12 十二

105 13 3
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.



Kat


"Do you kiss on your first date?" Tanong ko kay Andrea na abala ngayon sa pagluluto ng pananghalian naming dalawa. Kakauwi lang namin galing sa pang umagang misa sa simbahan.

"Depende, bes."

"Paanong depende?"

"Kadalasan kasi hindi nag ki-kiss sa first date pero may mga pagkakataon na okay ang, lalo na kung sa tingin mo ay parehas niyong gusto ang isa't isa o sabihin na na'tin na interesado kayo sa bawat isa, that you think na may chance mag bloom into a beautiful relationship, pag mga ganyan kasi, sa tingin ko ay ayos lang mag kiss sa first date. Para sa akin lang naman yan ha."

"Eh bessy, parang mas malala pa yata yung nangyayari sa'yo if nakikipagdate ka."

"Bes, iba naman kasi yun. Hindi date yung ginagawa ko. Sa umpisa palang alam na namin parehas na ganun lang yung gusto namin, ni hindi ako interesado makilala yung tao, one night of fun then after that hindi na ulit kami magkikita. Eh bakit mo ba natanong?"

Bakit ko nga ba naitanong?

Ah, si Lucifer. Pagkatapos niya ako bigyan ng halik sa pisnig, ay hindi siya nawala sa isip ko buong gabi. Hindi nga ako nakatulog ng maayos.

Sanay naman ako na mahalikan sa pisngi, halos lahat ng mga kaibigan ko ginagawa naman iyon, mapalalaki man o babae. Pero kasi nung si Lucifer na ang gumawa sa'kin ay hindi ko na maintindihan kung anong nangyari sa akin.

Imposible namang magkaroon ako ng feelings sa kanya. Pero bakit may naramdaman akong kabog sa dibdib nung ginawa niya iyon sa akin.

Bakit napapangiti ako kapag naalala ko ang mga kalokohan niya? Bakit natutuwa ako kapag naalala ko kung paano niya ako tulungan kapag may hindi magandang nangyayari sa akin. Kung ano man itong naiisip at nararamdaman ko, mawawala rin ito. Tama, wala lang ito. Natutuwa lang ako siguro talaga sa kanya.

"Hindi ka ba nalulungkot sa ginagawa mo?"

"To be honest, namimiss ko rin naman magkaroon ng special someone. Hindi ko lang alam kung bakit ang bilis ko mag sawa pag pumapasok na ako sa isang relasyon... Ay! Speaking of date! Kamusta pala? nag kiss kayo no? kaya tinatanong mo?" Tanong pa ni Andrea.

"Gusto ko siya i kiss. Ikiskis yung mukha niya sa pader. Ano ba yang paralegal cutie na sinet up mo sa'kin! Panay ang kwento sa ex niya! Tapos iniwan ako ng walang paalam, bastos!" Reklamo ko kay Andrea. Gulat na tumingin naman siya sa akin.

"Seryoso? Tangina nun ah! Yari sa'kin yun! Sino pala naghatid sa'yo kagabi? Bakit late ka na umuwi?"

"Ahh, nag me time nalang ako kahapon." Pagsisinungaling ko. Hindi naman kasi me time ang nangyari.

Nagpunta lang naman kami sa art gallery, bumili ng gamit para sa condo niya, na sobra sobra kong na enjoy. Kumain ng paborito kong pares sa go to paresan place ko. Hinila niya ako sa lamay ng kung sino para makapag kape, nagpagpag sa convenience store, nag kwentuhan tungkol sa mga makabuluhang bagay tapos hinatid niya ako pauwi.

The weirdest but most unforgettable and enjoyable first date I've ever experienced in my life.

Ay, mali. Hindi pala date. Namasyal lang kami. Dapat ganyan lang. Hindi siya puwede maging date.

"Grab driver lang yung kagabi, bes." Dugtong ko pa. Driver na nanghahalik sa pisngi after ka madrop off. Well, It's just a kiss on the cheek, there's nothing wrong with that. It's a friendly kiss, walang malisya. Kung makainarte naman ako akala mo sa labi hinalikan.

Meet LucyWhere stories live. Discover now