Chapter Thirty-Eight

54 2 0
                                    

"First batch ng game tayo, Group 1, 2, 3 and 4 ang magkakakalaban." anunsiyo ni Sir na ikinasigaw naman ng mga kaklase namin.

F*ck! Bakit against pa kami sa mga competitive na mga grupo?

"Goodluck, amethyst!" sigaw sa akin ni Wendy mula sa kabilang grupo na ikina-boombastic-side eye ng mga ka-grupo niya sa kaniya at ng mga fans ni Seven.

"Kalaban mo iyon ate girl, huwag mong i-cheer!" sigaw ng isang babae na ikinaliit naman sa hiya ni Wendy na ikina-ngiwi ko naman.

Masama bang i-goodluck ang kaibigan?

"Fighting!" mahinang bulong ko ng nagkatinginan kami ni Wendy upang palakasin ang loob niya na ikinangiti naman nito at ginaya pa ang hand sign ko na kuyom na kamao.

Napatawa ako ng mahina dahil don.

"Pumwesto na ang mga players ng apat na grupong tinawag ko dito sa gitna." ani Sir na sinunod naman namin.

Walong miyembro sa isang grupo. Dahil si Seven ang nasa unahan ng group 4 at mukang malalakas din ang nasa unahang lalaki ng Group 2 and 3. Ang ipinangtapat namin sa kanila bilang dipensa ay si Hero dahil same sila lahat ng sukat ng katawan at mukang same rin ng lakas. Nasa gitna naman ako at alternate kami na boys and girl pero sa dulo lang maiiba dahil lalaki din ang ipinanghuli namin kung saan siya ang maghahawak ng flag.

Nakalinya ang lahat at defender ang nasa unahan at likuran habang function naman ang mga nasa katawan ng linya. Wala dapat makakabitaw dahil matatalo kami kapag nagkataon.

Magkakaharap na ngayon ang apat na grupo at pito na lang ni Sir ang hinihintay upang magsimula na kami.

Samu't-saring hiyawan na rin at cheer ang naririnig ko sa mahinang boses dahil sa nerbiyos. Kung hindi ako kinakabahan ay panigurado akong mabibingi ako sa mga hiyawan nilang iyon.

Nakapanlabi ako ng marinig ang sipol ni Sir hudyat na simula na ng laro.

Maingat na nag-iikotan pa ang mga grupo namin at nagsusukatan kung sino ang mauunang magtangkang kumuha ng flag. Tila namimili pa ang bawat isa kung sino ang kukuhanan dahil mukang malalakas ang front ng lahat ng Grupo.

Nagulat na lang kami ng biglang sumugod ang Group 3 sa amin kaya naman todo iwas kami ng mga ka-grupo ko upang hindi nila makuha ang flag. Todo naman ang kapit ko sa lalaki sa harap ko upang hindi ako makabitaw kahit na ang bilis ng mga kilos nila.

Ang group 2 and 4 ang nag-aagawan ng flag ngayon. Mukang nagkasundo si Seven at Hiro na huwag kuhanin ang flag ng isa't-isa at sa dulo na lang maglaban.

Paikot-ikot kami habang iniiwasan ang pagtangkang pagkuha ng Group three sa flag namin kaya naman todo kapit rin ako sa beywang ng lalaki sa harap ko kahit hindi kami close.

Para sa mataas na grades kakayanin ko itong larong 'to. Mabuti na lang at maingat ang lalaki s alikod ko dahil sa laylayan ng suot kong t-shirt siya nakahawak at Hindi sa beywang ko.

Matapos mapagod ng grupo naming parehas ay nag-iikutan nanaman ulit kami at nagsusukatan.

' Go Hiro! Kaya mo iyan baby!'

'Baby mo muka mo!'

'Go Seven my loves!'

'Magtigil ka, my loves ka diyan! Go seven! Kaya mo iyan baby may kiss ka sa akin mamaya.'

'Go Tyler!'

Napaikot ang paningin ko at napangiwi dahil sa mga cheer na iyon. Hindi man lang mga nahiya, may teacher pa naman.

Napangiwi ako bago mapadpad ang paningin sa kabilang grupo na mapalapit sa amin accidentally. Malapit sa amin ang flag nila kaya naman kinalabit ko ang lalaki sa harap ko.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now