Chapter 12

2 2 0
                                    

Halos dalawang buwan na kami sa loob ng hospital at nag tuloy  tuloy ang pag papa chemotherapy ni Lee. Nalalagas na ang buhok niya kaya nakasuot na ito ng beanie. Sobra na rin ang pamamayat niya at ang pang hihina niya dahil sa chemotherapy, pero ang sabi naman ng doctor ay normal daw iyon sa mga nag che-chemotherapy.

Lagi na lamang nakahiga si Lee dahil nga nanghihina ito sinusubuan ko nalang ito ng wet food para kahit papaano ay mag kalaman ang tiyan nito.

"Lee may chemotherapy ka mamaya kaya kumain ka ng madami" pag papaalala ko dito dahil umiling ito ng itapat ko ang kutsara sa kaniyang bibig.
"No more Tian, I'm full"
"Last one Lee" ngunit umiling lang ito. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa katigasan ng ulo nito at tumayo upang ilagay sa mesa ang mangkok.

Habang nag aayos ako sa mesa ay biglang bumukas ang pinto at pumasok doon sina mommy and daddy. Minsan lang sila makadalaw dahil nag karoon sila ng business meeting sa Russia kaya kinailangan pa nila umuwi doon para asikasuhin.

"Lee my daughter how are you" agad na sambit ni mommy ng makita si Lee.
"I'm good mama, I missed you po"
"How about me Lee? Hindi mo ba namiss si daddy?" May pag tatampo ng singit ni daddy sa pag lalambingan nila mommy and Lee.
"Of course I miss you din po" nakangiting saad ni Lee.

Nag kakamustahan ang tatlo kaya nakinig na lamang ako sa usapan nila.
"Mom, dad kayo na po muna ang mag bantay kay Lee uuwi po muna ako para kumuha ng damit" paalam ko bago lumapit kay Lee at hinalikan ang noo nito.
"Of course anak take your time kami na ang bahala dito kay Lee"
"Thanks dad, mauna na po ako" paalam ko bago lumabas.

Nag lalakad ako sa hallway ng hospital patungong parking lot ng makasalubong ko ang doctor na naka assign kay Lee.
"Mr. Castillo may I have a word with you?"
"Sure doc" ani ko bago sabay kaming nag lakad patungo sa office nito.

Nang makapasok sa office nito ay naupo ito sa kaniyang swivel chair kaya naupo ako sa kaharap na upuan nito.
Hinintay ko lang itong mag salita dahil hindi maganda ang kutob ko sa sasabihin niya.
"Mr. Castillo your wife's brain tumor is healing, her tumor is smaller than before. But..." Tumigil ito sa pag sasalita kaya mas lalo akong kinabahan nararamdaman ko ang pag bagal ng hininga ko habang hinihintay ang sasabihin nito. "She's developing a new illness, during her last chemotherapy we discovered that her kidneys are not functioning well"

Pakiramdam ko ay kinakain ako ng lupa sa narinig ko. Gusto kong umiyak ngunit tinatagan ko ang loob ko. Si Lee gumagaling ang brain tumor nya, lumalaban siya, pero bakit nag kaganon ang kidney niya, bakit?

"Doc may magagawa po ba kayo para magamot ang asawa ko?" naluluhang tanong ko.
"Mr. Castillo, I'm not sure about her kidneys, almost sixty-five percent of her kidneys are not functioning well, may napapansin ka ba sa kaniya noong mga nakaraang taon o araw?"
"Wala doc, wala siyang sinasabi sa akin, pero last week may nasabi siya sa akin na may masakit sa kaniya, please doc do your best to cure my wife" nag mamakaawang umiiyak na ako sa harap ng doctor. Wala na akong pake kung mag mukha akong tanga sa pag iyak ko. Ang gusto ko lang ay gumaling ang asawa ko.

"Mr. Castillo, sixty-five percent of her kidney na ang hindi nag fu-function, if ever we need a new kidney but it will cost a lot"
"Then do that doc, do everything for my wife doc"
"But Mr. Castillo, we need a donor for the kidney"
"I can donate mine"
"Then sir we need to run a test on you  to check if your kidney is compatible with your wife's"

Pag tapos namin mag-usap ay ginawa namin ang test. Hinihintay ko na lamang ang magiging resulta ng test sa waiting area ng makita ko ang pag labas ng doctor.
"Mr. Castillo" tawag nito at pumasok sa opisina niya.
"What's the result doc?"
"Sorry to tell you Mr. Castillo, but your kidney is not compatible with her"
"Then we need to find a donor?"
"Yes sir you need to find a donor that has a compatible kidney with your wife"
"Thanks doc" bago ako dali daling lumabas ng opisina at bumalik sa silid ni Lee.

"Oh son where's your things? Umuwi kana ba?" Tanong ni mommy ng makita ako sa pinto.
"Hindi ako nakauwi mom, nakasalubong ko ang doctor ni Lee, and he gave me a bad news about Lee's condition" napasinghap si mommy kaya hinawakan ni daddy ang kamay nito.
"Sabi ng doctor ay gumagaling ang tumor ni Lee, pero nadiskubre nila na hindi na nag fu-function ng maayos ang kidney ni Lee, and the worst of it almost sixty-five percent na iyon, I did a test to see if my kidneys are compatible with her's pero hindi, mom we need a donor, kase pag tumagal mas lalala ang kalagayan ni Lee and pwede siyang mawala sa atin"

Naiyak nanaman si mommy sa sinabi ko kaya niyakap ko ito.
"Mom we need to find a donor" sambit ko bago ito pinakawalan sa yakap ko at lumapit kay Lee na natutulog.
"Love hahanap tayo ng makakapag bigay ng kidney sayo, mag papagaling ka, bubuo tayo ng masayang pamilya kaya mag pagaling ka love" umiiyak na sambit ko sabay halik sa kamay nito na may nakakabit na swero.

Until Forever Ends Where stories live. Discover now