14 十四

118 12 0
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.



Kat

"Lucifer, hindi ko kaya tanggapin 'to." Sa ugali nitong demonyong babae na kaharap ko ngayon, alam kong may malaking kapalit ito.

"Wow, Professor, this is really good ha."

"Lahat naman ng niluluto ko nasasarapan ka e, kahit nga pritong itlog lang, huwag mo na akong binobola diyan."

"Lucifer, kung ayaw ng bessy ko, ako na tatanggap on her behalf." Pagsasalita ni Andrea, at ako naman ay sinuway siya.

"May rice pa?" Tanong niya, sa tingin ko ay gutom talaga siya. Kinuha ko naman yung rice na natira sa rice cooker.

"Ayan nalang, ubusin mo na."

"Professor, I'm not asking you to pay for that."

"Kahit na. Hindi mo responsibilidad na bilhan ako ng sasakyan. Naappreciate ko ng sobra sobra yung paghahatid mo sa'kin at ayos na ako sa ganun."

"Okay, just give it to Andrea then."

"Sure, marecakes, hindi ko yan tatanggihan. Give it to me!" Akmang hahampasin ko na si Andrea pero mabilis itong nakaiwas at tumayo. "Eme lang, sige na nga mag-talo na muna kayo diyan at ako'y matutulog na." Sabi pa nito atsaka umalis.

"Sige, anong kapalit nito?" Dealing with the devil is not easy, magugulat ka nalang kung anong hihingiin niya sa'yo.

"Nothing." Relax na pagkakasagot nito. "Water po please." Mabilis ko naman siyang pinagsalin ng tubig sa baso at saka inilapit sa kanya iyon. Kinuha niya naman ito at uminom.

"Okay.." Inilapag niya na ang basong pinag inuman niya at tumingin sa akin ng diretso. "I just need you to do something for me." Medyo kinabahan naman ako sa kung ano mang iuutos nito sa akin. "I need a little help."

"Help? Saan? School stuff? Gianne stuff?" Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"Why would I need help with Gianne? We're okay, we're great. It's perfect." Yabang, pero halata naman na smooth talaga siya sa mga babae, tingin ko rin naman hindi niya kailangan ng tulong ko diyan. "I also don't need help with my studies."

"So ano kailangan mo?"

"I need you to go to Golden Dice Casino." Napakunot naman ng bahagya ang noo ko sa sinabi nito. "I need you to get something for me."

"Anong kukunin ko?" Baka naman ilegal na gawain ang gusto niyang ipagawa sa akin. Mas mabuti pang isauli ko nalang talaga yung sasakyan o kaya bigay ko nalang kay Andeng. "May ka meet-up ba ako? Ganun ba?"

"Oo, you'll meet them lang naman if mahuli ka." Kitang kita kong nagpipigil na siya ng tawa.

"Inuutusan mo ba akong magnakaw?!" At hindi niya na napigilan at humalakhak na siya. "Lucifer! Demonyo ka talaga no?! Ayoko! Kung ano man yan, hindi ko gagawin! Manigas ka!"

"Chill ka lang, Professor. Ikaw naman.." Ikinalma niya na yung sarili niya sa kakatawa. "You just need to get some brownies for me."

"Gusto mo akong kumuha ng brownies?" Totoo ba itong naririnig ko?

"Exactly. They are free, you just need to get some."

"Eh, bakit hindi nalang ikaw ang kumuha? Madalas ka naman yata doon 'di ba?"

"They banned me." Mahina nitong sagot sa akin, medyo napayuko pa siya at halatang nahihiya.

"Bakit? Anong ginawa mo?"

"They noticed that I go there just to get the brownies. I play sometimes para hindi masiyado halata pero isang beses lang tapos kukuhanin ko na lahat ng brownies nung hawak ng staff tapos aalis na ako."

Meet LucyWhere stories live. Discover now