13 十三

123 11 1
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.



Kat

"You're here! Close your eyes!!" Ito ang bungad sa akin ni L pagkarating na pagkarating ko sa tapat ng unit niya. "Dali dali dali!"

Nag message siya sa akin kanina kasi nagkaroon daw siya ng problema kaya nagmamadali akong nagpunta rito.

"Teka lang, papasukin mo muna kaya ako? Anong problema? Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Dadalhin ba kita sa hospital o ano? Alam na ba ni Xen? Natawagan mo ba?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Problem? Ah, there's no problem." Relax na pagkakasabi pa nito sa akin. Naku naman talaga, madaling madali pa ako, iniwan ko pa yung trabaho ko sa cafe para lang tumakbo dito tapos wala naman palang problema. "Close your eyes, Professor!"

Napabuntong hininga nalang ako at saka sinunod ang gusto niyang mangyari. Inalalayan niya ako papasok sa unit niya at mga ilang hakbang lang ay tumigil na rin kami.

"Okay, you can open your eyes." 

Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko na naandito kami ngayon nakatayo sa tapat ng kanyang living area.

"What do you think?" Tanong niya.

"It's beautiful." Namamangha kong sagot. Kitang kita ko na maayos na ang living room niya. Yung sofa na nabili namin naka puwesto na ng maayos, pati ang coffee table. Yung media stand nandoon din at mayroong isang turntable at speakers na nakapatong doon. Nilagyan niya na rin ng carpet ang sahig, pinalitan niya ng mas lighter color ang kurtina.

Maayos na nalagay ang mga throw pillows pati na rin ang blanket. May iilang pang decorations ang nandoon. Kung dati rati ay 0 out of 10 ang rating ng itsura nito, ngayon ay nasa 10 out of 10 na. Mas maayos at mas maganda na ito ngayon.

"Bakit hindi mo ko sinabihan? Sabi ko pa naman sa'yo tutulungan kita."

"I thought you were busy with univ and your cafe, that's why I didn't bother asking for your help." Lumakad ako patungko sa sofa at naupo. Hindi talaga ako nagkamali ng pinili.

"and I asked Gianne naman to help me decorate in here." Dugtong pa nito.

"Ahhh, ayos. Ayos yun. Mabuti may tumulong sa'yo." Tumabi siya sa akin at biglang umakbay pero tinanggal ko lang ang nakaakbay niyang braso.

"H'wag ka na magtampo, Professor." Ako? Magtatampo? At bakit naman? Ok, kaunti lang. Kasi dapat dalawa kaming mag aayos eh!

"Pinagsasabi mo diyan."

"You can do anything with my kitchen." Seryoso akong tumingin sa kanya at siya naman ay nakangiti lang. "So?"

"Talaga ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, talaga."

"Sabi mo yan ha."

"Let's go? My kitchen is feeling sad, she need a couple of things." Sagot nito at hinila na ako patayo.

Naandito kami ngayon sa lugar kung saan puro kitchen supplies and other heavy duty equipment ang makikita. Habang busy ako dito sa section ng mga pots and pans, si Lucifer naman ay napansin kong abala din sa hawak hawak niyang telepono. May katext siguro.

"Professor, okay lang ba na sumunod si Gianne dito?" Oh.

"Oo naman." Sino ba naman ako para pigilan yun. "Susunduin mo ba siya?"

"No, alam naman daw niya yung place." Sagot naman nito sa akin.

"Sige, pag dating niya aalis na ako." Sabi ko at saka ibinaling ulit ang tingin sa dalawang kaldero na pinagpipilaan ko.

Meet LucyWhere stories live. Discover now