CHAPTER 11- MAIN CHARACTER

93 29 2
                                    


"Lu!"

Nag-angat ako ng tingin nang tawagin ako ni King Thorns. Tuwid itong nakatayo sa pinto ng Nocta ng kaniyang asawa habang naghihintay na pumasok ako. Pinigilan kong mapabuntonghininga.

"Pumasok ka na at ako ay nagugutom na," dagdag niyang reklamo.

Ako rin ho! Nakakainis! Paano ako makakapasok kung nilagyan ng pananggalang ng maldita mong asawa ang kaniyang Nocta laban sa akin?!

"Hey, Luminara!"

"Don't hey-hey me!" bulyaw ko na talaga.

Napakunot-noo naman siya at nilapitan na talaga ako. Nakapamaywang pa ito at mataman akong tinitigan.

"Dumating ako sa lugar na ito na mabait pero mukhang lalabas ako na masama," himutok ko pa. "Dito lang pala lalabas ang totoo kong kulay," dagdag asik ko.

"Matagal ka ng masama," komento niya naman sa kaswal na tono. "Wala ng bago at tanggap ka naman ng Lumina Empire, lalong-lalo na rito sa Nocturna Kingdom."

Gusto ko siyang suntukin dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Mukhang nahahawaan na rin ako ng pag-uugali ni Luminara o kaya ay normal lang talagang maging masama sa mundong ito. Hindi mo talagang mapigilang mag-transform mula sa pagiging anghel hanggang sa pagiging evil. Mas naiintindihan ko na ang character ng isang villainous queen sa kuwentong ito.

"Puwede bang sampalin ka?" hingi ko pa ng permisyon.

At least, nagpaalam naman ako. Hindi ako mapaparusahan dahil sa sinaktan ko ang hari ng palasyong ito.

Bahagyang umawang ang kaniyang bibig at napakurap-kurap pa.

"Ikaw ba ay nagdadalang-tao para kamuhian mo ako sa ganito kaaga?"

"Aish! Nagdadalang-tao talaga? Bakit? Tao ba kayo? Alien kayo, alien! At saka baka nagdadalang-tae at hindi tao?"

Nakatitig lang naman siya sa akin at pagkuwa'y humagalpak ng tawa. Since ako si Lavender at mababaw lang din ang kaligayahan ko ay nakitawa na lang din ako.

Natigil siya bigla sa pagtawa at mataman akong tinitigan. Napahinto rin tuloy ako sa pagtawa.

Bad trip! Basag trip ang isang ito, ha?

"Mas maganda ka kapag tumatawa, Luminara," puri niya pa sa akin.

Palibhasa ay hindi mabibili ang tawa ng reyna, lalong-lalo sa ganito kaaga. Once in a blue moon nga lang maging masaya iyon. Siyempre alam at kabisado ko ang attitude ng reyna base sa nabasa ko.

Or maybe not. Hindi mo rin naman natapos basahin, Lavender.

"Puwede bang sa 'yong Nocta tayo mag-almusal?" suhestiyon ko pa. Hindi ko puwedeng sabihing hindi ako maaaring pumasok sa Nocta ng kaniyang asawa.

"Wow. Nag-iba yata ang ihip ng hangin? Akala ko ba ay hinding-hindi ka papasok ng aking Nocta kahit na anong mangyari?"

Kaagad naman akong nag-isip ng palusot. "Sinabi ko rin na hinding-hindi ako papayag na matulog ka sa aking Nocta ngunit ilang araw ka ng sa tabi ko natutulog. Tama ka, tuluyan ng nag-iba ang ihip ng hangin at kasalanan mo 'yon, Thorns. Binago mo ang puso't-isipan ko kaya panindigan mo ako," banat ko naman.

I majored in literature, so I'm used to cringe-worthy lines and anything related to love stories. I can handle a situation like this and even use my hidden flirting skills to win him over.

While inhabiting Luminara's body, I'll do whatever it takes to win the king's attention and affection for her well-being. She must prevail over Lady Aeris.

The Villainous Queen (Resurrection Series #2)Where stories live. Discover now