kagaya kanina na tense na tense ito. Lumambot na rin ang mata niya habang nakikipag-usap kay Hiro na kanina ay matalim ang tingin niya.

Napangiti naman ako dahil doon. Ng napadpad kay Hiro ang tingin ko ay napangiti ako kaagad.

Maaliwalas ang muka niya habang nakikipagbiruan Kay mama. Napatingin siya sa akin saglit at saka niya ako nginitian bago bumalik sa pakikipag-usap kay mama.

Habang tumatagal na nakikilala ko siya ay nakikita ko rin kung gaano siya mabuting tao. I don't know what I did to have him helping me and looking out for me like this pero hindi na ako magrereklamo roon.

He's fun to be with and comfortable to talks too. Pati si mama ay napaamo niya na Kaunti lang ang nakakagawa.

He's the second person to tame her in just their first encounter. Seven being the second.

Nanikip ang dibdib ko ng pumasok sa isip ko ang pangalan niya.

Speaking of him. Hindi pa niya ako dinadalaw simula ng ma-ospital ako. Napangiti naman ko ng mapait dahil don.

Is he allowed to visit me? O ang mas tamang tanong ay alam ba niya kung nandito ako? I bet Nadia didn't tell him that.

Napabuntong-hininga na lang ako bago umayos ng upo at panoorin sila mama at Hiro na nag-uusap pa rin. They seems so peaceful.

Sana ganoon din ang isip at puso ko.

_
Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon