Chapter 3

3 3 0
                                    

Maaga akong gumising as usual para pag handaan ng almusal ang asawa ko. Nag luluto ako ng breakfast ni Tian ng bigla itong pumasok sa kusina na naka bihis na.
"Good morning, ang aga mo naman ata ngayon" sabi ko dito
"I have a business meeting to attend sa Palawan and I won't be going home for 1 week" daretsong saad nito habang nag sasalin ng tubig sa baso.
"Hintayin mo nalang ito at malapit na itong maluto" sabi ko na tinutukoy ang niluluto kong almusal niya.
"No need, I'm going na I'm gonna be late for my flight" sagot nito pag tapos ubusin ang tubig sa baso bago lumabas.

Dali dali kong pinatay ang stove at sumunod sa kanya palabas.
"Wala ka pang kain ahh, baka magutom ka sa biyahe" nag aalalang sabi ko
"I can buy food if I want to" walang emosyong sagot naman nito na tinanguan ko nalang.

Hinatid ko na siya sa sasakyan nya.
"I love you Tian, mag iingat ka doon ahh" sabi ko pag pasok niya sa kotse, di man lang ako nito nilingon oh sinagot man lang, kaya nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

Pag alis ni Tian ay ako na lamang ang kumain ng pag kaing niluto ko, sayang naman kase kung hindi ko kakainin. Pag tapos ko kumain ay hinugasan ko na ang pinag kainan ko at bumalik sa aking silid upang maligo.

Matapos maligo ay napag pasyahan kong manood na lamang ng tv. Boring na boring na ako sa mga pinapalabas sa tv kaya pinatay ko na lang iyon at umakyat sa silid ko. Nag palit ako ng maong shorts at over sized t-shirt dahil gusto kong mag punta ng mall.

Nag antay lang ako ng taxi para makarating sa mall. Di nag tagal ay may dumaan na taxi. Mabilis ang naging biyahe dahil hindi naman iyon kalayuan. Dahil hindi ko alam ang gagawin ay naupo muna ako sa upuan sa mall, ng makakita ako ng isang batang babae na umiiyak, sa palagay ko nawawala ata dahil tinatawag niya ang daddy niya. Nilapitan ko ang bata at lumuhod para mapantayan ito.
"Hi baby why are you crying?" Tanong ko sa bata na namumula ang mata dahil sa pag iyak
"I can't find my daddy" sumisinghot na sagot neto
"Do you know what he's wearing?"
"Yes po he's wearing a black polo po" magalang na sagot naman ng bata
"Do you want to find him?" The girl nodded but didn't answer my question, so i took her hand and walked around the mall.

Habang nag lalakad kami ay nakarinig ako ng isang lalaking may tinatawag. Lumingon doon ang bata.
"Daddy!" Bumitaw ang bata sa pag kakahawak ko at tumakbo sa isang matangkad at gwapong lalaki, hindi siya pure Filipino dahil halata sa mukha niya.
Lumapit saakin ang mag ama.
"Hey miss thank you for helping my daughter" ani neto na ikinangiti ko
"No need to thank me sir I just don't like seeing kids cry" nakangiting sagot ko
"Uhm can I get your number?" Tanong nito sabay kuha ng cellphone sa bulsa
"I'm sorry but I dont have a phone" nahihiyang sabi ko, tila nag taka naman ito sa sinabi ko kaya napakunot ang noo niya.
"Yiee daddy has a crush" panunukso ng anak nito
"Shh baby don't say that, nakakahiya kay miss beautiful" sabi nito habang buhat buhat ang anak. Nakakatuwang panoorin ang mag ama dahil halatang close sila sa isa't isa.
'Pag nagka-anak ba kami ni Tian ganyan din niya tatratuhin ang bata?' tanong ko sa isip ko.
"I'll be going na sir" paalam ko dito 
"Okay thank you helping my daughter again miss mag iingat ka" tinanguan ko nalang ito at agad na umalis.

Dahil alam kong walang mag hihintay sa akin sa bahay ay napag desisyonan kong mag lakad pauwi, hindi naman kalayuan ang mall sa bahay kaya ok lang, exercise narin ito.

Nasa kalahati na ako ng pag lalakad ng maramdaman kong sumasakit ng sobra ang ulo ko, inisip ko nalang na dahil pagod ako kaya ko nararamdaman iyon, pero iba ang klase ng pag sakit niyon, nanlalabo narin ang aking paningin kaya napag desisyonan kong maupo muna sandali.

Makalipas ang ilang minuto ay nag lakad na muli ako. Nag lalaban na ang liwanag at dilim ng makauwi ako kaya naman sinara ko na ang mga bintana at pinto dahil mag isa lang ako.

Dumaretso ako sa silid ko upang maligo. Matapos ay bumaba ako at nag luto ng makakain. Mabilis ko namang naubos ang pag kain ko kaya nag tungo na lamang ako sa sala para manood ng tv. Sa tagal kong nanonood ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa couch.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na sumisilip sa bintana. Ginawa ko ang daily routine ko at mag hapon na lamang na nanood ng tv dahil wala akong magawa.

Habang nanonood ay nararamdaman kong sumasakit nanaman ang ulo ko, hindi ko na matiis ang sakit niyon kaya nag tungo ako sa kusina upang uminom ng gamot. Muntikan pa akong matumba dahil sa nanghihina ang aking katawan dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, buti na lamang ay na tukod ko ang kamay ko sa pader. Pag pasok sa kusina ay kumuha ako ng baso at nag salin ng tubig.

Mag gagabi narin naman kaya napag desisyonan kong umakyat sa silid ko upang ipahinga na lamang ang katawan ko.

Until Forever Ends Where stories live. Discover now