CHAPTER 2- LUMINA CRUISE

276 114 13
                                    

"Here's your lab result, Miss Lavender Grazei

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

"Here's your lab result, Miss Lavender Grazei. There's nothing wrong with your brain. There's no tumor or any suspicious thing. Well, except for still having a photographic memory, everything is normal," Ate Peach said formally.

I stopped by Edenbrook Exclusive Hospital just to have a CT scan and to have my elbow bandaged.

"Okay. Thank you, Ate," I replied.

"So, tell me what happened? Why did you suddenly get a lab test?"

"I had an extreme hallucination a while ago and weird dreams last night. I thought I might have a neurological disorder or something."

"Oh, maybe you're lacking sleep and rest since I've always seen you with that book these past few days. It's thicker than my medical book."

"I'm done reading it, anyway," I lied, even though I wasn't halfway through yet.

"Great. What happened to your elbow?"

"Napagkamalan lang akong girlfriend ni Thorne. His ex-girlfriend suddenly pushed me," tapat kong sabi.

Napaawang naman ang bibig nito at napatigil sa pag-bandage. "Thorne Flamest? The Campus King?"

"Siguro?" Hindi pa ako sigurado sa sagot ko.

"Hindi ba at sinabi ko naman sa 'yong lumayo ka sa mga kilalang personality sa university na ito? They're dangerous, Lavender. Sino bang ex-girlfriend?"

"Hayaan mo na, Ate," mahinang sagot ko. "Sorry," dagdag ko na lang.

"Sorry? Palagi ka na lang nagso-sorry sa mga bagay-bagay na hindi mo naman kasalanan."

Hindi naman ako umimik pa. Kahit na hindi kami tunay na magkapatid dahil adopted lang ako ay hindi ko ramdam iyon. Kung mayroon man akong kaisa-isang taong gusto iligtas sa kapahamakan ay si Ate Peach iyon. Mas malapit pa ako sa kaniya kaysa sa kay Mommy Britney.

"Ang rinig ko ay may party na gaganapin sa Lumina Cruise. Dumalo ka. Si Ate Snow na ang bahala sa 'yo."

Napakurap-kurap naman ako. Ang tinutukoy nito ay ang kaniyang personal stylist kapag may mga event siyang dinadaluhan.

"Huwag ka ng magreklamo.Pupunta ka sa party at makikipag-interact ka doon. Kapag umuwi kang luhaan o kaya ay may bangas na naman ay malalagot ang lahat sa akin."

Napalunok naman ako dahil alam kong hindi lang iyon basta banta ng kapatid ko. Mayaman at malakas ang impluwensiya ng pamilya namin kaya magagawa niya talaga ang kaniyang gustong gawin.

"Okay, Ate. Thank you," nakangiti kong sabi at saglit itong niyakap bago lumabas ng hospital.

"Hey, are you okay?" kaagad na tanong sa akin ni Thorne. Nasa labas lang pala ito at mukhang hinihintay akong lumabas din.

"Yeah, I'm fine," sagot ko naman.

Hindi ko na ito binigyan pa ng pansin. Dire-diretso lang ang lakad na ginawa ko papuntang EU campus hanggang sa may makabangga ako.

The Villainous Queen (Resurrection Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant