Chapter 29

16 8 1
                                    

JOURNAL ENTRY: FEELINGS

I honestly don’t know what to feel right now. Sobrang grateful ako kay Inoru pero alam ko rin naman na dumating kami sa point na naging ako siya. Masyadong mabait si Inoru para sa akin.

Naalala ko noong umamin siya sa akin na gusto niya ako, nagulat ako. Nagustuhan ko rin siya saglit. Happy crush ba ganon? Pinaalam niya lang at hindi siya nag expect ng kahit ano sa akin. Alam niya rin na gusto ko si Gino kasi halata naman daw, pero nagulat siya na hindi raw pala kami ni Gino hahahaha

Nung nalaman niya iyong sitwasyon, nung ilang beses akong umasa, siya lagi sumasalo sa akin. He is kind enough to keep me company during my heartbreak. Ayaw niyang isipin kong nagpapaka-tanga ako sa isang tao kaya hindi niya ako tinantanan. Sabi niya kapag hindi naging totoo relasyon namin ni Gino o kapag patuloy akong umasa’t kumapit, maghihintay din daw siya sa akin.

Kaya ngayon na bumalik si Gino, siya rin bumalik. I feel bad, pero sabi niya don’t overthink, e.

Afternoon BreakWhere stories live. Discover now