Chapter Thirty-nine

57 3 2
                                    


NAKATULALA lang ako habang nakatanaw sa papalayong bulto nila Seven. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa akin pala ang dugo na nasa damit ni Nadia pero hindi ako ang tinulungan ni Seven.

H-hindi ba niya ako nakita o sadiyang si Nadia lang talaga ang priority niya? I-imposible naman kasing Hindi niya ako napansin gayong nakapatong lang naman si Nadia sa akin...

“Don't look. It means nothing, amethyst. May rason si Seven.”

Nabalik ako sa ulirat dahil doon at napalaki ang mata ko ng biglang humarang sa paningin ko ang bulto ni Hiro. Napa-angat ang tingin ko sa kaniya at kita siyang seryosong nakatingin sa akin bago ako talikuran at lumuhod upang mapantayan ang height ko.

“Hop on. Dadalhin kita sa clinic para matingnan na ang sugat mo.” malumanay na utos niya na ikinalaki ng mata ko.

“Go on, amethyst. Aalalayan kitang pumasan sa kaniya.” anang boses ni Wendy kasunod ng paglapag ng kamay nito sa balikat ko na ikinatingin ko sa kaniya.

Tinanguan  niya ako at bahagyang nginitian na ikinabuntong-hininga ko bago tahimik na umakyat sa likod ni Hiro. He placed his hand behind my knee to support me bago siya marahang tumayo at harapin si Sir Agabao.

“Sir, dadalhin ko lang po sa clinic si Amethyst. May sugat po kasi siya sa braso, e.” paalam nito kay Sir na ikinatango naman ng huli bago kami paalisin.

I kept silent habang nakapasan kay Hiro.

“A-ayos ka lang ba? H-hindi ka ba nabibigatan sa akin?” nauutal na tanong ko na ikinabuntong-hininga naman nito.

“Ako dapat ang nagtatanong sayo kung ayos ka lang, e. You have a deep wounds. Saan mo ba nakuha iyan?” nag-aalalang tanong nito ana ikina-subsob ko sa balikat niya.

He seems so tense but relax afterwards.

“I don't know. Nahiwa yata ako sa singsing ni Nadia bago kami matumba, e. She tried to grab on me but ended up scratching me instead.” paliwanag ko na bahagya niyang ikinatigil sa paglakad pero nagpatuloy din naman ulit.

Yes, si Nadia nga ang nakahiwa sa akin. Siya lang kasi ang babaeng nasa unahan ko kanina sa laro at siya ang nakadagan sa akin kanina. Ramdam ko pa ang kapit niya sa braso ko matapos kaming matumba. Sa tingin ko nga pati kuko niya ay bumakat sa braso ko, e.

Hindi naman na siya umimik pa kasunod niyon. Hanggang sa nakarating kami sa hallway papunta ng clinic wala siyang kibo. Ang akala ko ay didiretsyo na siya sa clinic pero nag-iba siya ng daan at papunta iyon sa building ng STEM.

“T-teka, nasa kabilang hallway ang clinic... Hiro.” sambit ko na ikinatango naman niya.

“Alam ko pero nandoon sila sa clinic, e. Sa room na lang namin kita gagamutin.” mahinahong paliwanag niya na ikina-tikom ng bibig ko.

He knows.... Alam niya na ayokong makita sila Seven ngayon. Hindi lang dahil nasaktan ako sa ginawa niya kung hindi dahil na rin ayokong makita niyang nasugatan din ako.

Na'ng makarating kami sa room nila Hiro ay maingat niya akong ibinaba sa isang upuan malapit sa pinto.

“Dito ka lang, ha? Kukuhanin ko lang yung first aid kit sa likod.” turan niya sabay turo sa likod ng classroom na ikinatango ko naman.

Nginitian niya ako ng maliit bago maglakad papunta sa likod at kuhanin ang first aid kit. Ako naman ay marahan tinanggal ang paniyong itinali niya sa braso ko upang pigilang ang pagdurugo roon.

“Luckily the wound isn't that deep. Hindi na natin kailangang tahiin pa iyan. Bandage would be enough.” rinig kong ani Hiro matapos makalapit sa akin na ikina-angat naman ng tingin ko sa kaniya.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now