CHAPTER 27

7 1 0
                                    

Hindi siya ang una pero siya ang nauna.Hindi siya ang una kong nagustuhan,pero siya ang una kong naging kasintahan at unang taong nagparamdam sa akin ng kakaiba,na kamahal mahal din ako at hindi yung laging iniiwanan.
Siya ang unang taong naging kaaway ko at siya rin pala hindi ko inaasahang  mamahalin ko ng ganito.Hindi siya ang nauna pero sa'kin ay siya parin ang pinakauna.

Tumunog ang pagbukas ng pintuan sa kuwarto ko.

"Good morning"nakangiting bati nito. "Breakfast na sa baba."

"Good morning."Bumangon ako at nag unat .

"Ako na ang mag aayos nito,"saad niya.Inunahan na niya ako kaya hindi na ako umangal pa.

Pumasok muna ako sa CR.Hindi nagtagal ay lumabas na rin ako.Nasa bookshelves ko na ito,nagtitingin tingin ng mga libro.

"Gusto mo rin bang magbasa niyan?"

Tila nagulat ito kaya napatawa naman ako.

"Nerbyoso ka pala?"

Mahina itong tumawa palapit sa akin.

"Kala ko kasi may multo."Hinawi nito ang buhok ko .Kumuha ito ng suklay .

"A-ako na,"pagpipigil ko sa kaniya.

"No."

Tinataas nito ang suklay para hindi ko maabot.

"Ako na nga ."Nakakahiya namang magpasuklay pa.May mono block chair dsa gilid ng  maliit na table ko kaya kinuha ko ito.Patuloy lamang ito sa pagtaas ng suklay habang nakatingin sa akin.

"Oh?"tipid nitong saad.

Inilagay ko ang upuan sa tabi niya.Sa kaniya ako humawak dahil alam kong aalis ito.

"Ang talino mo rin."Inilipat niya ang suklay sa kabilang kamay at inilayo ito pagilid ."Oh ano ka ngayon?"pang aasar nito.

"Girlfriend mo."

"Baba ka na nga jan,baka mafall ka pa,"taas baba ang adams apple nito habang kinakagat niya ang kaniyang labi.

"Noon pa." Hindi na maitago ang ngiti nito sapagkat kitang kita na ang magaganda niyang ngipin kapag ngumingiti.

"Heto ang suklay,tanggapin mo para akin kana habangbuhay."

Pigil na pigil naman ako sa kilig.Kinuha ko naman ang suklay at ganun parin ang ekspresyon nito,parang kinikiliti.

Imbes na magsuklay ay napunta sa ka-corny-han ang lahat.Talanders!

"Good morning,lovers."Nakaupo na si ate habang nagkakape.

"Good morning din po,ate."

Pinihit nito ang upuan."Upo ka na."

Para akong bata na inaasikaso niya.Siya rin ang nagsandok para kay ate.Titig na titig lang ako sa kaniya,hindi ko napansing nakatitig lang din pala si ate sa amin.Ngumiti ito ng magtama ang mata namin.'He's the man' saad nito ng walang tunog.

I'm so lucky and blessed to have him.He is the ideal.Lalaking sisilbihan ka ng pagkain pati na rin ang pamilya mo.One of a kind.

May importanteng pinuntahan si ate kaya kami ang naiwan sa bahay.

Nagpagdesisyunan naming lumabas at mamasyal nalang muna.

We start collecting our memories together.May photographer na nangpipicture ramdom ang lumapit samin kaya 'go' na kami.

"Hawak kamay habang naglalakad."Ginawa naman namin ang sinabi nito.

Mas lalaong humihigpit ang paghawak namin sa isa't isa.

STORY ABOUT YOU AND MEWhere stories live. Discover now