Chapter 50

13 6 1
                                    

JOURNAL ENTRY: POETRY

Sana sa Dulo, Mahanap Ko Ako

Sinubukan kong lumayo sa iyo
Sinubukan kong lumakad sa mahabang daan
Ang daan upang sa iyo ay mapalayo
Mapalayo sa sitwasyon na walang kasiguraduhaan

Sa bawat hakbang papalayo ay gumagaan
Gumagaan na para bang tama ang tinatahak
Sapagkat nawawala ang bigat na nararamdaman
Na para bang sa tamang daan ako ay hinahatak

Noon ikaw lang ang nakikita
Nakalimutan tingnan ang sarili
Sapagkat ako ay nahulog sa iyong mga salita
Sa huli ikaw pa rin ang aking pinili

Ngunit ito na ba ang tamang sagot
Ang hanapin ang sarili ko
At lumayo na sa sakit na iyong dinulot
At sana sa dulo, mahanap ko ang ako

Afternoon BreakWhere stories live. Discover now