CHAPTER 10- INVISIBLE SHIELD

126 37 0
                                    

"Ouch!" malakas kong hiyaw nang basta na lang ako tumalsik papalabas ng Nocta ni Queen Luminara. Hindi ko alam kung bakit. Ang huling naaalala ko ay nakatulog lang ako.

Teka...

Kaagad kong sinamsam ang aking sarili mula sa pagkakasalampak sa damuhan at marahang tumayo. Pinagpagan ko pa ng dumi ang aking damit.

Napatakip ako sa aking mga mata dahil sa nakasisilaw na liwanag ng araw. Kaagad akong tumakbo papunta sa malaking puno at sumandal.

"Umaga na? Hindi ba at gabi ako natulog? Well, common sense naman talaga na gabi natutulog pero ang weird lang kasi. Para bang sapilitan akong pinatulog at paggising ko... boom! Napatalsik na ako sa Nocta ng Mahal na Reyna kasama ang kaniyang maganda at not-so-virgin na katawan. Bakit? Paano?" kausap ko pa sa punso na nasa tagiliran ko.

"Ang ingay!" sabi ng maliit na boses at naramdaman ko ang pagkurot ng kung sino sa puwet ko.

"Aww!" hiyaw ko pa dahil nanuot sa aking laman ang sakit niyon.

Pagbaba ko ng tingin ay napaatras ako nang makita ang maliit na nilalang na nakapatong sa punso.

"Nuno sa punso?" usal ko pa at natakpan ang nakaawang kung bunganga. "She's not cute tho kahit na may makeup at hair clip pa siyang flowers," dagdag komento ko sa pabulong na paraan. Baka hindi lang kurot ang matanggap ko mula rito.

"Paumahin, Mahal na Reyna. Nagulat lamang ako sa matinis mong boses. Ano't naparito ka sa aking tahanan?"

Napatikhim naman ako at naupo para pagpantayin ang aking mukha sa kaniya.

"Alam mo ba ang daan papunta sa mundo ng mga mortal? Hindi ba at maalam kang nilalang? Mayroon kang kapangyarihang—"

"Napanaginipan mo na naman ang mundong pinanggalingan ko?" Natigilan naman ako sa sinabi nito. "Hindi magandang ideya ang maglakbay sa mundong iyon, Queen Luminara. May mga mababait na nilalang ngunit mayroon ding mas masahol pa sa mga Gurgor. Masyadong mapanganib ang iyong balak. Isang suntok sa buwan lang ang makalabas-masok sa mundo ng mga tao. Kakailanganin mo ang isang mabagsik at itim na mahika at naniniwala akong hindi mo ipagpapalit ang iyong nasasakupan sa isang tawag ng kasakiman at udyok ng kadiliman."

Ang boses ng maliit na nilalang na ito ay punong-puno ng tiwala sa reyna. Hindi ko mapigilang maantig. Sa kabila ng pagiging isang masamang reyna ni Luminara sa mata ng Nocturians at Lumins ay heto at may mga nilalang pa ring naniniwala sa kaniyang kabutihan. Iilan lamang silang kakampi ng reyna ngunit ramdam ko ang katapatan nila.

"Nagtatanong lamang ako," palusot ko naman.

"Ikaw ang pag-asa ng Nocturna. Kung hindi dahil sa 'yo ay matagal ng nasadlak sa kadiliman ang bahaging ito ng Lumina. Ikaw ang buwan sa pagsapit ng gabi at ang araw sa pagsapit ng umaga. Ikaw at ang Nocturna ay iisa, Queen Luminara."

Napalunok na lang ako dahil sa pagiging seryoso nito. "Posibleng makapasok sa Lumina ang isang mortal, hindi ba?"

Halata namang nabalot ng pag-aalinlangan ang sistema nito. "Maaari ngunit..."

"Ngunit?"

"Wala sa akin ang sagot na iyong hinahanap."

"Kung gano'n ay saan ko mahahanap ang kasagutan sa aking katanungan?"

Napatitig pa muna ito sa akin at nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga. "Sa ginintuang libro lamang."

Ginintuang libro?

"Maaari ko bang malaman kung nasaan ang librong iyong tinutukoy?"

"Walang may alam kung nasaan iyon dahil daang-daang taon na ang lumipas simula nang mawala iyon sa Lumina."

The Villainous Queen (Resurrection Series #2)Where stories live. Discover now