CHAPTER 6- 3RD MOON

148 59 10
                                    

Marahan na nagdilat ako nang aking mga mata. Dahil sa kisameng gawa sa magagarang materyales na malabong matagpuan sa mundo na aking pinanggalingan ay paniguradong nasa silid pa rin ako ni Queen Luminara.

Nandito pa rin ako? Ano ba namang ispirito ito?! Masyado kasing gala. Mas ayos na lang siguro iyong naging butiki ako at nakulong sa loob ng kaldero dahil may pag-asa pa akong makawala kinabukasan.

Napapitlag pa ako nang may mga kamay na yumapos sa akin. Pagpihit ko ay bumungad sa aking paningin ang tulog na tulog pa na hari.

Ibig bang sabihin ay ako na ulit ang may kontrol sa katawan ni Queen Luminara? Nasaan na naman siya?

Nakiki-share na nga lang ako ng katawan, pati ba naman ng guwapo at makisig na asawa?

Bigla na lang bumilis at lumakas ang tibok ng aking puso. Kumilos naman si King Thorns at inilapat pa ang kaniyang tainga sakto sa aking dibdib. Tila ba naestatwa ako.

Oh my god! I'm sorry, Queen Luminara! Hindi ko naman ito gusto!

"Ang tibok ng iyong puso ang paborito kong pakinggan, Lu." Napapikit naman ako. Dumampi sa aking leeg ang kaniyang labi. "Good morning," bati niya pa. Pasalamat na lang talaga ako at englishero din ang isang ito.

"Good morning," bati ko rin. "Tibok ng puso ko? Bakit? Wala bang puso si Lady Aeris?"

"What?" panglilinaw niya naman.

"Hindi ba at si Lady Aeris palagi ang nakakatabi mo sa iyong pagtulog?"

Iyon ang nabasa ko sa libro. Gusto ko lang i-share sa kaniya.

"Ang aga pa para pag-usapan si Lady Aeris."

"Para namang hindi mo siya paboritong kerida."

"Kerida?"

"Kerida. Kabit. Mistress."

Napapalatak naman siya. Nang niyakap niya ako ay kaagad na tumugon ang aking mga kamay at niyakap din ito.

What's this? Kontrolado ko ang kaniyang katawan at isipan pero hindi ang kaniyang pakiramdam? Tumutugon ako ayon sa kagustuhan ng reyna?

Nang halikan ako ng hari sa labi ay kaagad din akong tumugon sa paraan na tila ba alam na alam ko kung paano makipaghalikan. Hindi nagtutugma ang lahat ng parte ng aking katawan.

Anong sitwasyon ba itong aking napasukan? Makakalabas pa ba kong matino sa librong ito? Minsan na nga lang maging fictional character, intruder pa.

"Gumaan na ba ang iyong pakiramdam?"

"Bakit? Anong nangyari?" lito ko namang usisa.

Bigla na lang pumasok sa aking isipan ang nangyari kagabi sa pagitan ng reyna at ni Lady Aeris.

Nagkaengkwentro pala sila. Sayang! Hindi ko napanuod ang bardagulan nila!

"Ah, dahil ba sa paghataw ni Lady Aeris ng kaniyang baston sa akin? Ayos lang ako. Hinding-hindi niya ako matatalo," dagdag ko pa bago niya mahalatang wala talaga akong alam dahil ang kaniyang tunay na asawa ang may kontrol sa katawang ito kagabi at hindi ako.

Lavender Grazei, kailangan mo mag-isip ng paraan para makabalik sa mundong pinanggalingan mo. Malapit na ang final exam! Paano kung hindi ka maka-graduate?

Tila ba nakahinga naman siya nang maluwag at bumangon na. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makalabas ng silid.

Napabalikwas ako ng bangon at sinambunutan ang aking sarili. Kaunti na lang talaga ay mababaliw na ako sa kakaisip sa mga nangyayari.

The Villainous Queen (Resurrection Series #2)Where stories live. Discover now