CHAPTER 5

13 4 4
                                    

May sasakyan sa parking lot kaya sigurado ako nandito sina papa.Muli ko na namang naalala ang narinig kanina.

May malakas na tunog akong narinig,parang nabagsak na bagay.Nanatili muna ako sa likod ng pintuan at pinakiramdaman ang mga nangyayari sa loob.

May umiiyak..nag iiyakan..

"Tama na Kara,hindi ko na kaya,"nagsusumamong  tinig ni papa.Umiiyak ito.

"Sorry Gerald,Im sorry,"boses ni mama.

Ngayon ko nakumpirmang tama pala ang narinig ko.Wala na nga..

"Wala ka talagang planong sabihin?Kung hindi ko kayo nahuli ay patuloy niyo pala akong lolokohin?"garalgal na boses ni papa.
"Saan ako nagkulang Kara!Saan?!"galit na sigaw nito.

Hindi ko mapigilang mapaiyak sa mga naririnig ko.Mas grabe pala  ang sakit nang personal  ko na itong nasaksihan.

"Im sorry Gerald,"tanging nasabi ni mama."I'm so sorry."Paulit ulit nitong paghingi ng tawad.

Sa hindi sinasadya ay natulak ko ang pinto.

"Sky!"umiiyak na tawag ni papa.

"Ma,pa?"mahinang sambit ko ."Wala na ba talagang pag asa?"garalgal na tanong ko,nagsusumamong sana meron pa.

"Im sorry anak,"Yumakap si mama sa akin."Im so sorry pero wala na."

Napahagulhol nalang ako sa sagot nito.Bigla ko itong naitulak ng hindi sinasadya.Mabilis akong umakyat ng kuwarto ,yakap yakap ang unan habang umiiyak.

Rinig ko parin ang iyakan sa ilalim .Pilit kong tinatakpak ng unan ang tenga ko pero bumabalik balik parin sa pandinig ko ang sinambit ni mama.

'Im so sorry pero wala na'

Kinuha ko ang airpods ko at inilagay ito sa tenga.Kasabay ng sakit ay dinaramdam ko ang musika.Hindi ko alam pero para bang kusang gumalaw ang kamay ko.Natagpuan ko nalang ang sarili kong sumasayaw ng nakapikit habang nakikinig sa musika,kasabay ng pagpatak ng mga luha ko'y ganun rin ang galaw ng aking katawan.Sa pagod ay napasalampak nalang ako sa kama.

Papababa palang ako ng hagdan ay damang dama ko na ang kalungkutan.Basag basag na ang mga plorera at ang ibang gamit ay nagkakalat na.Ang mga picture frame ay sira sira na at punit punit.Parang pinipiga ang puso ko habang tinitingnan ang mga ito.

"Jusko!Nanakawan tayo!"malakas na sigaw mula sa kusina.Boses ni manang Lori.

Hindi ko pinansin sapagkat alam kong hindi naman kami ninakawan.Pinulot ko ang punit na mga larawan namin at niyakap ito.Paulit ulit ko itong tinitingnan habang lumuluha.

"Jusko!"

"Hindi po tayo ninakawan manang,nilayasan siguro oo,"Agad ako nitong niyakap.Wala itong ibang sinasabi,tanging mahigpit na yakap lang ang tugon niya sa akin.

May yabag pababa ng hagdan kaya nilingon ko ito.Agad akong tumakbo at yumakap kay papa."Huwag mo akong iwan papa ha?"pagmamakaawa ko.

Hinalikan ako nito sa ulo at niyakap.

"Diba pa,hindi mo'ko iiwan?"pag uulit ko ngunit hindi ito sumagot."Pa?Diba?"

Napahagulhol nalang ako ng makitang may binababa ng maleta si Manang Lori.

Namumula ang mata ni papa at pinipigilan nitong umiyak."Magpapahangin lang si papa,"tugon nito.

"Puwede namang sa labas lang pa ah?Bakit may dala kang maleta?"

Pinantayan ako nito at pinalis ang mga luha ko."Aalis si papa para makalimot at para mabigyan ka ng magandang buhay ,Sky."pagpapaintindi nito ngunit hindi ko parin matanggap.

STORY ABOUT YOU AND MEWhere stories live. Discover now