Epilogue

2 2 0
                                    

"Honey let's go, they are waiting"
"Coming baby"
Nakaupo ako sa sofa habang hinihintay ang pag baba ng asawa ko. May pupuntahan kasi kami ngunit ang tagal niyang bumaba. Makalipas ang tatlong minuto ay nakita ko siyang pababa ng hagdan habang hawak ang kamay ng isang napaka gandang bata. Nang makababa ang dalawa ay agad na bumitaw ang bata sa ina.

"Daddy!" Nakataas ang kamay nito habang tumatakbo upang yakapin ako. Sinalubong ko naman ang yakap nito at binuhat.
"How's my baby girl hmm?"
"I'm good daddy, but I don't think mommy is"
"Why? What's wrong with mommy?" Kasabay ng pag tanong ko rito ay ang pag tingin ko kay Lala.
"Ohh quite Leen, we have to wait until we arrive at our destination muna"
"Oops, sorry mommy" natatawang sagot ng anak ko.
"Kayo talagang mag ina, let's go na kanina pa nag hihintay sila mommy sa labas ang tagal niyo bumaba"
"Honey, si Leen kasi nag laro pa sa bathtub at ayaw pa mag banlaw kaya natagalan kami"

"We're here" ani daddy
"Yehey! let's go mommy" ani ni Leen habang pilit na hinihila ang kamay ni Lala. Wala naman na itong nagawa kaya ang mag pahila nalang sa anak. Nakasunod lang ako sa mag-ina kong nauunang mag lakad dahil sa kakamadali ni Leen.

"I'm here again mama Lee, I missed you po"
Masayang sambit ng anak ko ng marating ang puntod ni Lee. Pitong taon na ang nakakalipas mula ng mamaalam si Lee. Pinakasalan ko si Lala noong dalawang taon na ang nakakaraan, at sa dalawang taon naming pag sasama ay nabiyayaan kami ng isang magandang anghel na pinangalanang Leen. Si Lala ang nag pangalan kay Leen dahil sabi niya isang mabuting tao si Lee at gusto niyang maging mabuti rin ang anak namin.

"Honey we have a surprise for you" ani lala habang nakaupo sa lupa sa tapat ng puntod ni Lee.
"What is it honey?" Imbis na sumagot ay may iniabot ito sa aking isang maliit na kahon kaya binuksan ko iyon. Nang mabuksan ang kahon ay nakita ko agad ang isang pregnancy test na may dalawang linya. Gulat na napatingin ako kay Lala na nakatingin din sa akin habang nakangiti.
"You're pregnant?"
"Yes baby, Leen is going to be a big sister"
"Yehey mommy I'm going to be a big sister na"
Sa sobrang saya ay napatalon ako at niyakap ang asawa ko bago masayang nilapitan ang mga magulang ko.
"Mom, dad, Lala is pregnant"
"OMG, that's a good news" masayang ani ni mommy habang si daddy naman ay nakangiti lang.
"Did you hear that Lee? Leen is going to be a big sister na, are you happy?" Pag kausap ko sa puntod nito. Alam ko mang hindi na ito sasagot ay alam kong masaya ito para sa amin ni Lala. Ganoong klasing tao si Lee, maintindihin at mabait, isa din sa mga dahilan kung bakit ko siya minahal.

Nag kakatuwaan kami  habang kumakain dito sa sementeryo. Ganito kami lagi tuwing sumasapit ang kaarawan at araw ng pag kamatay ni Lee. Lagi namin iyon pinag hahandaan dahil sobrang mahal namin siya. Habang nag kukwentuhan ay biglang umihip ang malamig na hangin kaya napatingin ako sa kaniyang puntod. Doon nakita ko ang isang paro-parong nakadapo sa kaniyang nakangiting litrato.

"We're going home na po mama Lee, I'll come next time po ulit I love you po" paalam ni Leen kay Lee bago tumayo at tumakbo sa kaniyang lolo at lola na nauna ng mag lakad. Naiwan kaming dalawa ni Lala na nakatayo sa harap ng puntod ni Lee at ramdam ko na may sasabihin siya kaya nanahimik lang ako.
"Hey Aszhley, thank you, for visiting my dreams, and for always loving Tian, he really loves you and I know you know, and I know that you're happy for us, thank you for supporting us, we'll be going home now Lee, we'll visit again next time" mahabang lintanya nito. Nagulat man sa mga sinabi niya, ay hindi na ako nag tanong pa at sumunod na lamabg sa kaniya.

Alam kong totoo lahat ng sinabi ni Lala, dahil alam kong ganoong klasing tao si Lee.
'Hey love I miss you na, i hope you're happy wherever you are' bulong ko sa aking isipan.
Masaya ako ngayon sa nabuo kong pamilya, at mas lalo pa iyong sumaya dahil sa pagintindi sa akin ng mga tao sa paligid ko. I'll miss her smile every day, her i love you's and laughter. I will miss you everyday.

                                 END

Until Forever Ends Where stories live. Discover now