17 十七

136 11 0
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.



Kat



"This really can't be, bes." Sumalampak ako sa sofa kung nasaan si nakaupo si Andrea.

Ilang araw na pagseselos at pangungulila kay L ang nararamdaman ko. Lagi ko siyang nakikita kasama ang iba't ibang babae, pero madalas si Ms. Lucero ang kasama niya. Alam kong masama magkaroon ng inggit sa katawan pero hindi ko mapigilan ang maiingit sa mga nakikita ko.

Hindi niya pa rin ako kinakausap katulad ng dati, tamang hi hello lang kami at saka bye ingat.

Miss ko na siya.

Sa kasamaang palad, hindi ko na kaya pang agapan itong nararamdaman ko para kay Lucifer. Sure na sure na talaga, crush ko siya with feelings.

"Alam mo ang tagal mo ng nirereklamo sa akin yang kung sino mang babae na yan at hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi kung sino siya."

Napabuntong hininga akong tumingin dito sa katabi ko. Sasabihin ko ba? Bestfriend ko naman 'to. Hindi naman siya judgemental at saka magkasundo naman sila ni L. Ayun nga lang, hindi ko alam kung matutuwa ba siya o magagalit sa akin kapag nalaman niya kung  kanino ako nababaliw ngayon.

"Si..." Napalunok ako at siya naman ay naghahantay lang ng isasagot ko. "Promise mo muna, hindi ka magagalit."

"Ay, I can't do that, bestie. Kilala mo ko, if ayaw ko sa tao, magagalit ako, magdusa ka diyan, ganoon." Sabagay, nabwisit ka siya sa akin nung jinowa ko si Steven, sabi niya may iba daw siyang pakiramdam sa lalaking yun, tama naman siya.

"Bes naman eh." Pagrereklamo ko pa.

"Alam mo, bes. First time kita makita na magkaganito. At take note, sa babae pa ha." Hindi makapaniwalang sinabi niya sa akin. Kahit naman ako hindi makapaniwala na magkakaganito sa isang babae. "I've seen you with men, Katrina. Sa tatlong boyfriend na dumaan sa'yo, hindi ka naloka ng ganito..Oh! Except for one guy. Eric, yeah, si Eric nga."

Ah. Si Eric. Father Eric na ngayon. Mas pinili niya si Lord kaysa sa akin, at hindi naman ako nagrereklamo na pinili niya si Lord 'no. Sinuportahan ko naman siya sa gusto niya at thankful ako na nakilala ko ang isang taong katulad niya.

"Anyway, mabalik ako. Sino ba kasi 'tong nagugustuhan mo? Ilang beses na ko nagtatanong ha. Hindi na puwedeng hindi ka sumagot ngayon."

"Si L." Pabulong kong sagot sa kanya.

"Ha? Sino?"

"Si L." Medyo nahihiya ko pang sagot.

"L who?"

"Si Lucifer, bes."

"Ahhh." Sagot nito na may kasama pang pagtango tango ng ulo. Hindi man lang ba siya nagulat? "Sabi na nga ba eh."

"T-Teka, pano mo nalaman?"

"Katrina, we've been friends since we were kids. Nung five years old tayo, first kiss na'tin ang isa't isa. Alam din na'tin ang mga date kung kailan tayo first time na dinatnan. I know how you look at someone you admire, hindi mo maitatago sa akin yan." Sagot nito at medyo naiyak naman ako sa sinabi niya sa akin. "Oh bakit ka umiiyak?"

"Kasi...kasi alam kong okay lang sa'yo. Kasi ayos lang sa'yo na may gusto ako sa isang babae."

"Bes, bading ako. I've always been into men and women, syempre tanggap kita. Si Xen nga, naging jowa ang isang Gabriella. Si Terrence din, isa pang bading. Siyempre tanggap ka namin."

"Thank you, bes." Pinunasan naman ni Andrea ang mga luhang tumutulo sa aking mata.

"Pero, Kat. Alam mo naman siguro kung anong papasukin mo, 'di ba?" Mas lalo akong naiyak sa tinanong niya.

Meet LucyWhere stories live. Discover now