Chapter Thirty-Eight

En başından başla
                                    

Kaagad naman itong humarap sa akin ng nagtataka.

"Why? Pagod ka na?" kunot noong tanong nito na ikina-iling ko naman.

"Yung grupo sa gilid natin. Malapit yung flag. Sabihin mo kay Hiro." bulong ko sa kaniya na ikinalaki ng mata nito bago tingnana ng sinasabi ko bago tumango.

"Sige, thanks." ngiti nito bago bumulong sa babaeng nasa harapan niya.

Wala pang isang minuto ay nahatak na paabante nag katawan ko at naabutan ang sariling natatangay ng kilos nila upang kuhanin ang flag ng group 2 na saktong kinukuha rin naman ng group 4.

Ang sama lang ay nakatunog ang group 2 at mabilis na nag-iba ng pwesto na sinabayan din ng Group 3 na nakisali sa agawan ng flag ng kahit kaninong group na this time.

I silently curse at my head! Muntikan na asking makuha ni Hiro Yung flag ng Group 2 ang kaos lang makiksing gumalaw angay hawka ng flag nila kaya hindi nadampot kaagad iyon ni Hiro. Sayang!

Everything becomes chaotic from that point. Naging agresibo ang lahat sa pagkuha ng flag na kahit may natutumbang isang member ay go lang hanggat nakakapit pa ang mga ito.

Napasama pa yata ang pagtuturo ko sa flag ng Group 2. Sa kagustuhan kong matapos kaagad nag game mas lumala pa yata.

I gasps in shocked when I get pulled in the front, harshly. Dahilan para ma-out of balance ako at mahirapan sa pagtayo ng balance ulit. Ang grupo na katabi namin ay nasa parehong sitwasiyon din. Someone even tried to grab my hands para lumapit sa akin na nagawa niya naman Ang kaso lang ay may humihila rin sa kaniyang pwersa palayo kaya ang kasunod niyon ay ang paglandas ng kung anong matulis na bagay sa braso ko dahilan upang humapdi iyon ng sobra.

May singsing yata na amtulis ang kamay daliri ng humawak sa akin. Maliit lang ang kamay na iyon kaya nasisisguro kong babae ang may-ari ng kamay.

Nagsimula yung sakit malapit sa pulsuhan ko at nagtapos iyon sa mismong gubit ng braso ko at kasunod niyon ay ang tuluyan ko ng oagtumba dahil nadisyruct ako ng sakit sa aking braso.

I clench my teeth in pain matapos madaganan ng patong-patong na katawan sa hindi ko malamang kadahilanan. Manhid rin ang kaliwang braso ko at pakiramdam ko ay may tumutulong tubig mula roon na sobrang hapdi.

We got tangled up in some group members at dahil sa sobrang agrisibo ng laro ay nagbanggaan na sila at malakas ang naging impact non na ikinatumba ng ilan at kamalas-malasan pa na ako ang unang natumba! Naggitgitan kasi ang apat na grupo at kami ang nasa gilid.

"Amethyst!" rinig kong tawag ng boses ni Hiro sa akin habang isa-isang tinatago ang mga katawan na nakadagan sa akin.

Katulong niya si Seven na tila wala sa wisyo. Puno ang pag-aalala ang muka nito na siyang ikinangiti ko naman. Hindi siya nakatingin sa akin pero alam Kong sa akin siya nag-aalala. Nung magtagumapay nilang tanggalin ng nakadagan sa amin ay kaagad akong hinila ni Hiro sa isang tabi.

"Nadia! Ayos ka lang?"

Napalaki ang mata ko at nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig ang nag-aalalang boses ni Seven na iyon kay Nadia.

"Hindi ka ba nasaktan?"

Nabalot ng kakaibang kirot ang puso ko habang pinapanood si Seven na tulungang pagpagan ang narumihag damit ni Nadia na natumba rin kanina kagaya ko. Siya pala ang babaeng nasa ibabaw ko ng matumba ako kanina. Bakas na bakas ang pag-aalala sa muka nito habang pinapagpagan si Nadia na nakangiwi ang muka at nakahawak sa kanang binti nito. Mukang namali ng tama ang paa niya.

"A-ah, ouch" daing nito habang nakahawak sa kanang hita bago mapakapit kay Seven na kaagad namang sumalo sa kaniya.

"Namali ba ang bagsak ng paa mo? Kumikirot ba? Bakit may dugo ang likod mo?! Tara na nga sa clinic!" puno ng pag-aalalang tanong nito kay Nadia bago ito buhatin ng pa-bridal style at patakbong pumunta sa direksiyon ng clinic.

Naiwan akong nakasalampak sa lupa habang pinapanood sila. Ramdam ko ang pag-init ng mata ko sa nasaksihan.

Nandito rin naman ako, ah? Natumba rin naman ako pero iba ang inuna niya kesa saakin na matagal na niyang kaibigan.

Ah! Iyon naman nga pala. Kaibigan lang ako, tapos nagkakalabuan na kami kaya iyon ang inuna niya. Sobrang sakit. Iyung ikaw dati yung priority kahit kaibigan ka lang pero ngayon itchapwera ka na.

"Ayos ka lang. Gusto mo dalhin kita sa clinic? Malalim ang hiwa ng braso mo. Maraming dugo ang lumalabas. Malapit din kasi sa pulso ang hiwa."

Napa-angat ang tingin ko dahil sa nagsalitang iyon. Pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa akin ang nag-aalalang muka ni Hiro. Nag-aalala ang muka niya habang itinataling mabuti ang panyo na ipinang-balot niya sa braso ko na ngayon ko lang nalaman na dumudugo pala.

Kaya pala sobrang masakit iyon. Napatanaw ako ng wala sa sarili sa papalayong bulto nila Seven.

I-iyong... Iyong dugo pala sa likod ni Nadia . S-sa akin pala iyon....

_
Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin