Chapter 70

11 1 0
                                    

MESSENGER

Inoru Takashi

9:42 PM

Inoru:
Yo
Sorry, I left you on read.
I was speechless kasi tapos saktong tumawag si DD para magpasama magpractice ng 2 games.

Finn:
Uy okay lang haha
At least nabasa mo.

Inoru:
But Finn…
As long as it’s for you. You’re doing it for you. I’ll support you kahit ano pa ang mangyari. So don’t worry about us.

Finn:
Bakit ang swerte ko sa inyo? 😭

Inoru:
;)

Finn:
Pero oo. Para naman talaga sa akin ito.
At oo, ikaw unang kong sasabihan kasi ikaw naman talaga madalas unang nakakaalam sa nangyayari sa amin ni Gino, kahit nga hindi mo gustong malaman, nalalaman mo. HAHAHAHA

Inoru:
Lol. True to that.
Also, one more thing.

Finn:
Sige ano iyon?

Inoru:
Tell me when it hurts. When it’s becoming too painful for you.

Finn:
Luh
Hindi ka magpapaiyak ha. 🥲

Inoru:
🤣
I’m serious tho?

Finn:
Seryoso rin ako!!!!
Alam mo kahit na feeling ako ang tanga ko sa naging desisyon ko at akala ko hindi niyo maiintindihan nila Charmian, ayan kayo, iniintindi ako. Hindi niyo ako jinundge sa pagiging marupok.

Inoru:
Hindi mo sure kung di kita jinudge.
HAHAHA just kidding.

Finn:
Pangit mo talaga. 😠
Pero ayon nga. Salamat.

Inoru:
Charm said you needed that. And that you’re not a kid anymore. You’ll make the right decision but if you ever get hurt, we’ll be there for you.

Finn:
Ayon nga
Kaya rin siguro malaki pasasalamat ko sa inyo. Narealize ko lalo worth ko nitong nakaraan. Halos nakakalaya na ako sa nakaraan. Iyong mga sakit at iyong mga doubts ko sa sarili ko. Pwede ba maging honest? Hehehe

Inoru:
Hindi ka pa ba honest sa lagay na iyan?

Finn:
Inoru hmp HAHAHAHA

Inoru:
Okay okay.
Go. I’m fine with it.

Finn:
Itong set-up namin? Itong napagkadunduan namin na bigyan ng chance isa’t isa ng dalawang linggo. Parang ito rin closure namin hindi talaga chance. Ramdam ko at alam ko rin na siya rin ramdam niya kung anong magiging resulta nito. Na sa dalawang linggo, isa lang talaga ang magiging sagot namin dalawa.

Finn:
Itong ginagawa namin, siguro para kahit sa dulo walang regrets sa part namin. At selfish man pero bukod sa confusion, gusto kong maramdaman na may patutunguhan feelings ko. Gusto kong maranasan pa rin na magkaroon ng label kahit dating man lang para sa past self na naghintay at umasa. Gusto kong mag-heal din iyong past self ko bukod sa magkaroon ng closure Iyong present self ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Afternoon BreakWhere stories live. Discover now