SPECIAL CHAPTER.

416 15 0
                                    


LISA POV-

"Lisa asan kana? Malapit ng mag simula yung game" yun ang bungad sakin ng asawa ko ng sagutin ko ang tawag nito.

"Asawa ko, malapit na ako, medyo traffic lang kaya hindi makausad ang sasakyan" sagot ko pa at pinindot ang busina dito, pero ganun padin hindi padin na wawala ang traffic  haysss kailan ba uunsad ang bansang ito sa traffic?

"Haysss, hinahanap kana ni enzo Lisa, kanina pa sya palinga linga" sagot pa nito, kaya bumuntong hininga naman ako.

Ngayun na kasi ang laro ng anak ko sa football, and here I am again, mahuhuli na naman ata sa laro nya, hayssss galing pa kasi akung company dahil pumunta yung investors namin galing Italy at hindi ko naman pwedeng hindi ito puntahan dahil sinadya pa ako nito dito para sa deal na ginawa namin.

"Sige mahal, antayin nyo nalang ako jan, ok gagawa ako ng paraan para nakahabol" sabi ko pa at hindi kuna ito hinantay na makasagot at agad na binaba ang tawag at tinawagan ang isa naming driver para kunin itong sasakyan ko dito sa kalsada, tatakbuhin kuna lang ito para makahabol, hindi ko pwedeng biguin ang anak ko dahil nangako akung pupunta ako sa laban nya.



Lakad takbo ang ginawa ko para makaabot muntik pa akung masagasaan dahil kailangan ko pang tumawid para makarating sa failed kung saan gaganapin ang laro ng anak ko.

Napahinto naman ako ng makarating ako sa entrance ng failed at wala ng masyadong tao siguro ay nasa loob na silang lahat, kaya agad kung inayus and sarili ko, dahil pawisan na ako dahil pag takbo.

Pagkarating ko sa loob ay tinatawag na ang pangalan ng mga players, kaya nilinga ko ang aking paningin para hanapin ang pamilya ko kung saan sila naka pwesto, at hindi naman ako nahirapan dahil nasa malapit lang sila, kaya agad akung nakiraan sa mga taong nakaupo para makapunta sa pamilya ko.

"Number 27 Lorenzo Manoban" pero napahinto muna ako ng marinig ang pangalan ng anak ko, na ngayun ay papalapit sa mga ka team nya, nakita ko pang nilinga linga nito ang paningin nya, na parang may hinahanap, kumaway pa ito pamilya namin at ganun nalang ang paglaki ng ngiti nya ng mapatingin ito sa gawi ko, at para namang hinaplos ang puso ko ng makitang nag pipigil ito ng iyak, kaya kumaway ako at sinabeng fighting, kumaway din ito sakin bago bumaling sa mga ka team nya at nakita ko pang nagpunas ito ng mata nya.

Napatingin naman ako sa pamilya ko na ngayon ay nakatingin nadin sakin habang nakangiti, kaya dali dali akung lumapit sakanila.

"Buti nakaabot ka" bungad ng asawa ko at hinalikan ko naman ito sa noo nya, andito din ang parents namin to support enzo pati ang mga kaibigan namin, ang kambal naman ay nakilala mom at mama Rica, binate ko din muna sila.

"Bakit pawis na pawis ka bro? " tanung pa ni suelgi after ko itong batiin  napatingin pa sila saking lahat.

"Ehh traffic kasi kaya tinakbo ko nalang ang papunta dito" sagot ko naman at umupo na tabi ng asawa ko na agad akung pinunasan dahil sa pawis ko hayssss ang layo pala.

"Bakit mo kasi tinakbo? "Tanung pa nito sakin habang pinupunasan ako.

"Eh gusto kung makaabot sa laro ng anak natin ehh, ayaw ko namang ma messed ulit ang laro nya" sagot ko pa at tinignan ulit ang anak ko na nakatingin lang samin kaya I sign him to come near na agad nya namang ginawa, tumayo naman muna ako at lumapit din sa anak ko, at hinalikan ito sa noo.

"Galingan mo anak, manalo matalo proud si tatay sayo" sabi ko pa at niyakap naman ako nito.

"Salamat tatay at nakarating ka, pangako po gagalingan ko para maging proud kapa lalo sakin" sabi pa nito sakin after nya akung yakapin, ginulo ko naman ang buhok nya.

YOU CHANGE ME(JENLISA STORY)Where stories live. Discover now