Chapter 33

15 8 2
                                    

JOURNAL ENTRY: FEELINGS

Minsan mararamdaman mo talaga iyong pagod, ‘no? Hindi sa pisikal pero sa emosyon. Siguro dahil sa ilang araw na tahimik ang tanghali ko at sa ilang araw na hindi ko siya nakita, sinubukan kong basahin lahat ng entries ko. At sa bawat pahina, siya ang laman nito. Siya na naman. Kagaya ngayon. Pero, siguro naman maipagmamalaki ko na naging honest ako sa kanya at sa sarili ko ngayon, ‘di ba? Kasi nagawa ko siyang pigilan na bigyan ulit ako ng dahilan para ma-sway iyong nararamdaman ko.

Hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko kasi tuwing kasama ko siya, may mga time pa rin na alam ko na-miss ko siya at gusto ko siyang kasama. Still, I know that I was also hurting. At alam ko rin na attached na naman ako. Sana attachment lang kasi napapagod na rin pala akong masaktan. Miss ko na iyong afternoon break ko na ako lang. Iyong walang Gino na biglang mag a-aya at hindi ko kayang tanggihan o Inoru na kailangan pa akong kulitin at samahan para lang makasigurado na walang Gino sa tanghali ko.

Afternoon BreakWhere stories live. Discover now