CHAPTER 3- NOCTURNA KINGDOM

250 84 8
                                    

Mula sa aking kinatatayuan ay malinaw kong nakikita ang duguang katawan ng babae at iniiyakan ito ng tatlong lalaki

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mula sa aking kinatatayuan ay malinaw kong nakikita ang duguang katawan ng babae at iniiyakan ito ng tatlong lalaki. Ang dalawa sa kanila ay may suot na korona ngunit magkaiba ang disenyo, habang ang isa naman ay tila isang mandirigma dahil sa kasuotan nito. Nakatalikod sila sa aking gawi at hindi gano'n kaliwanag ang ilaw sa aming kinaroroonan kaya hindi ko rin maaninag ang kanilang mga mukha.

Teka! Naaalala ko ang scene na ito! Nabasa ko ito sa Shadows of Lumina noong nag-scan reading ako. Hindi puwedeng magkamali ang photographic memory ko!

"Queen Luminara!"

Kaagad na napadilat ako ng aking mga mata dahil sa malakas na boses na iyon. Bughaw na kalangitan ang una kong nasilayan. Hindi muna ako umimik o kumilos man lang dahil sinusubukan ko pang inintindi ang nangyayari.

Nakahiga ako sa sahig habang may naririnig akong tila ba nagbubulungan lamang. Paniguradong basa rin ang aking damit.

Tama. Tumalon nga pala ako sa dagat dahil sa weirdong lalaking gusto akong patayin. Ang bait kong tao para pagtangkaan ang buhay ko.

Hindi kaya ay si Chelsea ang nagpapatay sa akin? Wait, buhay pa ako? Ibig sabihin ay may nagligtas sa akin? Nasa tabing dagat na ba ako? Bakit ang sakit na ng sikat ng araw? Sa pagkakatanda ko ay gabi ako nalunod, ha?

"Buhay si Queen Luminara! Nabuhay siyang muli!" sigaw pa ng boses babae.

Teka... Meredith?! Boses iyon ni Meredith!

Napabalikwas ako ng bangon at kaagad na inilibot ang aking paningin. Napaawang ang aking bibig nang tumambad sa aking paningin ang hindi mabilang na hindi ko kilalang mukha.

Lahat sila ay nakatingin sa akin sa paraang tila nakakita sila ng patay na biglang nagkaroon ng buhay. Kakaiba rin ang kanilang kasuotan at mas lalong kakaiba ang lugar na aking kinaroroonan.

Wait! What's happening? God, what's happening? Nasaan ako?! Tinangay ba ng alon ang katawan ko rito? Nasa isang deserted island ba ako?

Napadako ang tingin ko sa aking damit. Pakiramdam ko ay natuyuan ako nang laway nang mapagtantong nababalot ako ng kulay berdeng likido. Mabango naman din kaya hindi ako nabahala. Naguguluhan lang talaga ako sa nangyayari.

"Luminara," mahinang sabi ng boses lalaki.

Marahan akong napatingala. Nagulat pa ako nang makita si Thorne. Naibsan ang aking pangambang nararamdaman dahil sa katotohanang nandito rin sila ni Meredith.

So, nasaan kami kung gayon? Nasa isang show? Wait... foundation day na ba at may ganitong kaganapan sa EU?

Nag-angat naman ako ng tingin. Iniabot nito ang kaniyang kamay sa akin para alalayan akong tumayo. Tinanggap ko naman ito at tuluyan ng tumayo.

The Villainous Queen (Resurrection Series #2)Where stories live. Discover now