Chapter Fourty-three

Start from the beginning
                                    

"Ang galing nating lahat kung ganon." masiglang aniya na ikinatango ko bilang pag-sang-ayon.

"Amethyst. Dalawamg order ng Cheesecake na may ka-partner na caramel cold drinks tsaka Chocolate drink, hot naman iyon."

Napabaling kami Kay Jerome ng sabihin niya ang order na iyon kaya naman kaagad kaming kumilos ni Wendy upang ihanda ang order nila.

"Jace, isang caramel cold drink tsaka hot chocolate drinks." ani Wendy kay Jace na siyang nakatoka sa pag-gawa ng mga drinks namin.

"Comming right, up. Give me a few minutes." masiglang ani Jace bago nagsimulang gawin ang drinks habang kami naman ay ini-ayos ng playing ang cheesecake na order nila.

Si Jerome naman ay bumalik sa ibang table upang kumuha ng order kaya naman sunod-sunod na ang mga orders na dumarating sa amin.

Siguradong hanggang mamaya na ako rito. Hindi ko pa shift pero naubliga na ako dahil madami kaagad kaming naging costumers.

Makikipagpalit na lang siguro ako sa mga nakatokang nag-shift ngayong umaga para makapanood pa rin ng play nila Seven.

***

"Ha! Nakakapagod." sabay-sabay na usal namin bago sumalampak sa sahig sa loob ng counter matapos humupa ang mga umoorder sa amin.

Mayroon pang mga estudyante na kumakain na lang at nakukwentuhan na lang kaya libre na kaming mamahinga kahit saglit lang.

We open up 8:30 sharp pero humupa ang mga costumer saktong 12:00 na kaya naman talagang pagod kaming lahat na naunang nag-shift kahit na dapat ay mamaya pa talaga kami.

Lahat kasi ng nag-aayos ay dapat ngayong tanghali ang shift para may pahinga sila pero hindi na nasunod iyon dahil hindi pa kami nakakapagpalit ay dinagsa na kami.

Naisuot naman namin ang maid outfit dahil kada kokonti ang costumer ay nag-iisa-isa kaming puslit para magpalit.

And yes, nakasuot kami ngayon ng maid out fit at butler outfit.

"Ang dami nating benta ngayon. Good work guys!"

Napatingin kami sa nagsalita at bumungad sa amin ang mga kaklase namin na siyang dapat mag-shishift ngayon. Malawak ang ngiti nila habang nakatanaw sa pagod naming pustura.

"Finally! Dumating na rin kayo. Pagod na kami kaya kayo naman. Good luck." napapangiting ni Jace na ikinatawa naman ng mga bagong dating.

"You did good. Bumalik na kayo s a room at magpahinga. Kami na ang bahala rito. Good work guys!" masiyang usal naman ng isa sa mga kakalse namin na ikinabuntong-hininga ko bago mapangiti.

"Bihis na tayo, amethyst. Gala na tayo sa ibang booth tapos kumain na rin muna pala tayo." anyaya sa akin ni Wendy na ikina tango ko naman.

"Sabay-sabay na tayong mag-lunch. Balita ko food court booth ang sa STEM kaya doon na lang tayo kumain." suhestiyon naman ni Jerome na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Tara na. Nagwawala na ang bulate ko sa tiyan, e." natatawang ani Jace na ikinatawa rin naman namin bago lumabas ng counter at maglakad papalabas ng booth.

"Good luck guys! Galingan niyo, ha!" paalam pa ni Angel bago kami tuluyang makalabas ng booth at maglakad papunta sa tapat ng building ng STEM upang doon kumain.

"Yo! Pakain kami guys." friend-ling bati ni Jerome ng makarating kami sa Booth ng mga STEM at nangunan pang maupo sa mahabang lamesa malapit sa counter nila na sinundan naman namin.

"Jerome, nice. Naghakot ng costumer." ngisi ni Tyler bago i-fist bump si Jerome bago ito ngumisi pabalik.

"Oh, kasama niyo si Amethyst. Hi!" ngiti nito sa akin matapos mabaling sa akin ang tingin niya.

"Hello." nahihiyang anikk bago siya ngitian.

"Hiro, may costumer tayo. Halika rito bilis." sigaw nito bago lumingon sa likod kung nasaan ang counter kaya napatingin kaming lahat roon.

Ilang sandali lang ay biglang may kamay na humawi sa itim na tela sa loob ng counter at iniluwa niyon ang naka apron na si Hiro sabay kaway sa amin habang nakangiti.

Ewan ko kung ako lang ang nakapansin pero ng madapo sa akin ang tingin niya ay bahagyang nanlaki ang mata niya at mas lumawak ang ngiti ng nakabawi sa bahagyang pagkagulat.

Hindi niya siguro inaasahan na pupunta ako rito. Ako rin naman, e. Hindi ko alam na mapapadpad ako rito.

"Yo! Nice, Akala ko Ikaw lang ang kakain diro pero may mga kasama ka pala, dre." bungad na pati nito Kay Jerome matapos makalapit s amin.

"Jace." bati nito kay Jace na tinanguan naman ng huli.

"Amethyst, hi!" bati naman nito sa akin ng malapad sa akin ang tingin na ikina-ngiti ko naman.

"H-hello." nahihiyang bati ko na ikinangiti naman niya.

"I assume you're okay now, right?" aniya na ikinatango ko naman.

"Great." anito bago balingan ng mga kasama ko ng may ngiti sa labi. "So, what's your orders?" nakangiting tanong nito kaya isa-isang ng nagsabi ang mga kakalse ko ng order nila.

Pareho lang ng inorder ni Wendy ang inorder ko dahil trip Kong kumain ng chicken wings with rice ngayon gaya ni Wendy.

"Give me a few minutes para maganda ko na ang order niyo. Iwan ko muna akyo rito ha?" nakangiting ani Hiro bago bumalik sa loob ng counter at magtumong s alikod ng itim kurtina kung saan siya lumabas kanina.

"Si Hiro ba ang cook niyo?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Lyndsey na ikinangiti ng malawak ni Tyler.

"Tama ka diyan, Miss. Magaling magluto iyon, e." ngiti naman ni Tyler bago umayos ng tayo...

" Teka, kukuha ko muna kayo ng juice habang naghihintay. It's on the house since kasama niyo si Amethyst." ngiti nito sabay kindat sa akin na ikina-pula ng pisnge ko sa hiya.

Anong ibig niyang sabihin na itsyon the house sinceeksama nila ako?

Baliw talaga itong si Tyler.

"Yun, oh. Swerte talaga itong si Amethyst, e." ani ng mga kasama ko at napapalakpak pa ahbang ako naman ay namumula na sa hiya habang nakatakip sa muka ko.

"Kaibigan naming mga STEM iyan, e. Sobrang bait kaya deserve niyo ng free drinks." ani pa ni Tyler bago tuluyang umis at kuhanin ang free drinks na sinasabi niya.

Napapabuntong hiningang naman ako habang pinapanood ang likuran niya. Wala pa rito si Seven kaya sigurado akong may ginagawa pa iyon either tungkol sa play or may trabaho siya biglang SSG president.

Hindi naman nagtagal at dumating na rin kaagad ang order namin kasunod lang ng pag-dating ng free drinks kaya kumain na rin kami kaagad dahil sobrang gutom na talaga ang lahat.

Isa lang ang masasabi ko sa menu nila.

Hiro is a great cook. Nakakamanghang isipin na marami rin palang hidden skills ang lalaking iyon.

Ayaw din kaya niya ng maraming atensiyon katulad ko? Well, kung ganoon nga he's too good to be hiding it.

He's also talented like Seven. May mga rumors na nga noong kumalat sa school pero dahil may ibang bitter fans si Seven tubgkol sa rumors na iyon kaya naman na ichapwera rin kaagad.

Well, kung ako naman ang tatanungin. They both have their own similarities and differences. They're both unique in their own way kaya naman wala na dapat pagtalunan pa kung sino ang mas talented at kung sino ang sakto lang.

They have thier own strength and weakness and that's what makes them unique on thier own.

_
Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now