1 一

479 24 2
                                    

Hello! Welcome to the adventures of Kat & L! Hehe.

Reads, votes & comments are much appreciated! Thank you po sa support!! 🖤🤍



KATRINA ANGELINE CASABUENO



Nia Torres
Kat, what subjects are you handling?

Me
Econ 11 & Marketing mgt

Nia Torres
Handle mo ba yung BSBA 3-A2?


Saktong nakabukas ang laptop ko kaya ay tinignan ko kung iha-handle ko sila sa subject ko.

Me
Oo
may marketing mgt ako sa kanila.
Bakit?

Nia Torres
okay good.
Student mo si L

Me
L?
Yung drifter na kasama mo sa Japan?

Nia Torres
yes.
Please look after her.

Me
Ginawa mo pa akong baby sitter.
Malaki na yan
kaya na niya sarili niya

Nia Torres
I guide mo lang naman.
Half japanese pala yan pero
marunong naman magtagalog.

Me
okay sige
siguraduhin mo lang na hindi sakit sa ulo yan

Nia Torres
Mas masakit pag walang ulo.
hahahaha



Bilib din talaga ako sa jowa nito sa haba ng pasensya pag dating sa kanya. Buti nalang din at nakahanap siya ng katapat niya.

"Good morning, beshywap." Bati ni Andrea na busy sa pagtitimpla ng kape.

"Tigil tigilan mo nga pag uuwi ng babae dito sa bahay, naririndi na ako sa ingay eh." Nag peace sign lang siya sa akin at inabot ang isang mug na may bagong timplang kape.

"Last na 'yon, promise. Screamer yung kagabi beshy. I'm so sorry." Sagot nito habang humahalakhak pa. Inirapan ko lang 'to.

"Ang dumi dumi mong babae ka. Dapat sa'yo pinapaliguan na ng holy water." Mas lalo lang siyang tumawa at niyakap lang ako. Bwisit na 'to.





"Good morning, Ms. Casabueno."

"Good morning, Ma'am."

"Hello po, Miss. Good morning."

Ayan ang mga madalas marinig ko tuwing umaga, sa araw-araw na pumapasok ako sa trabaho. Babatiin ko naman sila pabalik o kaya tatanguan o kaya naman ay binibigyan ng ngiti.

"Oh my.. Gomen'nasai." Tinulungan ko na ang isang babaeng kasalukuyang pinupulot ang laman ng bag niya. "Sorry.." Paghingi ng paumanhin niya habang iniyuyuko yuko pa ang kanyang ulo.

"It's fine." Maikling sagot ko naman sa kanya. Bagong teacher ba 'to? Mabilis siyang tumayo at yumuko yuko ulit atsaka lumakad na ng palayo. Sinundan ko pa siya ng tingin at napansin na nagtatanong siya sa isang estudyante. Mukhang bago nga siya.

"Miss Casabueno, pinapatawag po kayo ni President sa office." Pagpaalam mismo ng secretary ni Madam Lola ang lola ni Xenia Torres na kaibigan ko. They owned one of the prominent University where I currently work at. Xenia is handling the grade school department na nasa kabilang dako ng malawak na hektarya na lugar na ito. Si Madam Lola naman ay paminsan minsan pumunta dito sa university para dumalaw at humingi ng updates.

"Good Morning, madam Preside--ay gagi." Bati ko ng marealize ko na si Xenia pala ang nandito sa office. "Nag chat chat ka pa kanina shuta ka makikita pala kita dito." Tumawa lang ito sa sinabi ko.

Meet LucyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt