Chapter 2

4 3 0
                                    

Makalipas ang ilang buwan mula ng makapunta kame sa bahay nila mama ay ganon parin ang trato sakin ni Tian. Kumpara sa dati ay mas hindi na siya nakakauwi, kung minsan ay isa o dalawang beses sa isang linggo nalamang ito umuwi.

Hinihintay ko si Tian sa couch na nakagawian kong gawin para malaman kung uuwi ba siya o hindi. Alas-diyes na ng gabi pero wala parin siya . At dahil sa tagal kong nag hihintay ay di ko namalayang nakatulog ako.

Naalimpungatan ako ng bigla na lamang mag liwanag ang paligid, at nakita kong kakauwi pa lang ni tian kaya naman napatingin ako sa wall clock, tatlong oras na ang nakakalipas ng makatulog ako.
"Oh nagising ba kita?" seryosong tanong neto, umiling na lamang ako bilang sagot at nilapitan siya upang kunin ang suit case niya.

Pagka lapag ko ng suit case niya ay pumasok ako sa kusina upang kuhanan siya ng tubig, pag labas ko ay nakita ko siyang naka upo sa couch at nanonood ng tv, lumapit ako sa kanya at inabot ang tubig, kinuha naman niya iyon at ibinalik sakin ang baso habang seryoso paring nanonood.

Ayaw na ayaw nya talaga akong kausapin na kahit salamat ay hindi niya masabi. Bumalik ako sa kusina upang hugasan ang baso. Pag tapos ay lumabas ako at wala na siya sa couch and I'm sure na umakyat na siya para mag pahinga,
"Hayst, lagi mo nalang pinapagod ang sarili mo mahal ko" pag kausap ko sa aking sarili. Sinigurado ko muna'ng sarado ang lahat ng bintana at pintuan bago ako umakyat sa silid ko upang mag pahinga, at sa awa ng diyos ay pagka lapat pa lamang ng katawan ko sa higaan ay kinain agad ako ng dilim.

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang pag handaan ng almusal si Tian. Pag pasok ko sa kusina ay kumuha ako ng egg, bacon, and ham sa refrigerator, 'just a simple breakfast for the love of my life' sabi ko sa isip ko. Nang matapos mag luto ay hindi parin lumalabas ng kuwarto si Tian kaya  naman kahit natatakot ay kinatok ko siya sa kaniyang silid.
"Tian, aren't you going to work? It's already 7 am" sambit ko mula sa labas ng kaniyang silid. Laking gulat ko ng biglang bumukas ang pinto ng silid niya at iniluwa nito ang bagong ligong si Tian, alam ko dahil tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya pababa sa 8 packs abs niya. Nakabalot lamang ng towel ang lower part ng body niya kaya naman ay nag iwas ako ng tingin.
"I'll just wear some clothes, at baba din ako" simpleng sagot nito at isinara ang pinto sa mukha ko.

Hinintay ko na lamang siya bumaba upang mag agahan habang nakatulala sa kawalan. Nabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang yapak niya pababa ng hagdan kaya naman agad akong nag tungo sa kusina upang pag timplahan siya ng kape.

Pag tapos ko mag timpla ay sakto namang pag pasok nito kaya inilapag ko na ang kape sa harap niya at lumabas upang ganahan siyang kumain. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na siya at kinuha ang suit niya, nilapitan ko muna siya at inayos ang medyo magulo niyang blazer, ng matapos ay lumabas na ito kaya sumunod na lamang ako upang ihatid sa labas.

Bago pa siya makasakay ay hinawakan ko ang kamay niya na siyang dahilan upang tignan niya ako ng masama, pero hindi ako nag patinag at tinignan na lamang siya.
"I love you Tian, mag iingat ka sa biyahe" ani ko tsaka siya binitawan. And as usual hindi ako nito sinagot at umalis na lamang.

Sa sobrang bored ko sa kakanood ng tv ay napagisipan kong gumawa ng favorite snacks ko, ang potato chips. I was cutting the potatoes when suddenly nakaramdam ako ng sobrang pag kirot sa isang bahagi ng ulo ko kaya naman dumulas ang kutsilyo at nahiwa ko ang daliri ko. Masyadong malalim ang nahiwa ko kaya hindi tumitigil ang pag dugo niyon. Lumabas ako ng kusina upang gamutin ang sugat na natamo. Pag tapos ko lagyan ng gamot ang sugat ko ay itinuloy ko na ang ginagawa kong pag luluto. Kumekembot kembot pa ako at kumakanta habang hinihintay na maluto ang potato chips ko.

Nang maluto ang potato chips ay bumalik ako sa sala upang manood ng tv. Habang nag hahanap ng papanoorin ay napahinto ako sa pag pindot ng next channel ng makita ko ang mukha ni Tian sa tv. Napaka gwapo nito at halatang halata ang russian blood nito. Na Broadcast siya dahil sa naging agreement ng companya niya sa isang sikat na companya.
"Ang galing galing naman ng asawa ko" natutuwang sabi ko sa sarili ko.

Nang matapos ang interview niya ay inilipat ko na ang channel, ang pinapanood ko na ngayon ay ang cartoons na Tangled, favorite ko iyon dahil pangarap kong mag karoon ng mahabang buhok.

Nang matapos ang pinapanood ko at maubos ang potato chips na niluto ko ay napag pasyahan kong lumabas muna at mamasyal. Matagal tagal na rin akong nagmukmok sa loob ng bahay kaya di ako nakaka pasyal. May pera namang iniiwan sa akin si Tian kaya may magagamit ako.

Naligo ako at nag bihis ng simpleng above the knee black dress na pinaresan ko ng black flat sandals, nag dala na rin ako ng black na shoulder bag para may pag lagyan ng pera.

Sinigurado kong sarado ang pintuan bago ako nag abang ng taxi papuntang mall. At mabuti naman dahil hindi nag tagal ay may dumaan na isang taxi kaya pinara ko iyon.

Nang makarating sa mall ay dumaretso ako sa isang clothing store. Napaka gaganda ng damit doon, pero ang mamahal kaya naman umalis na agad ako at pumunta sa bilihan ng mga laruan. Bumili ako ng isang human sized teddy bear para may katabi akong matulog at hindi ako maging lonely. Naalala ko ring paubos na ang stocks sa bahay kaya napag isipan kong mag grocery. Nang makabili ay naupo muna ako sa isang upuan na nasa loob ng mall, siguro dahil ngayon nalang uli ako nakalabas kaya nasabik akong tumambay doon.

Hindi ko namalayan ang oras dahil wala naman akong cellphone kaya tumayo na ako at nag lakad palabas ng mall. Nang makalabas ng mall ay agad akong kinabahan ng makitang madilim na ang kalangitan.
"Ate excuse me po, pwede po bang matanong kung anong oras na?" tanong ko sa isang babaeng nag ce-cellphone na nakasalubong ko.
"8:26 po" sagot nito kaya nag pasalamat ako at dali daling sumakay ng taxi. Sinabi ko kay manong driver ang adress at nag maneho na siya.

Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilang hindi matakot dahil anong oras na at hindi pa ako nakakapag luto ng hapunan, pero naalala kong baka wlaa pa si Tian sa bahay dahil madalas na siyang hindi umuuwi.

Nang makarating sa bahay ay laking gulat ko ng makitang naka bukas ang ilaw doon. Kinakabahan ako habang nag lalakad palapit sa pinto. Nang makapasok ay nakita ko agad si Tian na seryosong naka upo sa couch at malamig ang mga matang naka titig sa  saakin.
"Where did you do?" malamig na tonong tanong nito saakin.
"Nag grocery lang and bumili netong teddy bear para may katabi akong matulog" sagot ko at bahagyang yumuko dahil nakakatakot ang titig na binibigay niya. Napaangat ang tingin ko ng tumayo ito at umakyat sa silid niya. Pumunta nalang ako sa kusina upang ayusin ang groceries na napamili ko at makapag luto na pero nagulat ako ng may makitang fast food doon kaya inayos ko nalang ang mga ipinamili ko.

Nang matapos ay kumain ako ng binili ni Tian na pag kain at umakyat sa silid. Hindi na ata sanay ang katawan kong lumabas dahil pagod na pagod ako kahit groceries at teddy bear lang naman ang binili ko and the rest is naupo nalang ako. So bakit pagod na pagod ang katawan ko.

Kahit pagod ay pinilit kong maligo dahil galing ako sa labas at hindi ko matitiis na hindi maligo bago matulog. Pag tapos maligo ay pabagsak na humiga ako sa kama ko at agad na kinain ng dilim.

Until Forever Ends Where stories live. Discover now