6 六

154 17 2
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.




Kat


"Hello, Professor." Bati ni L sa akin. Kakabalik niya lang galing ng Japan. "Take this." Pag abot nito ng isang paper bag.

"Ano 'to?"

"Sabi mo pasalubong, di ba? Ayan na. Open it later pag nasa kuwarto ka na." Sabi pa nito. At bakit naman kailangan sa kuwarto ko pa buksan? Paano kung gusto ko na kaagad makita?

"Kasama mo ba si Xen?"

"Nope. I think sa susunod na araw pa ang balik niya. She still has events to attend to, nauna lang ako. Anyway, enjoy your pasalubong, Professor. I'm sure you're going to love it." Sagot niya sabay kindat sa akin. Weirdo. "See you." Paalam niya at sumakay na sa sasakyan at umalis.

Ipinatong ko muna sa table yung pasalubong niya sa akin at bumalik na muna ako sa kusina para maumpisahan na makapagluto.

"Bes, anek 'to?" Tanong ni Andrea sa akin. Me and Andrea were living together since our college days. Parehas kasi kami ng University na pinasukan, mag kaiba lang kami ng course. At saka tiwala na rin yung parents namin parehas sa isa't isa. My parents trust all my childhood bestfriends naman.

"Bigay ng student. Check mo kung ano laman." Sagot ko. "Bes, lagyan ko potatoes?" Dugtong tanong ko pa habang busy sa pag pe-prepare.

"Yes, please." Gusto kasi ni Andrea na may patatas yung adobo. "Oh my god." Narinig kong pagsinghap ni Andrea.

"Oh, bakit?" Tanong ko naman habang naka focus sa pagbabalat ng patatas.

"Ayos yung student mo ha. Pakilala mo nga sa'kin yan." Natatawa tawang sinabi ni Andrea.

"Ano bang binigay? Mamahalin ba?"

"Hm, I think ito yung isa sa may pinakamagandang quality pagdating sa mga ganitong bagay, medyo pricey 'to. This is nice, Bes. You should use this." Oh, hindi ba food yung binigay niya? Mga chocolates ganon? Well, si L na yan. I know that she has money kaya hindi ako magtataka if medyo mamahalin yung mga ibinibigay niya.

"Kuha ka if bet mo."

"Ay, hindi na, bes. Meron akong ganito."

After namin mag dinner, si Andrea na yung nagligpit at hugas ng pinagkainan namin while ako naman ay naligo muna para fresh bago matulog.

After ko maligo naalala ko yung binigay ni L, sakto naman na nailapag ko na siya sa vanity table ko kanina. Feeling ko pang skin care 'to. Balita ko maganda din products ng Japan when it comes to skin care kaya hindi na rin masama kung susubukan ko. Tignan na'tin kung pwede siya sa balat ko.

"Ang dami naman nito." Nakalagay siya sa paper bag then sa loob nun ay may apat na box na lahat ay black. Kinuha ko yung isa black na box at binuksan. Akala ko makikita ko na yung nasa loob pero may tela pang naka wrap dito kaya inuntie ko na yung tali at dahan dahan binuksan.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, matutuwa ba o malulungkot ako sa nakita ko. Ay hindi, alam ko na. Pag kainis ang nararamdaman ko ngayon. Nag iinit ang mukha ko sa banas at galit.

Hindi naman ito ang first time na makakita ako ng ganito, pero ito ang first time ko makahawak ng ganitong bagay. Binuksan ko pa yung ibang natitirang box at talaga namang sinusubukan ng estudyanteng demonyo ang pasensya ko. Konting konti nalang at bibingo na siya sa akin.

Meet LucyWhere stories live. Discover now