15 十五

95 10 0
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.


Kat


"Shi, additional thirty boxes for Golden Dice. Total 80 boxes na sila. Bale sabay na yan sa delivery date niyo. Tapos may two boxes akong separate order, pakitabi nalang. Kukunin ko pag na drop dito sa store."

"Noted po yan, ma'am."

"After mo diyan, puwede ka na umuwi. Ako na tatao sa GY, naka leave kasi si Stell."

Naandito lang ako sa cafe ngayon para mag observe at gumawa ng ibang trabaho. Wala naman kasi akong pasok sa university sa mga susunod na araw.

"Hi, ma'am. Ikaw kasama namin?" Tanong ni Bela

"Parang ayaw mo naman yata."

"Ay grabe siya, hindi kaya, ma'am. Mas gusto nga namin pag ikaw naandito. "

"Sus, bolera." Pagbibiro ko at nagtawanan lang kaming naka duty ngayon sa graveyard.

Mabagal ang takbo ng oras kapag walang customer. Madalas rin namang ganito kapag madaling araw.

"Hi, L." Narinig kong bati ni Bela kaya medyo sumilip ako sa may counter.

Nakita ko si L na balot na balot ang katawan. Sanay naman ako sa suot niya lagi. Madalas siyang naka longsleeves, sweatshirt, pullover, and hoodies o di naman kaya ay naka jacket siya lagi. Kakaiba lang ngayong araw na ito kasi patong patong ang suot niya. She's wearing a black tracksuit pero pinatungan niya ng jacket na may hood tapos naka facemask pa siya. Mukhang manloloob ng pawnshop ang itsurahan niya.

Ala una na ng madaling araw, nag gym ba siya ngayon? Saan pa ba siya nanggaling ng ganitong oras?

"Okay ka lang ba?" Pinakikinggan ko at hinayaan ko lang sila mag usap ni Bela.

"I'm fine. Usual lang, to go please. Thank you." Sagot nito, nakita ko siyang umupo sa chair malapit sa may counter. Maya maya pa ay narinig ko siyang umubo.

Ilang minuto ang lumipas ay iniabot na sa kanya yung order. Mabilis siyang lumakad palabas, sumakay ng kanyang scooter at umalis.

"Parang may sakit si honeybunch. Hays." Sambit ni Bela.

"Alis muna ako, kayo na muna bahala dito. H'wag niyo kalimutan mag endorse sa morning shift." Paalam ko kay Bela at Gerald, tiwala naman ako sa kanilang dalawa. Si Ge naman ay shift leader kaya hindi ako nangangamba. Atsaka mamayang ala singko dadating na yung opening manager na si Jen. "Balik ako mamaya."

Bago ako umalis ay kumuha muna ako ng iilang pastries.

May nadaanan akong lugawan sa malapit kaya napagpasyahan ko na munang bumili, dumaan na rin ako ng drugstore, pagkatapos noon ay nagmaneho na ako papunta kay Lucifer.

Hindi naman ako nahirapan pumunta dito sa lugar niya, wala rin masyadong tanong yung nasa front desk kaya nakaakyat din ako kaagad. Pinindot ko ang doorbell at nag hintay kung may sasalubong sa harap ko. Ilang minuto ang lumipas ngunit wala nagbubukas ng pinto kaya sinubukan ko ng katukin ito habang tinatawag ang kanyang pangalan.

"Professor... It's late. What are you doing here?"

Halata ko ang pagkapaos ng boses niya, halata rin sa kanyang itsura na hindi maayos ang kanyang pakiramdam. Malamlam ang mata, mukhang pagod at antok.

Hindi ako sumagot sa kanya at mabilis na hinawakan ang noo niya.

"Come in." Pag aaya nito, pumasok ako sa unit niya at inilapag muna ang mga bitbit kong pagkain.

"Noodles?" Tanong ko ng makita ang iilang cup noodles.

Kaya pala ilang araw ko siyang hindi mahagilap sa University,  may sakit pala siya.

Meet LucyWhere stories live. Discover now