Chapter 4

3 3 0
                                    

Sa nakalipas na apat na araw, matinding pananakit ng ulo ang naranasan ko. Kung minsan ay hindi na ako kumakain dahil walang gana ang katawan ko.

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ako makabangon dahil hinang hina ang katawan ko at mabigat ang pakiramdam ko. Nakaramdam ako ng pag susuka kaya kahit nanghihina ay dali dali akong bumangon at nag tungo sa kubetang nasa loob ng silid ko. Pagka pasok na pagka pasok pa lamang ay naduwal na ako, itinukod ko ang mga kamay ko sa gilid ng lababo para suportahan ang nanlalambot kong tuhod. Nag mumog ako at nag toothbrush bago lumabas ng silid ko.

Hindi na ako nag luto ng almusal ko at nanood nalang ng tv dahil wala talaga akong gana kumain. Habang nanonood ay naramdaman ko nanaman ang matinding pag sakig ng ulo ko,  kaya kumuha ako ng gamot at pumasok sa kusina upang kumuha ng tubig. Pag inom ko ng gamot ay napag isipan kong bumalik na lamang sa silid ko upang matulog para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman.

                                 • • • •

Dalawang araw pa ang nakalipas at mamaya na ang uwi ni Tian. Miss na miss ko na siya pero alam kong hindi niya iyon nararamdaman para sa akin.

Kahit walang gana at mabigat ang pakiramdam ay pinilit ko paring mag luto ng hapunan para sa asawa ko dahil alam kong pagod siya sa biyahe.

Natapos ako mag luto kaya inilapag ko iyon sa counter bar at tinakpan bago lumabas at nanood ng tv. Habang nanonood ay nakaramdam ako ng antok kaya naman na tulog na muna ako dahil baka mamaya pa naman iyon uuwi.

Naalimpungatan ako ng marinig ang pag bukas ng pinto kaya dali dali akong naupo, nakita ko si Tian na naka tayo sa pinto at nag tatanggal ng sapatos kaya nilapitan ko ito at kinuha ang dala niyang maliit na maleta.
"Welcome back, kamusta ang naging biyahe mo?" masayang tanong ko dahil kahit hindi niya ako namiss ay miss na miss ko naman siya
"Good" pagod na sagot naman nito kaya itinabi ko na ang maleta niya at pinag handaan ito ng makakain.

Pag tapos kumain ni Tian ay dumaretso na ito sa silid niya kaya pumasok na ako sa kusina upang hugasan ang pinag kainan niya. Tinabi ko nalang ang tirang pag kain dahil wala naman akong gana kumain dahil masama ang aking pakiramdam.

Matapos mag hugas ay sinigurado kong sarado ang lahat bago ako umakyat sa aking silid upang itulog na ang masamang nararamdaman.

Kinabukasan kahit masakit parin ang aking ulo ay pinilit ko paring bumangon upang pag handaan ng almusal si Tian.
Nag luto ako ng simpleng hotdog and egg at isinangag ang natirang kanin kagabi para hindi masayang. Habang nag luluto ay may naramdaman akong presensiya sa likuran ko kaya nilingon ko iyon na agad kong pinag sisihan dahil umikot ang paningin ko na dahilan upang mawalan ako ng balanse, ngunit bago pa man matumba ay naramdaman ko ang  matigas nitong dibdib at ang nakayapos na braso nito sa bewang ko. Agad na nag init ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon, kahit labag sa loob ay pinilit kong tumayo ng maayos.
"Good morning, gising kana pala" nakayukong tugon ko para itago ang namumula kong mukha.
"I will be late tonight, may magaganap na celebration sa company ko para sa naging agreement ng companya ng mga Romanov" malamig na lintanya nito
"Uhm Tian, can I come?" nahihiyang tanong ko, tumingin ito ng malamig saakin na ikinagulat ko
"No I don't want anyone to know that you're my wife, and I wont let anyone know abour your existence" malamig na sagot nito na ikinadurog ng puso ko.

Sobrang sakit na marinig iyon galing sa kaniya dahil kayang kaya ko siyang ipag sigawan sa buong mundo bilang asawa ko. Sobrang proud ako sa mga achievements niya. Pero hindi ko inaakala na magagawa niya iyong sabihin sakin.

Bumalik nalang ako sa silid ko upang
maligo at bumaba rin agad pag tapos. Naabutan kong palabas na ng pinto si Tian kaya mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan, muntik pa akong mahulog dahil nadulas ako pero hindi ko iyon pinansin at mabilis na sumunod kay Tian. Naabutan ko siyang inaayos ang suot niyang tux kaya naman nilapitan ko siya at ako na ang nag ayos niyon.
"I love you Tian, mag enjoy ka doon ahh" masayang sabi ko, pero tulad ng nakasanayan ay hindi ako sinagot niyon at umalis na.

Until Forever Ends Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα