Chapter 5

3 2 0
                                    

Pumasok na ako sa bahay ng hindi ko na natanaw ang sasakyan ni Tian. Kahit nananakit ang ulo ay pinilit kong mag linis ng bahay. Tapos na ako mag linis at ang silid na lamang ni Tian ang natitira. Pumasok ako sa silid niya upang linisin iyon. Amoy na amoy ko ang panlalaking amoy niyon at nakakaadik iyon. Lumapit ako sa side table at napansin ko ang isang card doon.

Binasa ko ang nakasulat sa card.
"𝑮𝒐𝒐𝒅 𝒎𝒐𝒓𝒏𝒊𝒏𝒈, 𝒚𝒐𝒖'𝒓𝒆 𝒊𝒏𝒗𝒊𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝑪.𝑪 𝒕𝒆𝒄𝒉𝒏𝒐𝒍𝒐𝒈𝒚 𝒂𝒏𝒅 𝒅𝒆𝒗𝒊𝒄𝒆 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒂𝒏𝒚 𝒇𝒐𝒓 𝒂 𝒄𝒆𝒍𝒆𝒃𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒖𝒄𝒄𝒆𝒔𝒔𝒇𝒖𝒍 𝒑𝒂𝒓𝒕𝒏𝒆𝒓𝒔𝒉𝒊𝒑 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒉𝒆 𝑹𝒐𝒎𝒂𝒏𝒐𝒗 𝑨𝒊𝒓𝒄𝒓𝒂𝒇𝒕 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒂𝒏𝒚. 𝑫𝒐 𝒏𝒐𝒕 𝒇𝒐𝒓𝒈𝒆𝒕 𝒕𝒐 𝒃𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒄𝒂𝒓𝒅 𝒇𝒐𝒓 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒂𝒇𝒆𝒕𝒚 𝒐𝒇 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆" nagulat ako sa nabasa dahil baka kailangan ito ni Tian pero nakalimutan niya.

Naisipan kong dalin ang  card sa company niya kaya pumunta ako sa silid ko at mabilis na naligo. Matapos maligo ay nag suot lang ako ng simpleng long sleeve white dress at pinaresan ito ng nude 3 inch sandals, itinali ko sa half up and half down ang mahaba kong buhok at nilagyan ng white ribbon. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at kapansin pansin ang pamamayat ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin at lumabas na ng silid.

Nag aabang ako ng taxi habang hawak hawak ang card na naiwan ni Tian. 'Matutuwa ba siya pag dinala ko ito?', 'baka hindi siya papasukin dahil naiwan niya ito' tanong ko sa isip ko. May padating na taxi kaya pinara ko agad iyon sa isiping baka matagalan ako.

Pag dating sa C.C technology and device company, ay nag bayad ako at nag pasalamat kay manong driver bago bumaba. Tinitigan ko pa ang kabuuhan ng building at napaka taas niyon. Lumapit ako sa guard na nginitian lang ako. Napatigil ako ng makapasok sa loob dahil napaka ganda ng companya ng asawa ko. Lumapit ako sa receptionist,
"Good morning ma'am what can I do for you?" Nakangiting tanong nito ng huminto ako sa harap niya. Nginitian ko rin siya
"Saan nagaganap ang celebration ng company ngayon?" Tanong ko rito
"Sa 6th floor po ma'am" sagot neto at itinuro ang elevator. Tumango ako bilang sagot at nag lakad na papunta sa elevator at pinindot ang 6th floor.

Nang tumunog ang elevator ay bumaba ako may nakita akong isang pinto doon at may nakatayong nakaitim na lalaki sa labas para siguro mag bantay kaya lumapit ako doon.
"Sino pong kasama niyo ma'am?" Tanong nito saakin
"Asawa po ako ni Christian and pumunta lang ako para iabot ito sa kanya nakalimutan niya kase" nakangiting sagot ko. Alam kong magagalit iyon sakin dahil sinabi kong asawa niya ako. Tinignan ako ng lalaki ng may pag tataka
"Uhm sigurado po ba kayong asawa ka ni sir?" naguguluhang tanong nito. Ngumiti ako at ipinakita ang singsing na suot ko kaya nakakunot noo ako nitong pinapasok.

Nang makapasok ay napaka raming tao doon. Napaka elegante ng lugar at ang ganda ng atmosphere ng lugar. Inilibot ko ang paningin ko upang hanapin si Tian. At doon nakita ko siyang may kasamang babae. Kahit nakatalikod ay alam kong siya iyon dahil kilala ko ang hubod ng katawan nito. Nagulat na lamang ako ng bigla silang umikot ng kasama niya at naramdaman ko ang pag kadurog ng puso ko ng makitang si Kyla ang naka kapit sa  braso niya. I can see the love and happiness in his emerald green eyes while looking at her and I feel like I'm suffocating. Nagulat na lamang ako ng bigla itong tumingin sa kinaroroonan ko at biglang nag bago ang ekspresyon ng kanyang gwapong mukha. Nakita ko ang pag igting ng panga niya at ang pag dilim ng kanyang mga mata kaya naman mabilis akong tumalikod at lumabas.

Hindi ko napigilan ang pag tulo ng mga luha ko, at sobrang sakit ng dibdib ko sumabay pa sa sakit ng ulo ko. Habang nag hihintay ng taxi ay biglang may marahas na kamay na humigit sa akin. Pag lingon ko ay nakita kong si Tian iyon at kahit naka talikod ay ramdam na ramdam ko ang kanyang malamig na aura. Dinala niya ako sa isang parking lot.
"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING HERE?!?" pasigaw na tanong nito. Nagulat ako dahil galit na galit ito at natatakot akong baka may makarinig samin.
"I was gonna give this to you kase nabasa ko na kailangn niyo dalin ito at naisip kong baka hindi ka papasukin" umiiyak na sambit ko.
"ARE YOU DUMB?!" sigaw nito "THIS IS MY COMPANY LEE BAKIT HINDI AKO PAPAPASUKIN DITO?!" dugtong pa nito.
Hindi ko na kinaya ang pag sigaw niya kaya mabilis ko siyang tinalikuran at tumakbo. Pag labas ko ng parking lot ay saktong may dumaang taxi kaya pinara ko iyon.

Habang nasa biyahe ay walang tigil ang pag tulo ng mga luha ko. Tinanong pa ako ni mamang driver if ok lang ako pero hindi ko siya sinagot. May nadaanan kaming park kaya sinabi ko kay kuya na doon na lamang ako ibaba. Habang nag lalakad patungo sa duyan ay nanumbalik ang mga masasayang ala ala namin ni Tian sa lugar na ito.

Hindi ko nanaman napigilan ang pag tulo ng luha ko kaya naupo ako sa duyan at dahan dahan iyong inuga. Madilim na ang kalangitan at wala ng tao roon pero hindi parin tumitigil ang pag tulo ng mga luha ko. Nararamdaman ko na ring sumasakit ang ulo ko kaya napag desisyonan kong umuwi na.

Mukhang nararamdaman ng kalangitan ang sakit na nararamdaman ko dahil bumuhos pa ang malakas na ulan habang naglalakad ako. At dahil wala akong dalang payong ay nabasa ako.
Malapit na ako sa bahay namin at nakita ko ang kotse ni Tian sa labas ng bahay. Lumabas si Tian sa kotse at nakapayong na lumapit sa akin. Inakbayan ako nito at inalalayan papasok ng bahay. Sinisermunan pa ako nito gamit ang Russian language kaya hindi ko naiintindihan dahil wala akong dugong Russian. Napatingin ako sa kanya ng marinig ko ang pag buntong hininga nito.
"Go to your room and wash yourself" utos nito at pumasok sa kusina. Sinunod ko naman ang sinabi nito at umakyat sa silid ko upang maligo.

Hindi na ako lumabas ng silid ko dahil nanghihina ang katawan ko dahil sa sumasakit ang ulo ko at sumabay pa na nilagnat ako. Humiga na lamang ako sa higaan ko at natulog upang makapag pahinga.

Until Forever Ends Where stories live. Discover now