Chapter 1

4 2 0
                                    

Maaga akong gumising para pag handaan ng almusal si Tian. Naging daily routine ko na ang pag gising ng maaga para sa kanya upang ma-fulfill ko ang trabaho ko bilang asawa nya.

Kahit alam ko naman sa sarili ko na kahit kailan eh hindi niya ako makikita bilang asawa. Gagawin ko parin ang kailangan kong gawin. Nag luluto ako ng simpleng breakfast para saamin ng pumasok ito sa kusina. Naka shorts lang ito at walang pang itaas, hindi kame natutulog sa iisang kwarto dahil narin sa kagustuhan nya.

"Good morning, gising kana pala, have a sit na and eat para makapasok kana" ani ko dito at naupo siya sa isang stool, inihanda ko na ang niluto kong breakfast sa harap nya bago mag timpla ng kape at inilapag iyon sa harap niya.

Tahimik itong kumakain kaya naman napag desisyonan kong umakyat sa kwarto ko at maligo muna. Nang matapos ako ay bumaba na ako, naabutan ko siyang naka upo sa couch at nag babasa ng magazines, nasaktan ako dahil nakita kong  si Kyla ang cover niyon. Isang modelo si Kyla na unang minahal at naging kasintahan ni Tian pero nag hiwalay dahil narin sakin at sa mga magulang niya. Kitang kita ko kung paano niya mahalin si Kyla at naiinggit ako dahil doon.

"Im going home early tonight dahil inimbitahan tayo nila mommy sa bahay, wag kana mag luto because we're going to have dinner there" ani nito at nilapag sa coffee table ang magazine. Nag lakad ito patungong pintuan kaya sumunod ako sa kanya upang ihatid sya palabas. Yes mayaman kami pero ayaw namin kumuha ng katulong, para ako na ang gagawa ng gawaing bahay upang mapansin naman ako ni Tian kahit papaano. Bago siya sumakay sa sasakyan ay hinawakan ko ang braso niya at hinigit paharap sakin, inayos ko ang tie niya na di niya gaano naayos, nakatingin lamang siya sakin habang ginagawa ko iyon kaya naman nang matapos  ay binitawan ko na siya.
"I love you Tian, mag iingat ka sa byahe ahh" ani ko, hindi man lang ako nagawang sagutin non, kahit matagal na niya iyon ginagawa ay hindi parin ako nasasanay, ang sakit sakit parin.

Nang makaalis si Tian ay pumasok na ako at dumaretso sa kusina upang mag almusal, hindi ako sumasabay sa kanya dahil ayaw niya akong kasabay, naaalibadbaran daw siya saken pag nakikita niya ako. Hindi naman ako masakit sa mata, I have small face, thin almond eyes, pointed nose, pink kissable heart shaped lips and a really pretty ocean blue and green eyes. Yes I have Heterochromia, kaya different colors ang eyes ko. Hindi man kasing ganda ni Kyla ay alam ko naman na may sarili akong ganda.

After ko mag breakfast ay nag hugas na ako, wala naman akong ibang gagawin kundi ang manood ng tv dahil pinag babawalan niya ako sa pag gamit ng cellphone. Wala naman akong reklamo dahil nga wala akong laban sa kanya.

Nanonood ako ng tv ng bigla kong maalala ang sinabi ni Tian, pupunta nga pala kami sa bahay nila mama. Masaya ako tuwing pumupunta kami roon dahil doon ko lang nararamdaman ang existence ko para kay Tian, pinapakita niya sa mga magulang niya na mahal niya ako kaya naman gustong gusto ko doon.
   
                              • • • •

Kakatapos ko lang maligo at nag bibihis na ako para sa pag punta namin sa bahay nila mama, simpleng sleeveless flowy dress na kulay puti ang isinuot ko at pinaresan iyon ng flat sandals.

Nag hihintay ako sa pag uwi ni Tian sa couch habang nanonood ng tv ng bigla na lamang bumukas ang pinto, kakauwi lang ni Tian, kaya naman agad akong tumayo at kinuha ang suit case nito.
"Good evening, how's your day?" ani ko.
"Good" lamang ang isinagot niya sabay abot sakin ng isang maliit na box, kaya naman dali dali akong bumalik sa couch at inilapag ang suit case niya upang mabuksan ko ang box. isa iyong necklace na may pendant na infinity.
"Thank you Tian, ang ganda" nakangiting sabi ko dahil ngayon lang niya ako binigyan ng ganon.
"Dont expect to much from it, binigay ko lang yan sayo para may makita sila mommy na galing sakin" seryosong sagot nito at umakyat na sa taas upang mag palit.

Nabawasan ang saya ko dahil sa sinabi niya pero ano pa bang magagawa ko. Isinuot ko ang kwintas at naupo na muli sa couch para hintayin siyang makababa. Di nag tagal ay bumaba na ito at dumaretso sa labas, hindi man lang ako sinabihang aalis na, kaya naman sumunod nalang ako.

Tahimik ang naging byahe namin papunta sa mansion ng mga Castillo.
Nang makarating kami ay pinagbuksan ako ni Tian ng pinto ng sasakyan, para narin maipakita niya kila mama na nag mamahalan talaga kami. Mahal ko naman talaga siya, pero hindi niya ako mahal.

"Ija you look so pretty" may matamis na ngiting salubong samin ni mama ng makalapit kame sa pinto.
"Good evening mama, good evening daddy I missed you two po" masayang sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa. Hinalikan naman ni Tian ang ina at tinapik lang nito ang balikat ng ama.

We were having dinner at masayang nag uusap kaming tatlo nila mama at daddy, tahimik naman na kumakain si Tian.
"Oo nga pala ija, we're not getting younger na, kelan nyo ba kame bibigyan ng apo" ani mama na nag act pang nalulungkot.
"Oo nga naman Christian anak bakit di kapa gumagawa ng mini you, ang tagal tagal niyo na mag asawa di parin kayo nakakabuo" nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi nila mama. Hindi kame nakakabuo ni Tian dahil narin ayaw niya akong makasama sa iisang kuwarto kung minsan ay di na umuuwi o gabi na kung umuwi.
"Daddy I'm busy pa sa company, pero pag di na ako busy bibigyan namin kayo ni misis ng maraming apo" nakangiting ani ni Tian. Alam ko namang di niya talaga yon gagawin at sinabi niya lang iyon dahil katapat namin ang mommy at daddy niya.

Makalipas ang ilang oras ay napag disisyonan na namin ni Tian na umuwi dahil may trabaho pa siya bukas. Nag pupumilit pa sila mama na doon na kame matulog dahil gabi na daw pero, Tian insisted that we should go home dahil kung hindi pano daw namin sila mabibigyan ng maraming apo. Kaya naman pumayag na ang mag asawa.

Nasa bahay kami ngayon ni Tian at nasa kwarto na ako, nakapag palit na ako ng damit at nakahiga pero hindi ako dinadalaw ng antok, dahil sa mga katagang sinabi ni Tian kila mama kanina. Namula nanaman ang pisngi ko dahil sa naisip.

Dahil sa hindi ako makatulog ay bumaba ako para kumuha ng gatas. Nagulat pa ako pag pasok ko sa kusina dahil nakita ko si Tian doon na tumitipa sa laptop. Napansin nito ang presensya ko kaya nag angat ito sandali ng tingin sa akin bago ibinalik sa laptop.
"Why are you still awake?" ani nito habang tumitipa,
"I can't sleep, how about you what are you doing?" Sagot ko habang nag sasalin ng gatas sa baso.
"Work" tamad na sagot nito, alam kong wala siyang balak makipag usap sakin kaya inubos ko ng mabilis ang gatas at bumalik sa silid ko. Dahil sa ininom kong gatas ay agad akong dinalaw ng antok.

Until Forever Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon