CHAPTER 5- PART OF HER

160 65 8
                                    

Content warning: Beware of character POV switching-Queen Luminara and Lavender Grazei

------------

"Anong klaseng tingin ho 'yan?" untag ko sa manggagamot. "Hindi naman ako nagdadalang tao, 'di ba?" pabiro ko pang dagdag.

Kung makatingin kasi ito sa akin ay para bang may masamang balita itong sasabihin. Sa lahat ay ang pagiging buntis lang naman ang alam kong hindi matanggap ni Queen Luminara. Ayaw niya pang magkaroon ng anak lalong-lalo na sa hari.

"Nandito ka para baguhin ang kapalaran ng mahal na reyna o para wasakin ang palasyo ng Nocturna?" patanong pa nitong sabi. Habang mas humihigpit ang hawak sa aking kamay. "Sabihin mo kung anong kailangan mo sa Nocturians!" sigaw nito habang nanginginig ang buong katawan.

Nakaramdam ako ng pagkahilo at para bang may napakalamig na hangin na bumalot sa aking buong sistema. Pagkalipas ng mga dalawang minuto ay ayos na ulit ang aking pakiramdam.

What was that?

"Ouch!" matinis kong sabi at itinulak ang matanda. Nawalan ito ng balanse at nahulog sa upuan. Lumikha pa iyon ng malakas na ingay kaya kaagad na pumasok sina Meredith at King Thorns.

"Anong nangyayari?" tanong ng hari.

"She's hurting me, Thorns! Bakit ba nandito na naman ang matandang ito? Hindi ba at sinabi ko naman sa 'yong ayaw kong pumasok ang kahit na sino sa mga alagad mo sa aking Nocta?!"

"Nandito siya para gamutin ka, Luminara..."

"Gamutin?! Nagpapatawa ka ba?! Kaya kong gamutin ang aking sarili!" Walang alinlangan kong inilapat ang aking palad sa sugat ko sa aking siko. "See that, jerk? Huwag ka ng magpalusot! Nandito ka para..." Napahinto ako sa aking pagsasalita nang may mapagtanto.

"Bakit?" nalilito namang usisa ng hari. "What's wrong with you, Luminara?"

"Paano ako nakaligtas?" mahina kong tanong sa aking sarili.

Wait... Wait! A weird thing is happening right now!

Nasa katawan ako ni Luminara pero sigurado akong siya ngayon ang may kontrol ng kaniyang isip at katawan. Ni hindi ko alam kung ano ang susunod niyang sasabihin sa kaniyang asawa.

Para bang isa lang ako sa manunuod ng kanilang usapan. Wala akong magawa kundi ang makinig at manuod lang dahil ang nagsasalita ngayon ay ang tunay na may-ari ng katawan na kinaroroonan ko. Wala akong magawa kundi ang sabihin at gawin ang mga gusto ng reyna.

Shit! I'm merely a spirit sharing the same vessel as a queen. I wonder if she's aware that I'm also within her body, acting as her speaker?! This is weird!

Mas pipiliin ko na lang iyon kalagayan ko kani-kanina lang. Mas gusto kong ako na lang ang magkontrol ng kaniyang katawan kaysa sa ganitong extra lang ako.

Lord, naman! Bakit ang bilis ng transition?! Parusa ko na ba ito dahil hindi ko iniligtas ang aking sarili mula sa pagkakalunod, ha?!

"Ikaw ba ang nagligtas sa akin, Thorns?" may diin kong sabi.

"What are you talking about, Luminara? Ikaw ang nagligtas ng iyong sarili..."

"Right because you won't dare to do that either. Baka nga ay nagdiriwang na kayo ni Lady Aeris sakaling tuluyan akong nawala, hindi ba? Siya na ang iyong magiging reyna," sarkastikong sabi ko at tinapunan ng masamang tingin ang Noccs. "Makakaalis ka na. Walang kwenta!"

Pumanhik ako sa kinaroroonan ng aking mga damit para magpalit. Lumabas na sina Meredith at ang Noccs samantalang nakatayo lang naman sa bandang pintuan ang aking hangal na asawa.

The Villainous Queen (Resurrection Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin