Chapter 10

3 2 0
                                    

Habang nag hihintay sa labas ng emergency room ay biglang dumating sila mommy and daddy na humahangos. Halatang nag madali rin silang makapunta dito ng makatanggap ng tawag mula sa akin na nasa hospital si Lee.

"What happened son? How's Aszhley? Is she alright?" sunod sunod at naluluhang tanong ni mommy habang naka hawak sa kaniyang dibdib.
"Calm down honey, masama ang mastress sayo, kumalma ka" pag papakalma ni daddy kay mommy at inalalayan itong umupo.
"How can I calm down habang nasa loob ng emergency room si Lee, paano kung may mangyaring masama sa anak ko" umiiyak na si mommy kaya nilapitan ko siya at niyakap.
"Mom Lee will be alright, she will fight mom, she will, she's strong mom, calm down" habang hinahagod ang likod nito.

Medyo kumalma na si mommy at hinihintay nalang naming tatlo na lumabas ang doctor upang alamin kung ano ang nangyare kay Lee.

Halos sabay pa ang naging pag tayo namin ni mommy ng makita ang pag labas ng doctor.
"Relative of Ms. Aszhley Rossi-Castillo" pag tawag nito.
"What happened to my wife doc? Is she alright?" tanong ko ng makalapit ako.
"I can't say that she's alright Mr. Castillo, let's talk to my office" bago ito nag lakad palayo.

Tinignan ko si mommy ng marinig ko ang muling pag hagulgol nito. Pinapakalma ito ni daddy kaya naman sumunod ako sa pag lalakad ng doctor.
"Have a sit Mr. Castillo" saad ng doctor ng makapasok ako sa opisina niya.
"What's wrong with my wife doc? Is something wrong with her?" Agad na tanong ko.
"Mr. Castillo, your wife is suffering from a stage 3 brain tumor, and it's getting larger and larger everyday, I would like to tell you na we can do the chemotherapy, but I'm not sure if there's a chance na she will survive, stage 3 brain cancer is really dangerous and only a few people can survive this kind of cancer, I'm sorry about the news but I'm sure we can do something about your wife's situation" mahabang saad nito.

Hindi ko alam ang magiging reaction ko. Pakiramdam ko ay nabingi ako sa mga katagang sinabi niya. Hindi ko inakala na ganon na kalala ang kalagayan ni Lee.

Walang salitang lumabas ako ng opisina ng doctor at nag tungo sa rooftop ng hospital. Habang nakatanaw sa mga nag tataasang gusali ay hindi ko mapigilang hindi umiyak. 'Huli na ba ako?'  'makakayanan ba ni Lee ang chemotherapy?' 'paano ko nagawang saktan at lokohin ang babae'ng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako?' tanong ko sa isip ko, hindi tumitigil sa pag tulo ang luha ko, at ayaw ko itong tumigil dahil pakiramdam ko ay huling huli na ako.

Nang medyo kumalma ay bumaba ako, naabutan ko sina mommy at daddy sa Chapel sa loob ng hospital kaya nilapitan ko sila. Agad na napatingin sila sa akin ng tumabi ako sa kanila.
"Anak what did the doctor say? May masama bang nangyare kay Lee?" Tanong ni mommy habang si daddy ay nag hihintay lamang ng sagot.

Hindi ko napigilan na hindi tumulo ang luha ko ng maalala ang sinabi ng doctor kaya naiyak narin si mommy.
"Mom, dad, si Lee, she has a brain cancer, stage 3 brain cancer mom, dad" umiiyak na sabi ko.

Muli ko nanamang narinig ang pag hagulgol ni mommy at nakita ko rin ang pamumula ng mga mata ni daddy. Alam kong mahal na mahal nila si Lee dahil anak ng mga matalik na Kaibigan nilang si Miyaki Rossi, at Allesandro Rossi si Aszhley. Masakit para sa kanila na malamang may karamdaman ang anak ng mga kaibigan nila na parang naging anak narin nila. Pero mas lalong masakit para sa aking asawa niya.

Sabay sabay kaming nag tungo sa silid na pinaglipatan kay Lee. Pag pasok namin ay nakita ko siyang nakahiga sa hospital bed. Ang sakit sakit makitang ang daming nakakabit sa kaniyang katawan upang mabuhay siya. Narinig ko nanaman ang pag iyak ni mommy at ang pag papatahan ni daddy sa kaniya.

Lumapit ako sa higaan niya at naupo sa tabi nito. Hinawakan ko ang kamay niya na may nakakabit na swero.
"Lee, mag pagaling ka ahh, ipapagamot kita, lumaban ka lang" pag kausap ko dito kahit alam kong tulog siya.

Until Forever Ends Where stories live. Discover now