4 四

253 22 2
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.



Kat

"Saan ba tayo pupunta?" Maaga ako sinundo ni L dahil nga raw may pupuntahan kami. Hindi niya naman sinabi kung saan ang eksaktong lugar. Nakasuot na naman ito ng longsleeves parang takot na takot maarawan.

"Hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mo Miss Natsume? Wala ka sa Japan, walang winter dito, paalala ko lang."

"Pinapakialaman ko ba yang pink mong jeans, prof??" Napaikot lang ang mata ko sa sinabi niya, bakit may pangit ba sa hot pink kong jeans? H'wag niya ko idamay sa madilim niyang color choice na wala ng iba kung hindi puros kulay itim.

Mayroon siyang dalang sasakyan ngayon, medyo namukhaan ko yung sasakyan, Sa tingin ko hiniram niya rin ito kay Xenia. Tahimik lang siyang nagmamaneho, ni hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito.

"Uhmm.. Professor.."

"Bakit?"

"Puwede mo ba ako ipasyal dito? can we visit the tourist spots?" Napatingin naman ako dito. Mukha naman seryoso siya. Niyaya niya siguro ako para mamasyal. Gusto niya rin siguro mag explore. "Hindi kasi kami masyado makapasyal ni babe because she's too busy."

"Sure, ipapasyal kita." Mukhang wala naman pala siyang lugar na pagdadalhan sa akin kaya nag open lang ako ng waze at inassits ko siya kung saan kami dadaan. Nagpark lang kami malapit sa Manila Cathedral.

"Really? This is our first stop?" Hindi makapaniwalang sambit niya. Anong masama e sa tourist destination din naman ang Manila Cathedral, mas maganda nga lalo ito sa gabi e. May bitbit siyang maliit na camera, mukha talaga siyang tourist ngayon. Naka suot na din siya ng black niyang cap at sunglasses.

"Halika na." Nauna na akong pumasok sa loob ng tinignan ko naman yung kasama ko ay wala ito sa tabi ko. Sinilip ko ulit ang labas at andoon lang siya nakatayo. "Psst!" Sinenyasan ko siyang pumasok, hindi ako puwedeng sumigaw dahil siyempre simbahan ito at bawal ang maingay. Pero mukhang walang balak pumasok ito kaya pinuntahan ko na ulit siya.

"Masusunog ka ba pag pumasok ka diyan ha?"

"Ha-ha, you're funny." Sarkastikong sagot sa akin nito.

"Tara na kasi, at least sumilip ka lang. H'wag mo masiyadong isabuhay yang pangalan mo." Hindi ko alam kung bakit iyan ang ipinangalan ng magulang niya sa kanya pero hindi naman ibig sabihin nun ay masamang tao na siya, maliban nalang kung talagang sugo siya ng kadliman at masunog talaga pag pumasok siya sa simbahan. Wala na siyang nagawa kundi sumama sa akin sa loob, nakita ko naman na inililibot niya ang mata niya at tinitignan ng maigi ang loob ng gusali.

"This is Manila Cathedral, also called the Manila Metropolitan Cathedral Basilica. It was initially built as a simple parish in 1571 by Juan de Vivero and it was dedicated to Our Lady of Immaculate Conception. Dati gawa lang 'to sa Nipa hut and bamboo but years passed madaming beses na 'to na reconstruct due to war, typhoons, earthquake etc." Napansin ko naman na nakikinig siya sa akin ng maigi. Sana ganito din siya pag nag di-discuss ako sa classroom, paano ba naman kasi pag tinatawag ko siya for recitation ay laging hindi niya alam ang sagot.

Saglit pa kaming nag ikot ikot sa loob at nagpasya na din umalis. "Can we ride that?" Turo niya sa karwahe. Mas maigi na din sumakay kami doon para malibot namin itong lugar, mahirap din kasi humanap ng parking space kada lugar na pupuntahan namin.

Dinala muna kami ni Kuya sa San Agustin Church, pinipigilan ko ang tawa ko dahil itong magaling kong estudyante ay parang nabwisit.

"Wow. Another church. Great."

Meet LucyWhere stories live. Discover now