CHAPTER 1- SHADOWS OF LUMINA

341 123 8
                                    

Nagmamadali akong lumabas ng English Lecture Room pagkatapos na pagkatapos ng aming klase

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nagmamadali akong lumabas ng English Lecture Room pagkatapos na pagkatapos ng aming klase. Kaagad na naghanap ako ng bakanteng bench para maipagpatuloy ang pagbabasa ko sa Shadows of Lumina.

Queen Luminara has quite the attitude, but she's definitely intriguing.

"This is Lavender Grazei, 22 years old. Currently, she is known as the genius one in our batch. Her life is all about literature."

Nag-angat ako ng tingin at napangiti nang makita si Meredith Garcia na siyang may-ari ng boses na iyon. Nitong huling taon ko sa college dito sa Edenbrook University ay madalas ko na itong nakakasalamuha kahit hindi naman kami parehong kursong napili.

Bukod pa rito ay may mga kaibigan pa akong nasa Edenbrook University din nag-aaral. Sina Cleobelle Samaniego, Elvira Anderson at Gabrielle Fuentes.

Naging childhood friends ko sila dahil nanggaling kami sa iisang orphanage lamang. Sa kabutihang palad ay mayayamang pamilya ang kumupkop sa amin kaya naman pare-parehong nasa elite school din kami napunta. Hindi nawala ang koneksyon namin sa isa't-isa.

"Hi, Meredith," nakangiti kong bati at itinigil na muna ang pagbabasa. "Wala ka bang pasok?" dagdag usisa ko pa sabay ayos ng suot kong eyeglasses.

"Wala pa kaya pagala-gala lang kami ni Thorne. Ay, oo nga pala! This is Thorne Flamest," pakilala pa nito sa kasama niyang guwapong lalaki. May katangkaran din ito at mukhang wala sa mood.

"Hindi niya ako kilala?" Kahit na pabulong na tanong lang iyon ay narinig ko pa rin.

"Hindi mo ba narinig ang introduction ko kanina? She's a genius and books are her life. So, probably, she doesn't know you kahit na ikaw pa ang Campus King ng university na ito."

Oh, right! That's why he's familiar. Siya pala iyong isa sa mga modelo ng paaralan. Madalas ay nasa flyers ng EU din ang kaniyang mukha. Hindi ko nga lang din alam ang pangalan dahil hindi naman ako interesado.

"Gano'n? Well, hi, Lavender," bati nito sa akin.

Ngumiti naman ako at tumango. "Hello," tipid kong sagot.

Nang magtama ang aming mga mata ay pasimple kong binawi ang aking tingin at ibinaling sa librong binabasa ko. Aware naman ako sa katotohanang isa akong nerd at introvert kaya sobrang mahirap sa akin ang makipag-usap sa mga taong bago lang sa aking paningin. Kaya nga siguro ang liit lang ng circle of friends ko.

"Shadows of Lumina?" sabi na naman ni Thorne at naupo pa sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.

"Leave her alone, Thorne. Huwag mong pormahan ang kaibigan kong 'yan. Fictional character na guwapo at umiigting ang panga ang gusto niyan," pabirong pananaway ni Meredith at naupo na rin sa tabi ng lalaki.

"Interesting, huh? I mean, maniwala ka man o hindi ay mayroon din akong ganiyang libro," kwento pa nito sa akin.

"Ah, really? Great," sagot ko naman sa mahinahong tono.

The Villainous Queen (Resurrection Series #2)Where stories live. Discover now