Chapter 11

2 2 0
                                    

Tatlong araw na kami sa hospital at gising na si Lee ngunit ipinagpabuti na naming panatilihin siya sa loob ng hospital. Namimilit pa siyang ayos lang siya at kaya niya, kesyo mahal ang bayad, at kesyo malakas naman daw siya.

"Tian kaya ko talaga, hindi natin kailangan mag stay dito dahil kaya ko naman"
"Lee no, listen to me baby, hindi tayo lalabas ng hospital na ito hanggat hindi ka mabuti, okay?"
"But-" pinutol ko ang sasabihin nito ng itapat ko sa bibig niya ang kutsarang may lamang sereal. Ito lang ang nirecommend ng doctor na ipakain sa kaniya dahil mahina na ang katawan niya.

                                • • • •

"Lee may chemotherapy ka later okay?"
"Tian ayaw ko, kaya ko naman ehh, wala lang ito"
"Lee wag na makulit, I'll be there, I'll support you, I love you okay?" nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata nito kaya agad ko iyong pinunasan.
"Wala pa nga umiiyak kana"
"I'm just really happy na you can finally say those words to me, you dont know how long I've been waiting for it" napangiti nalang ako dahil sa sinabi nito.

Hindi ko inakalang ganito siya mangulila sa akin at pinag sisisihan kong hinayaan ko siyang maramdaman iyon. Matapos kumain si Lee ay inilapag ko muna ang mangkok sa lamesa sa loob ng silid niya at inalalayan siyang mahiga.
"Mag pahinga kana dahil may chemotherapy ka mamaya, kailangan mo ng lakas"
"Okay"

Makalipas ang ilang oras ay may pumasok na dalawang burse at isang doctor. Oras na ata para sa chemotherapy ni Lee. Ginising siya ng doctor at ng makita ni Lee ang mga doctor ay napatingin siya sakin habang naluluha ang mga mata.
"You can do it okay? Kaya mo yan" at hinalikan ko ito sa noo. Binuhat ito ng isang nurse at inilipat sa ibang higaan bago itulak palabas.

Nakasunod ako sa kanila habang nag lalakad patungo sa silid kung saan magaganap ang chemotherapy ni Lee.
Hindi na ako pumasok dahil alam kong bawal ako sa loob. Naiiyak ako sa tuwing naririnig ko ang sigaw niya na halatang nasasaktan.

Ang sakit sakit na naririnig kong nasasaktan si Lee. Hindi ko siya kayang makitang masaktan. Makalipas ang ilang oras ay lumabas na ang mga nurse at si Lee na natutulog. Nginitian ako ng doctor kaya nginitian ko rin ito.
"Your wife is a real figher Mr. Castillo, she's really strong, always be there for her" sambit nito bago nag lakad palayo.

Nasa silid na kami ni Lee at hinihintay ko na lang itong magising. Hawak hawak ko ang kamay nito habang nakatitig sa kaniyang mukha. Ang sakit sakit dahil kitang kita sa kaniyang magandang mukha ang sakit na nararamdaman.
"Please be strong Lee, I love you so much" sabi ko at iniyuko ang aking ulo upang mag pahinga.

Nagising ako ng makarinig ng mahinang pag hikbi. Iniangat ko ang ulo ko at nakitang umiiyak ng tahimik si Lee.
"Love what happened? May masakit ba sayo? Okay ka lang ba? Tell me so we can call the doctor" nag aalalang tugon at tumayo upang alamin kung bakit ito umiiyak.
"Tian I'm tired, it hurts everything hurts"
"Shh love please don't say that, you're a really strong woman, okay? You can do it gagaling ka"
"But I can't, I don't know if I can" umiiyak ito at nadudurog ang puso ko sa tuwing naririnig ang mga hikbi nito.
"Love gagaling ka, kaya mo yan, okay? I love you I'll go get you water rest okay?"

Hindi ko na hinintay ang magiging sagot nito at lumabas na upang hindi niya makita ang pamumula ng mga mata ko. Pag labas ko ng pinto ay isinara ko ito at
sumandal dito. Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan dahil ayaw king makita niyang pinanghihinaan din ako ng loob. 'Lord, please help Lee' dasal ko sa aking isipan bago nag lakad patungong vending machine. Nag hulog lang ako ng 12 pesos doon at pinindot ang tubig.

Nang makuha nag tubig na binili ay nag lakad na ako patungo sa silid ni Lee. Nakita ko si Lee na nakaupo at nakatulala sa bintana kaya nilapitan ko ito.
"Lee, lay down baka mapano kapa" inalalayan ko itong humiga tsaka iniabot ang tubig na binili ko. Kinuha niya iyon at uminom bago iabot sakin. Iniwan kong saglit si Lee at inilapag sa mesa ang tubig. Nang makabalik ako na nakita kong nakapikit na ito.
"Lee, please fight" Hindi na ito sumagot kaya naman naupo na lamang ulit ako at pinagmasdan ang pag hinga nito. Natatakot ako na baka pag ipinikit ko ang mata ko ay tumigil ito sa pag hinga kaya hindi na ako muling natulog

Until Forever Ends Where stories live. Discover now